Nobyembre 25, 2008

Single Blessedness or Haggardness?

Isang kaibigan ang nag-email sa akin nito. Well, mga girls na still single pakibasa naman po mga ate at suriin kung ang mga nabangit ng nagsulat nito, ay katulad din ng mga dahilan nyo sa buhay kung bakit single ka pa rin hangang ngayon...ang tanong SINGLE...BLESSEDNESS OR HAGARDNESS??

----------------------------------------------------------------------------------------------------

I wrote this entry a while back. And going through it, i realized may mga p'wede pa pala akong idagdag. So here's an updated, 2008 friendly version.

29 years and 8 months na akong single. Di naman ako nagrereklamo, just stating a fact. In fact, ayos nga maging single eh. You're free to do anything you want, go anywhere you want to go without someone to text you every single minute to update them kung ano'ng gingawa mo, kung nasaan ka na, at kung ano kulay ng brief o panty mo.

Pero, i can't help but ask myself - -sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, bakit may mga taong single pa rin hanggang ngayon? Di ba nakapagtataka? More so, di rin maiwasan na mag imagine ng life with someone special. Lalo na pag naglipana ang mga magsyoyotang walang humpay sa pag PDA. Napapaisip ka rin minsan, pag malamig ang simoy ng hangin, na masarap ang may kayakap na mainit naman ang katawan at hindi ang teddy bear mo na di makaalis sa iyong bear hug.

Oo, manhater ako. Cynical at jaded sa konsepto ng pag-ibig. 'Yan na ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko. Pero di naman ako bato. Nagbabato-batuhan lang. Defense mechanism lang 'to. Inisip ko kasi mas mabuti nang magpaka-Xena kaysa naman maglulupasay ako sa sahig dahil walang nagkakagusto sa akin at dahil lagi na lang ako'ng narereject. At ayoko din naman ng isa pang option, ang maging easy and cheap for the sake of having a sex life at least. Aba , this chastity belt stays right where it is! Single lang naman ako, di pathetic at desperate. Pero in all gut-wrenching honesty, I also want to find someone - -and hopefully this time he can love me the way i love him.

Ang mga statement ko na "Love is overrated!!", "Who needs men, when you have a credit card?", at ang walang kamatayang "Confeermed...I will never fall in love again." ay sadyang defense mechanism lang talaga, said and imbibed purely for self-preservation. Para di naman ako mamatay habang patuloy na dinudurog at sinasaktan ng mga lalaking FEELING ang aking feelings.

But in the mean time, i will put my selfish-time/it's-all-about-me/I-hate-men time to more productive use. At sa aking pag mumuni-muni, 'eto ang mga reasons na naisip ko kung bakit maraming single katulad ko. Of course with matching unsolicited advice. :-)

1. Masyadong Independent
Baka naman masyado tayong nagpoproject na kaya nating mabuhay ng wala silang lahat, with matching singing ng Independent Women ng Destiny's Child. Ayan tuloy feel na feel rin ng mga mhin na hindi natin sila kailangan, kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi. Bilang driver man, kusinero, hardinero, or simpleng love slave. Aba , hinid p'wede 'yan! Ipakita mo naman ang damsel-in-distresss side mo! O kung hindi man, maging clingy ka naman once in a while. I know a lot of guys complain pag clingy ang mga girls/boys na nililigawan pa lang nila. Naaakooooooh, i'm suuuuuuuure! Naiinis, pero pag di mo hinahanap, o kinukulit, o niyayaya - feeling naman nila you don't have time or you're not interested. Magpakita ka naman ng konting motibo, para di naman siya mawalan ng pag-asa. H'wag ka lang mag all the way...ok kokey?


