Pebrero 21, 2009

Saan na nga ba?!

Klit, Che, Maxie, Dhin, Mac, Ikai (wala si Zhileen at Shella) The Family Daw?
mga virgin pa dati lahat ng iyan maliban sa 2 hmmm sino kaya yun? hehehe

“At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan

Saan na nga ba, san na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?”

Ayan ang kantang naririnig ko habang bumibiyahe ang bus na sinasakyan ko. Bigla tuloy akong nalungkot (emote-emote ba, parang MTV ang dating, with matching nakatanaw sa bintana mode hehe). Naalala ko ang mga barkada at kaibigan ko sa kolehiyo. Ang mga samahang walang tatalo talaga, sa saya, sa lungkot, sa drama, sa actions, meron din horror at sa kalokohan siyempre. Naka-ka miss talaga.

Mass Communication ang course namin (feeling ko nga dapat miscommunication yun he hehe) kaya maraming adventures. Hindi maalis sa college yung may mga kanya-kanyang barkada. Minsan pa binigbigyan pa ng pangalan (ewan ko ba pero kahit corny eh ang saya saya pa din hehe). Meron sa amin may pangalan ang barkada na Alpahpichupapi (ewan ko san planeta nila nakuha yun at ano ibig sabihin), meron din blue ladies (siyempre lahat sila ay puro babae, malamang mahihilig sila sa color blue), yung isa pa hindi ko na matandaan hehe at siyempre kami, ang The family! (corny noh? Bakit pa family naisipan namin, eh kasi siguro pamilya na ang turingan namin sa isat-isa). Madalas sila sa bahay namin, actually ang tawag ko nga sa mga barkada ko ay mga boarders namin, kasi ba naman, dun na sa amin kumakain, natutulog kung minsan tambay sa amin, kulang na lang eh singilin ko na lang ng upa hehe at kumuha ng adaption papers. Ang paborito nila ang spaghetti ng aking ina, at madalas namin lutuin ang sardinas, itlog, instant pansit canton at kung ano ang maisipan. Hindi man kami mahilig gumimik sa labas o mag shopping, masaya na kami na magkakasama-sama sa bahay at kwentuhan, kahit kwentong barbero pinapatos na namin, may magawa lang hehe (pero sa totoo mga wala kaming pera o nag titipid haha).

Ngayon ay halos wala na akong balita sa ilan, maliban lang talaga sa mga barkada ko, malalapit na kaibigan at mga kautotang dila ko hehe. Halos lahat sa kanila ay mga supervisor na sa malalaking call center, may mga kotse at sariling bahay, ang iba ang nahanap ang kapalaran sa ibang bansa, ang ilan ay may mga pamilya na at nakontento na lang sa bahay at ang iba..well..pasaway pa din..hehe.

Si “KUTIS ARTISTA”, na mi-miss ko talaga siya. Hindi sa kutis artista talaga siya kasi yung pangalan nya ay sa commercial at hawig nya si LJ Moreno, oh gets nyo na? hehe. Siya ang pangalawa sa pinakamaganda sa amin (ahem, kasi ako ang una haha, kapal talaga). Marami ding manliligaw. Isa siya mga barkada ko at tinuturing kong kapatid na din. Maituturing kong bestfriend ko din siya. Close kami as in.. hehe. Ewan ko ba pero nung college kami, simple lang ang pangarap nya, ang maging mabuting may bahay at magkaron ng mabuting asawa (oh diba nag aral pa siya?). Pero in fairness, ay natupad yun. Isa na siyang mabuting may bahay, ina at may mabuting asawa. Masaya ako para sa kanya, she looks happy and satisfied with her life (kasi hindi naman ako naniniwala sa contentment hehe), maganda at sexy pa din. Madalas ko siya ma kontak, in-tuck pa rin ang aming communication, thanks sa Friendster at ym hehe. Hindi na nga lang kami madalas magkita in person pero masaya pa din ako at may communication kami.

