Hunyo 14, 2008

Anonymous daw!

Yes! mga kapatid at mga kapitbahay at mga kamag-anak at mga kakilala. Simula sa mga sandaling ito itinuturing ko na pong anonymous ang aking sarili, kaya dun sa mga nakakikilala kung sino at ano ang totoo kong pangalan at pagkatao please lang po nakiki-usap ako kapalit ng piso (he.he) huwag nyo na pong sasabihin ang totoong pangalan at ibunyag ang hitsura ng may akda ng blog na ito.

Magtatanong po kayo kung bakit? Ay huwag na po kayong magtanong dahil isa lang ang dahilan nagtatago po ako simula sa araw na ito. Marami na kasi ang naghahanap sa akin at curious kung sino ako, hindi po kayo nagkakamali ng hinala marami po akong utang na tinatakbuhan! (joke lang po) ang totoo wala lang trip k lang ito.

Kaya naman kung mapapansin ninyo inalis ko na sa mga old post ko ang mga larawan ko sa blog na ito. Kung may makikita man kayo, imposibleng makilala naman ninyo ako sa larawang iyun dahil obviously manghuhula kayo kung nasaan ako dun. Pwera nalang kung talagang kilala nyo ako noon pa.

Kaya paki-usap sa lahat ... nagtatago po simula ngayon ang taong nasa likod ni Klitorika kaya sa mga kakilala atin atin nalang ha kung sino ako. As in SECRET na matindi ito he,he.

Maraming salamat po.

2 komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

may secret ka pang nalalaman...e kung ibulgar ko kaya ang scandal mo sa youtube bwahahaha

KLITORIKA ayon kay ...

baliw ka talaga randy valiente!!!