Disyembre 20, 2008

Update

Matagal na rin akong hindi nakakapag post ng matino dito sa blog ko. Kung hindi picture, picture pa rin ang madalas nyong makita dito. Pasensya na po mga kaibigan at ka-blog (naks parang kapuso) medyo busy kasi ang lola nyo sa pagsusulat para sa Book 2! Yes, tama ang narinig este nabasa nyo, inalok na rin ako sa wakas ng publisher ko na magsulat para sa susunod na ibro, hopefully early next year mailabas ito.

Excited na nga ako at the same time eh medyo nangangapa ng mga bagong isusulat, pero sa awa ng diyos hindi pa naman nauubusan ng isusulat ang inyong lingkod, marami pa rin naman tayong nakakawindang na (s)experience sa buhay na alam kong kikiliti sa mga imahinasyon nyo he,he.

Marami ang nagtanong kung ang mga bagay ba na naisulat ko sa book 1 eh totoo as in True to Life Story, syempre isa lang ang sagot ko isang malutong na Oo. At katulad nga ng sinabi ko hindi ko pinagsisihan ang lahat ng iyun.

Anyways, dahil pasko na ayan Merry nga ba ang Christmas? Well kung Oo ang sagot nyo Merry Christmas sa inyong lahat. At sana po ay abangan nyo ang paglabas ng BOOK 2 ni KLITORIKA

4 (na) komento:

Pedro ayon kay ...

hihintayin ko ito kahit wala pa ako nung book one. wala talaga sa power books sa gateway pramis!

out of stock nga cguro hehehe. - ako ito, si pedro, yung kaway em mo :D

Randy P. Valiente ayon kay ...

'Matagal na rin akong hindi nakakapag post ng matino dito sa blog ko.'

haay naku, kelan ka ba nagpost ng matino wahahahaa. char!

reyna elena ayon kay ...

Just wishing you a merry christmas gurl!

Randy P. Valiente ayon kay ...

hoy!!! putukan na! new year na!!!