Si “BOY ABUNDA” isa sa mga taong na miss ko at nagging parte ng buhay ko kahit hindi ko siya barkada at nagging malapit sa puso ko (naks). Tinuring na din kasi siyang pamilya ng tunay kong pamilya (taray diba). Galing kasi siya sa ibang section. Section 1 kasi kami haha (ahem, matatalino ba). Bakit kamo boy abunda? Eh kasi naman, kamukha talaga niya si boy abunda! As in, para silang mag ama. Sa hair, sa kilos, sa gender, este sa pagiging gay. He’s happy to be with. Sa kanya ako natutong mag chat, sa MIRC, sa yahoo at kung sa ano ano pa, itunuro at ipinamulat niya sa akin ang mundo ng chats, maka kilala ng mga foreigners at mga makamundong bagay, in short bad influence siya (hehe joke). Masaya nga ako at nagging parte siya ng buhay naming magkaka ibigan. Marami din kaming natutunan sa kanya, mapa good or bad hehe. Paminsan minsan na lang kami magkabalitaan, kasi ba naman busy siya sa showbiz. He’s working sa isang malaking entertainment company at madalas pa mag out of town at super busy especially pag may mga concert. Hindi nga siya ma-reach ngayon eh pero in fairness hindi pa din niya kami nakakalimutan.

Si “ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA BALAT NG LUPA”, iyan kasi madalas sabihin ng ka-barkada ko. Malapit din siya sa puso ko at nagging parte ng buhay ko. Masayahing tao. Kahit may mga problema at malayo sa pamilya dahil sa kamag anak lang siya nakikituloy noon, eh very positive ang thinking niya lalo na buhay. Nag working student siya sa isang fast food chain. Masipag at maasahan, yan ang kanyang character. Minsan nga tatlo kaming nag enroll sa isang work shop at lahat ng course pinasukan, ang theater at writing. Magaling naman talaga siyang umarte at enjoy siya sa ginagawa nya. Pero ewan ko ba, biglang isang araw na lang, lumayo ang loob niya sa amin (lumayo nga ba? Ewan ko ba, kasi until now clueless pa din bakit hindi na siya ganon ka close sa amin, huhu..tissue nga jan). Nabalitaan ko na lang sa mga dati kong classmate kung saan siya madalas nakikipag kita at nakikipag communicate eh she’s going to be a mom. Minsan binisita ko siya kasama ang iba pa naming classmates, gusto ko nung maiyak kasi matagal na kaming hindi nag kikita, marami kaming mga shared secrets, mga pinag samahan noong college at I still keep the memories. Hindi na ako nag usisa about her personal life kasi gusto ko siya ang magkwento. Na mi-miss ko ang dating moments namin na kwentuhan, sabihan ng problema, pero ngayon wala na. Kahit mag ka-ganon pa man eh masaya na ako at nagkita kami muli. I am still hoping one day, soon, mababalik ang dating samahan, and one day, I will have courage na matanong siya what had happened at magkausap kami heart to heart just like before (tissue pa nga!).

Si “JULES”, yan kasi ang pangalan ng character na ginampanan niya sa theater 101 namin. Isa siya siyang babae pero ang character na ginampanan niya eh lalaki. In fairness magaling siyang umarte at maraming na inlove sa kanya doon. Hindi ko man siya barkada pero isa sa siya sa mga naging malapit kong kaibigan. Mas lalo kaming nag kalapit after college. She shares her personal problem, especially sa love hehe. Kung noon eh parang dedma siya sa mga lalaki at pag ibig, ngayon, sobra siya ma inlove. Pero bilib ako sa kanya kasi isa siyang cow girl, walang arte sa buhay. Madalas nga namin siyang isama sa Luneta (day off ba ni inday, hehe) at ipakilala sa mga ibang friends. Siya din yung tipo ng tao na pag inaya mo at bago sa kanya, go gurl ang drama niya. Nakakatuwa dahil totoo din siyang tao. Madalas din namin siyang isama sa bahay at ka tsismisan na din hehe. Ngayon kahit problemado sa love life at nagging tanga, napamahal na din siya sa akin, kaya nga gusto ko minsan gusto ko untog ulo sa pader para hindi na masaktan sa pag ibig at magising na. Madalas din kami mag kausap at may communication pa din kahit hindi man kami magkita in person dahil sa schedule eh naalala pa din namin ang isat isa.

