Enero 20, 2009

Aligaga...

Oo as in aligaga ako ngayon, hagardness to the maximum level nanaman ang lola nyo. Ito nga ang dami kong gustong ipost dito sa blog ko sa sobrang dami hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Kahapon lang Lunes, natapos ang pinaka the BIG EVENT dito sa Cebu ang Sinulog Festival.

Halos ilang gabi rin akong puyat, hindi sa gimik kundi sa ingay ng isang grill/resto bar na malapit sa tinitirhan ko, imagine naman habang pinipilit mo ang sarili kong maidlip kahit papaano eh biglang patutugtugin ang mga kantang favorite o gustong gusto mo. Ikaw naman dahil adik eh sa halip na matulog eh sinasabayan ng kokote mo ang kantang pinapatugtog ng mga taong ayaw magpatulog.

kaya ako, kinabukasan hagard akala mo eh nakipag sex ako buong magdamag sa laki ng eyebag (sex talaga diba?). During the sinulog naman, aba'y ewan ko ba kung saan nangaling ang sangakatutak na tao sa in C-R-O-W-D halos lahat ng major street sa Cebu sarado, magkabilaang lane occupied ng mga taong paroot parito, ang iba pa'y may hawak ng mga bote ng alak, baso ng beer na palakad lakad parang ginawang bar ang buong cebu! Halos lahat ng kanto rin may tugtugan, disco, live band at kung anik-anik na gimik para libangin ang mga taong nagpapalibang naman (just to make sure na nasa sinulog nga sila).

Tapos ngayon naman ito, pinporoblema ko nanaman ang darating kong project kung saan maglilibot nanaman ako sa area ng Visayas haysss naloloka na ata talaga ako. Tapos malapit na deadline ko sa book 2 ko marami pa akong gustong idagdag ano ba naman yan ateh sinabi ng kailangan ko na talaga ng Clone!

At itoh pa... nag-iisip ako as in pinag iisipan ko at pinagbubuhusan ko ng panahon ang pagdedesisyon sa magiging pangalan ng alaga kong 2 pagong at 2 lobster! Any suggestion?!

6 (na) komento:

Poipagong (toiletots) ayon kay ...

Hehe. Last year na sinulog, di ako nakalabas ng hotel hehe. Kill joy kasi ung kasama ko eh. natulog nalang ako.

Hmmm... lobster? pet?

Si Pong pagong. O si kiko. o si hmmm.. wala bang lobster sa spongebob? hmmmm.

eRiC CaNtiLa...... ayon kay ...

wow standing ovation xa room namin ang book mu

if u want to be a part of my improvement jux vct my my blog.....

kung ok lang

Anino ayon kay ...

May post na ulit ako. Sana ay mapatawad mo ako.
Maraming salamat sa panahong iniukol mo sa aking istroya.

Ang sarap naman ng trabaho mo. Maglagalag!

Magandang tanghali.

Unknown ayon kay ...

Hello anino musta Oo nga as in kakabitin ka waaaahhh.... so ano na ang kaganapan sa buhay ngayon?

Unknown ayon kay ...

heheheh kulit mo jepoy pasaway hnd ka man lang nagparamdam na nasa cebu ka?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mukhang napakasaya ng festival na yan! sana makita ko ito ng live