Pebrero 13, 2009

KABIT-KABIT

Naalala nyo ba yung kwento ng mga kaibigan kong Other Women? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, malungkot or mainis dahil ito ay may part 2!

Days ago, I received a call from my long time friend. She’s crying and she said kung pwede daw ba kaming mag kita dahil gusto niya ng kausap dahil ang laki daw ng problema nya at kelangan nya ng serbisyo ko! Gusto ko tuloy sabihin na, “gusto mo magdala ako ng pari?” hehe. Walang ka abog abog eh mega punta naman ako sa bahay niya.

“Ano ba ang nangyari?” tanong ko pa (oh diba parang nung time na yun eh, Ms. Friendship ang award ko dahil mega consoling ako sa kanya).

“I need your service, kahit mag kano, I will pay”, sagot agad nya sa akin. (Kung ano yung serbisyo ko, well very sensitive, basta..kakaiba hehe, ang mga katulad ko ang malaking nai-aambag sa lipunan! Nang sa-salvage kami! Scary diba?). Hindi kaagad ako nakakibo parang alam ko na kung saan patutungo ang usapan namin. Eh matagal ko na din hindi nang sa-salvage eh, este, ginagawa yung trabaho na yun, sabi ko pa sa kanya. Ang sabi nya wala na daw kasi siyang choice. Pinag kwento ko siya dahil tingin ko sa kanya eh isa na siyang desperada that time.

Eto pala ang mala pelikula niyang kwento, ang kanyang magaling at matinong asawa ay nahuli niyang may Other woman! (waaahhh, gusto ko na din maki cry sa kanya!). Noong una instinct daw, kasi laging over time, minsan working even on Sundays. Sinubukan nyang tingnan ang celfone pero wala siyang nakita. Akala nya noong una mega busy lang talaga sa work. Until one day eh nakita niya ang phone nito na naiwan sa rest room. Dahil wala siyang load, tinawagan niya ang kapatid niya using her husband’s phone. Ang tanong agad ng kapatid niya sa kanya eh who’s this? Eh ang alam nya eh naka save sa phone ng sister nya number ng kanyang asawa! (kaya nga ba yaw ko ng celfone eh). Sabin ng sister niya iba daw ang nag register na number. Isa isa niyang ini-scan ang phonebook ng cp, at isang number lang ang nandun, at ang name ay Babe! Ano yun biik? Kelan pa natutong mag cp ang mga baboy? Ang magaling niyang asawa ay dalawa ang cp at parehas na parehas ng unit para hindi mahalata! (ang talino diba?).

Tinanong ko siya kung sure ba siya, sabi naman niya oo dahil nabasa niya lahat ng mga texts! Gusto niyang malaman kung sino talaga yung Other Woman. Binigay niya ang number sa akin at ako na daw ang bahala basta tulungan ko daw siya! Sabi ko sa kanya lahat ng relasyon ay dumadaan sa ganong sitwasyon, kaya dapat ay maging positive siya sa lahat ng bagay. Hindi daw niya akalain na gagawin sa kanya yun ang asawa niya (well expect the unexpected).

Ginawa ko naman ang pangako ko sa kanya. Sabi ko parang familiar sa akin ang number, tinawagan ko ito, at ito ang shocking! Ang lumabas na number sa akin eh ang The Other Woman #1 na friend ko! (waaahhh tumabling talaga ako).

“a..e..helloo”, yun lang ang nasabi ko.

“Oh gurl bakit?”, ask pa niya.

“ah.eh check ko lang kung buhay ka pa ba?”, ayos sa tanong ko diba?

“oo naman buhay na buhay, alive and kicking”, tawa pa niyang sagot. Sabi ko na lang gusto ko lang siyang kamustahin at hindi naman masyado nagtagal ang aming pag uusap. Nanlamig talaga ako. Kung kayo ang nasa kalagayan ko ano ang gagawin niyo? Gusto kong sabihin kaibigan ko ang asawa ng lover niya..pero hindi ko nagawa.

Maya-maya eh yung long time friend ko naman ang tumawag sa akin at kinamusta kung nakilala ko na daw ba ang babae. Hindi ko alam, pero parang umurong ang dila ko. Dapat ba akong maki-alam? Dapat ko bang sabihin ang totoo na hindi ko lang kilala ang Other Woman ng asawa niya kung hindi kilalang-kilala dahil ito ay kaibigan ko! Gusto ko tuloy sabihin na sorry the person you’re calling is already dead..toooottt…waaahhh lord help! Na blank talaga ako as in promise. Nasa pagitan ako ng dalawang nag uumpugang bato (eto ang napala ko sa sobrang friendly..huhu).

“ah eh gurl, ano ba balak mong gawin or next step mo if nalaman mo na ang totoo, curious lang ako. Any plans?” sagot ko na lang sa kanya. Sabi nya, sa totoo lang hindi daw talaga niya alam ang gagawin. Gusto daw niyang sugurin ang babae (patay ang kaibigan kong other woman, maghanda na siya ng shield) or on the other hand, gusto daw niyang idemanda ang asawa niya (whew! Buti may mga options pa siya..).