Si “SANTA”, huwag nyo nang alamin kung bakit siya nagging santa hehe. Hindi din namin siya nagging barkada pero masasabi kong naging friend ko siya. After college siguro mga 5x pa lang kami nag kita, if I am not mistaken. Binigyan nga nya ako ng flowers nung mothers day (wala lang gusto lang nyang gumastos, hehe). Masasabi kong mabait at strong woman ang baklang ito. She is happy to be a mom. Kinasal naman siya with her college bf na classmate din namin. Kaya nga lang hindi maiiwasan ang mga bagay bagay na kung minsan ay kelangan mong mabuhay mag isa kahit wala ang asawa. Well, masalimuot ang buhay nilang mag asawa but who knows in time or in the end eh sila pa ding mag asawa. We sometimes contact each other pero madalas kapag schedule ng pagkikita eh hindi na tutuloy dahil sa hindi mag tagpo ang aming schedule. Nakaka miss din ang kwentuhan at kakulitan sa isat isa.

Si “BULOG”, bakit nga ba bulog? Hehe, kasi parang baboy, yung bulugan? Ewan ko din. Siya ang asawa ni Santa. Dati ko siyang ex at ex ni klitorika (ahem, yes ex, ex-classmate namin). Magaling siya sa klase namin especially sa theater, ang galing umarte. Sabi nga naming sana nag showbiz siya. Madalas naming siyang maka debate ni klitorika when it comes to religion and God (oh diba ang kulit). Member kasi siya ng Dating Daan ni Elly Soriano. Kung tawagin nga niya kami ni Klitorika eh Atheist (hmmm basta ang alam ko ang diyos ay si Alanis Morissette, hehe). Maraming beses na siyang nag attempt na ipaniwala sa amin ang God and the religion, ang pag huhukom, salvation, bible at kung ano ano pa. Well, knowing Klitorika and me, sige good luck na lang diba? Halos araw-araw kami nag uusap tungkol doon pero kahit nag dedebate kami, we’re still friends. Naging magkaibigan pa din kami. Masayahing tao ito at mabait (naks, sobrang miss ko na kasi itong si papa bulog hehe). Natutulungan ko pa siya dati sa pag gawa ng script sa segment nya sa isang TV program sa isang new channel (na wala naman sa TV namin). At ang huling balita ko sa kanya eh for good na siya sa pag spread ng words of god (ewan ko ba kung bakit hindi na lang siya nag pari).

Si “MOFFATS”, pano ba naman siya ang number one fan ng Moffats. Naalala nyo pa ba yung group singer ng mga moffats brothers? Grabeh siya maging fan. At may scrapbook pa siya! Maraming pictures at mga iba pang collections. Naging barkada ko din siya kahit na late kasi galing sila sa ibang section. Naging malapit din siya sa akin. Marami din kaming pinag samahan. Isa rin siya sa mga masasayahing tao na nakilala ko. Siya ang unang nag asawa sa amin, kaya nahinto siya sa pag aaral. Isa na siyang mabuting ina ng 3 chikiting. In fairness, inaanak ko ang panganay nya at until now hindi ko pa din nakikita! May communication pa din naman kami pero yun nga lang mahirap magkita in person kasi full time mother at wife siya. Walang oras. Minsan nga natanong ko siya kung masaya siya, may halong pag sisisi pero andun na iyon eh. Sa totoo lang gusto talaga niyang makapag tapos at makapag trabaho, sayang nga lang. Kung maiibalik nga lang ang panahon..