2. Mataaaaaaaaaaaaaaaaaas ang Standards.
Nakuuuuuu, guilty ako dito. Sabi ko nga, "what i lack in height, i make up for in standards." At tunay namang nakakalurky, pati mga friends ko napapalinga na lang ng ulo dahil sobra daw imposiible 'yung mga hinahanap ko. Ibaba ko naman daw ng kaunti. "Yun nga ang problema, masyadong mataas, eh 5"1 lang ako! "Di ko abot 'noh!! Pero siguro, hindi lang natanggal sa isip natin ung pangarap natin nung bata pa tayo. Sa kakabasa ng Snow White, Little Mermaid, Cinderalla, at kung ano-ano pang fairytale - -ayan damang-dama tuloy natin ang pagiging princessa at 'eto tayo nagkakandalokah sa kakahanap ng ating prince Charming. Siguro kailangan na natin magising sa hubad na katotohanan na there is no such thing as the ideal guy. Ok fine, in theory, kung makita man natin ang hinahanap natin na Mr. Perfect - -gwapong matalino na mayaman na mabait - -pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang tenga, or tatlo pala ang nipples niya at mabuhok pa lahat. 'Di turn-off na tayo? Oo aaminin ko, shallow ako! Pero kung lahat ng tao ay katulad natin na mataas ang standards, malamang wala ng magkaka boyfriend at girlfriend sa mundo.Pero ako, di ako nawawalan ng pag-asa. Magtangal kayo ng mga standards kung gusto niyo, but this standard stays right where it is!!

3. Lagi kang may regla.
Aminin, hindi masarap lapitan at kausapin ang taong laging may PMS. Mukha na ngang nangangain ng tao, liligawan mo pa? Dapat kasi kahit slight, maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan,madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. Pero bet tayo, mag kumare lang ang kalalabasan niyong dalawa. Opinyon ko lang 'yun. Pero dapat, Ms. Manila Sunshine Girl ang disposition, para walang fear factor sa mga mhin.

4. Maitim ang Budhi!
Between masungit at maitim ang budhi, mas malaki ang chance magka boyfriend ng mga taong laging may PMS. Ang mood swings, lilipas for sure. pero wala pa yatang naiimbentong pangkula o baretang pampaputi ng budhi. Try niyo maghanap, kahit sa Raon o sa 168 sa Divisoria wala kayong makikita. I swear, na-try ko na! Pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magbago. Magdasal ka kay lord ng mataimtim ha. Mag novena ka sa Baclaran, o sa our lady of Perpetual Help. Mag-alay ka na rin ng itlog kay Sta, Clara, although para sa ulan 'yun. (at balita ko, nauumay na sa scrambled eggs at omellete ang mga sisters natin d'un kaya request nila dilata na ang offering. Sosyal ang mga mongha!) And for good measure, sumali ka na rin sa Mother Butler Guild, although i doubt it kung matutulungan ka nilang magkaroon ng boyfriend. Pakabait ka muna siguro. One step at a time.


5. Hermit Crab Ka
Paano naman masisilayan ng mga utaw ang iyong kagandahan kung nakakulong ka lagi sa bahay! Lumabas ka naman! Pero kung may pinagtataguan kang inutangan mo o naka blotter ka, maiintindihan kita. Pero kung wala naman, manood ka ng sine, mag malling, o mag coffee. Di dahil single ka di ka pwedeng lumabas. Siguro naman may mga friends ka dabah? O kahit wala, enjoy quality time with yourself. Solitude is the salt of personhood after all. Pero kung available ang nga friends, yayain mo sila! Come on, let's join us! Paano ka makikita ng mga option mo, kung di ka nagpapakita? You're single, so mingle!

6. Lost-yang Ka
Ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng ample time and effort para magpaganda! Naku, punishable by death 'yan! Death sa iyong dapat ay promising na love life. I'm sure aalma moreno ka to the tune of - "Eh bakit pa ako magaayos at magpapaganda, for what? For who?! Aba , aba, aba at mangangatwiran ka pa! Dapat nga lalo kang mag-ayos para makita ang asim mo. Joskoh, ano'ng ginagawa ng Be Beautiful For Him, Vicky Belo, Elvies', Ellen's, at Let's Face It d'yan?!! Zsazsa, mag scehdule ka na ng appointment. Now na! Sabihin mo lang na hindi mo peg si Elvie at si Ellen, dahil friend gusto mong gumanda oki? Hindi magmukhang buhay na bangkay.

