Abril 12, 2008

Thai Massage Experience




Kahapon habang namimili ng mga supplies sa opisina kasama ang partner ko feeling hagardness at super stress na kaming dalawa sa kaka-ikot sa loob ng mall. Ang sakit na ng paa namin, ng balakang at gustong gusto ko nang umupo o makapag-pahinga man lang. Kaya lang inabot kami ng 48th years sa dami ng tao sa CDR king, dun kasi kami madalas bumili ng mga kung anong electronic gadgets o mga supplies dahil mura.

Mainit na ulo namin dalawa sa pagod, at ang pasaway na partner ko nagpaparinig na sana eh makapag-hot shower man lamang daw siya ngayong gabi. Ang ibig sabihin kapag ito ang hirit niya aba'y nagyayaya na naman na mag-check in kami sa isang motel/hotel! Kaloka, sa loob ng walong taong pagsasama may mga ganung hirit pa siya, madalas naman ang sagot ko diyan sa bahay nalang para tipid he,he.

Pero this time, feeling ko hindi na yun ang solusyon sa matinding pagod at stress eh, kailangan siguro massage. Madalas kasi siyang magsuggest na magpamasahe naman daw kaming dalawa para makabawi sa pagod sa trabaho, syempre ako naman tipikal na ina ng tahanan na hawak ang budget ang hirit ko madalas ako nalang ang magmamasahe sa kanya. Syempre kapag ako naman ang magmasahe wala pang limang minuto suko agad, madalas tinatamad dahil effort din naman ang magbigay ng massage lalo nat pagod ka rin diba?

So, dahil alam kong hindi ako makakapagmasahe at feeling ko kailangan ko din ng massage sinubukan namin dalawang pumasok sa isang massage parlor sa loob ng mall, ayos naman hindi kamahalan pasok sa budget. Kaya go kami, pagpasok palang sa loob, wow ganda ng ambiance very relaxing may sound effect pa, napansin ko lang masyadong madilim yung pinasukan naming massage parlor. Naisip ko tuloy baka hindi lang masahe ginagawa dito, kaya naman habang nag-aantay pinakiramdaman ko ang bawat kuwarto at mga kurtinang nakasara, wala naman akong naririnig na kaka-iba tahimik naman.

Tinawag na kami ng partner ko, naghubad ng sapatos dyahe feeling ko lahat ata ng alikabok nasa paa ko na sa kakalakad. Buti nalang maghuhugas muna ng paa sa maligamgam na tubig, pinunasan ng babaeng attendant. Bata pa ang mga attendant siguro mga nasa 18-25 years old lang sila lahat, ayos naman ang damit nila slacks at blouse yung uniform, hindi katulad na iniisip ko na micro mini skirt.

Pinapasok kami ng partner ko sa isang room, may dalawang bed, at nagbihis ng pajama humiga kami sa tig-isang kama at nag-antay, afraid ako baka mamya lalaki pala ang magmamasahe. Buti nalang parehong nena/babae ang magmamasahe sa aming dalawa. OK ayos naman ang masahe, very relaxing pakiramdam ko nagising lahat ng mga patay at comatose kong mga ugat at dugo sa katawan, talagang kinabug nila mula ulo hangang paa pati mga singit.

Sarap ng feeling parang gusto kong matulog, kya lang ako lang ata ang pinakamadaldal na customer nila, dahil mega interview ako sa nagmamasahe sa akin. Pati komisyon at sahod nya naitanong ko na, sinama ko pa yung training nila at mga strategy buti nalang hindi nakahalata na balak ko silang kompetensyahin paglabas ko sa massage parlor nila.

Isang oras ang masahe, solve na solve pagkatapos nag-alok pa ang magandang nena ng green tea at iniwan na kami para makapag-palit ng damit. Sarap pa sanang mag stay
ng matagal para maka-idlip, kaso naisip ko dagdag bayad ito kaya napilitan na kaming lumabas. Syempre dahil nagmamaganda ako nagbigay naman ako ng tip dun sa nagmasahe sa akin, huwag nyo nalang itanong kung magkano baka pag nalaman niyo alukin nyo pa akong bigla ng masahe.

Thai Massage daw yun, babalik nga ako next week....kapag may extra budget!

7 komento:

Josh of Arabia ayon kay ...

hi klits, txs sa palagi mong pagbisita..

Massage: good that u and ur partner got one..that's a real gift for yourself..so its ok to pay for that..

more of body stretching ba ang ginawa sa inyo (that's Thai)..or maybe combo un ng swedish massage (w/c is more effluerage or hagod)

whatever..massage is a form of healing :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

i saw your profile tru chris, ang dalaga sa dubai na di nakakalimot. ang sarap mag basa sa blogs mo..nakakatuwa talaga...malamang, madalas ako dito...damihan mo pa ang chika ditse! number one ka...

linglingbells ayon kay ...

wow.. sarap naman nun! :D

Randy P. Valiente ayon kay ...

try mo rin ang LU massage hehehe. si dagul magmamasahe sa yo tapos nakahiga ka sa damuhan bwahahah

KLITORIKA ayon kay ...

hahahah gago! ang alam ko lang na nagmamasahe sa LU si Richard eh. Musta na nga pala mga yun?

KLITORIKA ayon kay ...

hello anonymous salamat sa inspirasyon at sa dalaw. Balik ka madalas ha. muahhh!

Jim ayon kay ...

Hahaha... nakakatuwa mga captions mo!
-http://frommymindtoyoureyes.i.ph