Si KLITORIKA, naks! Ito ang pinakamatindi sa lahat! Best friend ko din siya at ang may ari ng blog na to. Hindi ko na nga ma reach kasi may libro na siya (hehe na kung hindi ko pa pinilit eh hindi ako bibigyan ng complimentary book nya). Sa hirap at ginhawa magkasama din kami niyan. Sharing secrets, problem pero hindi sa lalaki ha (hehe kasi selfish ako). Kung may award lang for best late nung college, siya ang lagging may award at ang reyna ng mga late! halos uwian na sa tuwing papasok. Kaming dalawa yung nang away ng professor kaya kami nabagsak pareho, yung nga lang yung akin eh naipaglaban ko at in my professor’s face, pina recomputed ko ang grade ko at ako ay pasado, sadyang mag galit lang siya sa amin, pero si Klitorika ay nadali sa madaming late! Parehas din kaming nag crush sa professors namin at dahil parehas kami pasaway, inalam namin kanilang mga telepono at address, kaya gulat na lang ang mga professor namin na sa tapat na kami ng bahay nila haha. Madalas din kaming magkasama tumambay sa luneta, pero siya ay kinarir nya kung saan niya nakilala ang kanyang partner. Parehas din kaming nag enroll sa isang workshop ng writing kung saan nakilala namin si Natasha rose, writer sa isang romance pocket book (diba pang bold star ang dating). Kung saan din nag ka gusto din si klitorika hindi lang sa isa kung hindi sa 2 students dun (sabhin ko ba kung sino? ambilis magkagusto ng babaeng ito!) Nag trabaho din kami sa iisang company dahil parehas kaming adventurous (kita mo nga naman, madami talaga kaming na pagsamahan). At marami pang mga eksena lalong lalo na nung nasa college pa kami. Nakaka miss talaga ang mga samahan pero kahit malayo man kami sa isa’t isa, eh malapit kami sa mga puso namin (ayos!)

Si IKAY, na aking katukayo, Itinuring kong isang tunay na kaibigan hangang ngayon. Masaya din siyang kasama, maganda at palaban. Kahit na medyo masalimuot at madaming hinanakit sa buhya at alam kong isa siyang matatag at matapang. SIya yung tipo ng taong kapag kaibigan at mahal niya at handa niyang ipaglaban. Nakakalungkot nga lang dahil sa isang lalaki eh naituring niya kaming kaaway. Ilang beses namin siyang sinubukang kausapin at ibalik ang lahat sa dati pero nag pakalayo layo siya sa amin. Ang huling balita ko sa kanya eh isa na siyang Manager sa isang restaurant. Pero kahit nasaan man siya, para sa akin, siya pa rin ay isang kaibigan.

Nakakatuwa at nakakalungkot isipin na ang mga nangyari sa akin noong kolehiyo. May mga tuluyan na talagang nawala na kaibigan at hindi ko alam kung nasaan pero masaya dahil ang tunay at maasahang mga kaibigan ay andiyan pa din na handang tumulong ano man ang mangyari. Ang mga kaibigan na hindi nakakalimutang mag paramdam at mag paala na minsan, kami ay nagkasama-sama. .

“Don't be dismayed at good-byes. A farewell is necessary before you can meet again. And meeting again, after moments or lifetimes, is certain for those who are friends.”

Sa ermita, nakatambay sa gilid ng kalsada... hulaan nyo kung bakit? wer trying to have a good time after ng nakakapagod at nakakaburaot na film making chuva leche! Wer broke but wer happy makasama lang ang bawat isa... hmmm miss you all guys asan na kayo?!


Inuman sa sidewalk... uso ba dati yun? He,he,he


Contributed by my bestfriend athena... hmmm in fairness naiyak ako ng makita ko ang mga pics na ito. Miss the good old days... college life...magulo, masaya, nakakaburaot, mapait, masarap.



7 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

ay! ano ba ito? maalaala mo ba ito? kilala ko kayonglahat, mga hitad kayo!!! dati kayong mga snatcher sa welcome rotonda! char!!!!

Randy P. Valiente ayon kay ...

potah! andyan pa pala ako sapic!! inangku!!

Unknown ayon kay ...

Hahahaha Oo at ikaw ang big boss namin hehehhehe andyan ang ebidensya hehehe. Lagot!!!

Poipagong (toiletots) ayon kay ...

Ang nene mo dun sa pic. haha!

Grzesiek ayon kay ...

Ikaw ay maganda:* Pagbati mula sa Poland

Randy P. Valiente ayon kay ...

o, maganda ka raw. ano masasabi mo?

Unknown ayon kay ...

Huh? salamat heheh isa lang ibig sabihin nagsasabi sya ng totoo at malinaw ang mga mata niya hehe