7. Over-dose ng Kumpyansa
Medyo sensitive itong topic na ito dahil maraming ego ang masasagasaan. Alam niyo naman ang mga mhin, ever-so-insecure about their machismo that they always have to prove it. Eh hello?!! Kasalanan ba natin kung mga diosa tayo? Pero siempre dapat may compromise. Kailangan maramdaman din nila sa atin na hindi tayo condesending towards them. Hate nila 'yun. Alam ko mahirap - -sa ganda nating 'toh! Pero best-actress ka naman kaya mag pretend ka na minsan damsel-in-distress ka rin that they need to save. Hindi ko rin sinasabi na i-downplay mo ang talents mo. Wala tayong magagawa, magagaling at mahahaba talaga ang hair natin, pero minsan matuto rin tayong magbigay. H'wag nang ipagdukdukan na sobrang galing tayo. I'm sure alam na nila 'yun. .

8. I am a working girl, a busy working girl....

Nalunok mo lang ang bato ni Darna, di mo na niluwa!! Honey, di ka si superwoman. Di magugunaw ang mundo if you stop working to smell the roses. Hello! May insurance ba ang work mo for Emotional Damages brought about by your lack of a social and love life?!! Wala! Ni sa Medi Card di covered 'yun. Love your work, but love yourself more. At h'wag kalimutan na magkaroon ng time for yourself - -kahit sa pagpupluck lang ng kilay o sa pag bubunot ng nose hair.


9. I'll Never get over you, getting over me...

Fine, gago ang mga lalaki. Wala silang kwenta!! Pero di naman siguro lahat (At nagsalita ang self proclaimed man hater!) Walang mangyayari sa love life mo kung dala mo ang emotional baggages ng iyong masalimuot at nagdaang love life. Friend, let go of that heavy samsonite bag! Travel light dapat. Para di ka mukhang constipated all the time. Past is past. Move on! You have your future ahead of you. Kung paghihiganti pa rin ang na sa isip mo, eh what better way to get that sweet revenge than to find a guy na mas gawpo, mas macho, mayaman, at mas malaki...ang pasensya kaysa sa damuhong nagpaiyak sa'yo. He's not worth it. Stop wasting time and tears on someone na pinaglipasan na ng panahon. Sumigaw ka lang ng isang napakalakas na Pakshyeeet You!! (with matching ngarat) tapos move on. This is your story, and it's time for you to look for your happy ending.

10. Masyadong masyado - -as in Over OA!
Masyado kang maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman - -kaya walang may lakas ng loob manligaw sa'yo. To be fair, di mo na kasalanan 'yon. But you have the option to be humble. Pero, kung ako sa'yo, maghanap ka na rin ng katulad mo para less issues. Maraming insecure 'dyan, and for a very intimidating person like you to have someone like that as a jowa? Recipe for disaster. Kaya maghanap ng fellow single na masyadong-masyadong over OA din.

11. Makati ka pa sa Gabi.

Aminin! Di enough sa'yo ang single course meal. Ang gusto mo, eat-all-you-can na buffet! Quantity ang labanan! The more, the merrier! At ikaw naman, carenderiang bukas salahat ng gusto kumain!! Kung gano'n, aba h'wag kang magreklamo with matching tears in your eyes! Dahil kahit na gusto mo nang magka jowa, deep in your heart you know na never ka makukuntetnto sa isa. Eh hello! H'wag ka nang magbalat-kayo! Wala naman masama dyan. Basta you're true to yourself,and always be safe ok na. Plus, you get to spare the men also from falling for someone like you. Good deed na din 'yun. Ibigay mo na lang ang mga good catch sa mga single na altar/or long-term relationship ang hinahanap na finish line in their search for Mr. Right. Pero may request ako, sa susunod na on the prowl ka, isama mo naman ang mga single friends mo. Para naman di sila masyadong malungkot. Share your blessings! Sabi nga nila, those who have more should give more. Hala! Maging Caridad Sanchez! H'wag m'ng solohin ang mga mhin. Dahil, sa huli nakakasawa din ang buffet. Nakakaumay. Pag di ka mag ingat, impacho ang abot mo.At ang carenderia mo - -mapopoto.