Sabi ko sa kanya mabuti pang pag isipan muna niya ang mga gagawin niya. Tayo bilang tao eh may nagagawang mga bagay bagay na minsan ikinabibigla din natin at pinag sisihan bandang huli. Gusto ko man maki alam dahil may mga tao nang nasasaktan eh wala ako sa lugar para gawin yun. Kapwa ko sila kaibigan at kapwa sila mahalaga para sa akin (parang kapwa ko mahal ko lang hehe). Ang buhay ay hindi natatapos dahil doon, nabangit ko pa nga sa kanya, buti siya ay ganoon ang problema, ang iba nga walang makain diba? (ayos!)

Ilang araw din akong nanahimik dahil gusto ko muna malamana ang desisyon ng old friend ko. Tumawag siya sa akin at nag papasalamat. Sabi ko salamat saan? Sabi niya hiwalay na daw sila ng asawa niya. Iniwanan niya (huh ganon?). Kalmante daw niyang kinausap ang asawa, inamin niya ang totoo dito na alam na niyang may ibang babae ito. Nagulat ang asawa niya. Sabi niya, hindi daw ito kukuha ng ibang babae kung masaya sa kanila ng mga anak niya. At kung hindi naman sinasadya o hindi kagustuhan ang nangyari eh sana noon pa pinutol na niya ang relasyon dito. Naniniwala kasi siya na you cant serve two masters at a time (sosyalan din itong friend ko, may nalalaman pa na ganon).

Ayaw niya ng broken family pero inaamin niyang selfish siya, mahal daw niya ang asawa pero mas mahal niya ang mga anak niya at sarili niya (go gurl!). Inamin naman daw niya na minsan ay may pagkukulang siya. Ayaw daw talaga pumayag ng asawa niya pero nanindigan siya, iyon daw ang consequences. Ayaw niyang idemanda ang asawa dahil gastos lang (practical huh) at ayaw niyang sugurin ang babae dahil hindi naman daw siya ganon kababaw. Ask ko pa nga siya kung may halong pag sisisi, sabi nya hindi daw maalis yun pero dapat tanggapin.

Mga ilang araw din ang lumipas ng makatangap din akong tawag mula sa Other Woman na friend ko. Nabalitaan ko from her na hiniwalayan niya ang lover niya. Tanong ko kung bakit sabi niya inamin daw sa kanya ng lover niya na nalaman na ng asawa ang relasyon nila kaya ayun nakipag hiwalay siya (ang lufet!) Sabi ko diba dapat masaya siya, sabi nya ay hindi daw kasi hindi siya yung tipo ng babae na magiging masaya kapalit ng kalungkutan ng iba (naks, hindi ko maarok).

Mahal na mahal niya ang lover niya, pero ang sabi niya, noong una pa lang eh sinabi na niya sa lalaki na kapag nalaman ng asawa ang relasyon nila, dapat na silang mag hiwalay dahil ayaw niya ng gulo kaya nga ayaw niyang papiliin ang lalaki.

“Gusto mo bang habang buhay kang maging Other woman? Laging patago tago?”, tanong ko pa sa kanya.

“Alam mong masaya ako sa ganoong sitwasyon namin, pero kung ako ay lalagay sa tahimik or lets say to be with the guy for the rest of my life, ay hindi sa lalaking may asawa.” Sagot niya sa akin.

Hay naku, nakakaawa lang yung lalaki, dahil he lose both of the best worlds. Oo nga at masaya siya and he can have both, pero in the end..nauwi siyang malungkot..nag iisa.

Kawawa naman….saluhin ko kaya? hmmmm joke!

HAPPY VALENTINES TO ALL! MUAH!

ni athena:

5 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hayyy naku.. ang buhay talaga... magulo.

minsan, ang buhay kahit pa gusto nating maging simple, nagiging masalimuot kahit pa anong gawin natin. mahirap mag judge sa ibang tao lalo pat di pa tayo mismo napupunta sa ganung sitwasyon.

me mga kapatid akong ganito kagulo ang mga relasyon at kahit ako din madalas nagiging ganito kagulo.

ang hirap lang sa ganito, maraming nadadamay. if i were the guy at pareho kong mahal, kahit sino piliin ko, pareho me masasaktan..

best option would be walang piliin.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

anticipated na yan, buti na lang may sasalo pa..u

Unknown ayon kay ...

kuya buraot - you mean walang piliin at maghanap ng bago? heheheeh joke!

Hnd nagpakilala - hmmm kapag ikaw un sasaluhin kita ahahahaha ;-)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Yan ang mahirap sa mag-asawang di naguusap at di sinisettle ang problema. Laging nauuwi sa hiwalayan at pagtataksil.
Buti nga do'n sa lalake at iniwan sya ng dalawa, panahon para magtanda sya.
Pero nagtanda nga ba? o baka nagcelebrate pa dahil single ulit sya!
wahahahah

Unknown ayon kay ...

hahahaha
well, malamang nagcelebrate nga yun hehehe, at least binata na ulit may chance pang maghanap ng bago o diba?