Marso 24, 2008

Kate,Sam and Beads


Ang larawang ito ay kuha sa Davao, si Tita Kate at ang panganay kong si Samadhi. Na miss ko lang naman ang dalawang ito kaya naisipan kong i-post sa blog ko. Si Tita kate isang kaibigan saDavao, nakasama namin sa kung anu-anong kalokohan at activity chuva na may kinalaman sa arts char!

Siya ang nagturo sa akin at nagbigay ng idea ng pagawa ng mga kuwintas, hikaw, bracelet, anklet at kung anung kaeklatan na may kinalaman sa mga bato, beads at anik-anik na mga abubot. Sa sobrang tuwa ng lola mo sa ganitong libangan naisipan pa naming pagkakitaan ang mga gawa naming mga kung anong palamuti sa katawan sa fiesta ng kadayawan sa Davao.

Nakakamiss ang Davao at ang mga kaibigang kagaya ni Tita Kate, siyanga pala ang anak ko ay nasa Samar at katatapos ko lang din siyang dalawin last holy week. I miss them both!


Ito ang larawan ng mga koleksyon kong beads at mga bato para sa aming obra.

4 (na) komento:

linglingbells ayon kay ...

ang ganda ng anak mo!

Dakilang Tambay ayon kay ...

ang ganda ng mga beads....

KLITORIKA ayon kay ...

thanks!
mana sa ina ang anak syempre hehe.

Randy P. Valiente ayon kay ...

ang ganda........ko