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

12. Ayon sa baraha...wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend.

Huwaaaaaaaaaaaat?!!! (tumbling, cartwheeel, split!) Kill me now! Shyet, ang saklap! Masakit man tanggapin, ok na rin. At least ngayon pa lang alam mo na. Di mo na kailanagn umeffort. Ilaan mo na lang ang panahon mo para maging reason number 10 ka. Maging masyadong-masydo ka na lang. Single ka nga, ganda mo naman! Pero malay mo rin, baka naman may greater purpose ka in life. Ako personally, i think i'm destined to be the Patron Saint of gay men na sawi sa pag-ibig - -Nuestra Senora No Hada. In any case, it's not the end of the world. And always remember, you make your own destiny. Deadma na sa baraha. Mag tong-its na lang tayo.

Sa haba ng listahan na ito, isa lang ang net take-away...It's definitely not easy being single. But then again being single is also a blessing. Ironic ano? Pero perspective lang 'yan. You can either make it work for you or against you. I suggest you choose the former. Essentially, mahirap maging single. Pero kung single ka na, losyang, neurotic, at psycho ka pa dahil sa depress ka na single ka - - aba naman gumising ka maruja! It's about time you wore those rose clored glasses, because singlehood is not bad. Not at all. It's a time to get to know yourself, to love yourself, and to make yourself a better you. Para pag dumating ang panahon na dumating na ang lalake/babae/palaka na tatapos sa iyong single life, masasabi mong - -Go ahead, I'm Ready! (with matching raised hands and welcoming arms. And believe you me, it will come at the moment you least expect it. :-) In the meantime, tuloy ang buhay single.

:-)

6 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

nobela na naman ito

Whirlwind man ayon kay ...

ang ganda ng post na ito...hehehehe

alam mo, about sa mataaaaaaaaas ang standard, naalala ko yung kilala kong high school teacher...

she's 35, i am 28. Pambihira, makikipagfriendly lang, pinamukha pa sa aking mas bata ako, nagmano nga ako...kahit maoffend siya...hehehehe

ang nakakarindi, magtatanong na at 35, single pa rin siya, tapos, i invite her for a date (testing lang kumbaga), sasabihin naman, "sige...TOGETHER WITH MY COTEACHERS..."

then, months later, nagtanong ulit siya nung "bakit single pa rin ako." i told her, "kasi ang nagkakagusto sa'yo, hindi mo type..."

the post is right. Yes, it's never wrong to raise some standards high, but NOT TOO HIGH, that is superiority complex and PRIDE.

Besides, if a gal met a guy that meets her HIGH standard, is it a guarantee that she will be loved back? Baka barado pa yun dahil high quality yung guy heheheh

Nice post, girl...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

binabati ko ang iyong kaibigan sa nakakatuwa,nakakatawa at nakakaaliw ngunit makatotohanang paglalahad ukol sa mga single na babae.ngunit,subalit,datapwat kapatid, may kulang sa uri ng single girl na nabanngit at ito ay ang tinatawag kong "best friend material"

ito ang tipo ng eba sensitive, mahilig makinig at tumulong sa may mga problema.confidant baga.ito yung tipo ng bilat na masaya na kahit maging kaibigan lang ng lalakeng kanyang pinagnanasaan. yung tipo na "go ka lang kuya,i'm here to listen to all your angst about your mahal." pero sa totoo lang eh sumisigaw ka sa loob at nagmumura ng "p*ta ka!bakit ba kasi sa iba ka pa tumitingin eh andito lang naman ako.hayup!" siya yung tipo ng babae na hinihingan ng tulong ng pinagnanasaan niya kung ano ang magandang pangalan sa anak tapos sasabihin sa'yo matapos mong isipin na nagpaplano na siya ng pangalan ng mga magiging anak nyo eh "salamat ha.yaan mo,gagawin kitang ninang." *plok* na-burst lang yung bubble.ito yung sinasabi kong kulang na tipo ng single na babae.

pasok ba sa banga? ;p


-ligaya estrella

KLITORIKA ayon kay ...

Yeszzz! pasok sa Banga ateh! Hmmm... siguro ang magandang gawin ng mga ganitong tipo ng single eh ang magpakatotoo na talaga sa damdamin nila, kung pwedeng ikidnap at reypin na nila ang mga saksakan ng manhid na mga lalaking gusto nila bakit hindi? he,he

alcez ayon kay ...

pingas! ako naman pasok sa banga ng pagiging hermit crab hahahh! busssseeeettt!!! lalaki nga jan?!! charot...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

natawa ako dito, dahil single ako, pero it helps.bonggang bongga :)