Marso 13, 2008

Desperada

(Hindi pumasa sa panlasa ng editor ko kaya dito nalang sa blog mababasa ito, siguro nga kasi naman napaka morbid ata ng mga pinagsusulat ko dito.)
-------------------------------------------------------------------------------------------------

Ewan ko ba kung bakit ganun ang mga babae…

Katulad ng mga lalaki parang mga tandang na nagsasabong din makuha lamang ang atensyon at karapatan para sa pag-ibig ng isang lalaki este babae pala pero, yes minsan lalaki din.

Huwag na kayong magulat kung may mabalitaan kayo o makitang dalawang babaeng nagsabunutan sa kalsada. Huwag na rin magulat kung sa pagtingin niyo muli nakita nyong lalaki pala ang sinasabunutan ng babae kanina, normal na rin po ngayon yan.

Babaeng nag-eskandalo sa kasal ng dalawang couple na nakatakda nang ikasal. O kaya lalaking nag eskandalo sa kasal. Gulo ano po?

Babaeng nagiging stalker, sunod ng sunod sa lalaking para sa kanya pinakamamahal niya. Oh well, mas matindin ang mga lalaking stalker ng kapwa lalaki, kakatakot siguro yun.

Babaeng nagpakamatay dahil niloko ng boyfriend niya! Hmmm, may mga lalaki na rin namang nagpakamatay para sa pagibig diba?

Pero may god! Hindi ko ata gagawin ang magpakamatay dahil lang sa isang lahi ni Adan! No way! Never Ever!

Pero may kilala akong kaibigang lalaki na nagtangkang magpakamatay dahil lamang sa pag-ibig sa isang lalaki din. Buti ngayon nakabawi na ang loko, mas matapang na siya pero kapag dumarating sa point na feeling niya eh inabandona nanaman siya ng lover niya isa lang ang ginagawa ko bilang kaibigan.

Binibili ko siya ng razor o kaya lubid, tapos ne-reremind ko siya na huwag kalimutang gumawa ng suicide note bago gawin yun. Effective naman dahil naisip niya siguro na wala namang talo kapag nawala siya kundi ang sarili niya, kinakalimutan niya na ang mga suicidal thoughts na pumapasok sa utak niya at naglolog in nalang ulit siya sa G4M account niya, maya-maya lang makikita mo nang masaya na ulit ang loko.

Pero ako, noong kasalukuyan akong nababaliw at nabubulag sa Professor kong saksakan naman ng pangit (hindi naman ako bitter? naniniwala po akong bulag ang pag-ibig, subok na po ito ng panahon)

Para akong si gaga ng mga panahon na iyun, lalo na nang mabalitaan kong may syota na siyang estudyante rin sa school namin.

“Lintek lang ang walang ganti!

“Sisirain ko ang pagtitinginan ninyo! Isinusumpa ko maghihiwalay din kayo!”

“ At ako.. iibigin mo rin ako sir! Gagawin ko ang lahat ng paraan! BWAHAHAHAHAAA! “

Para akong nasaniban ng sampung demonyo sa mga pinagsasabi ko ng mga oras na iyun. Nag-isip ako ng paraan, nag-isip… parang

isang CON-ARTIST na pinagpapaplanuhan ang mga susunod na hakbang.

Una – Papasukin ko si Sir sa faculty room at pagsasamantalahan (hindi pwede, mas malakas siya sa akin baka bugbog ang abutin ko)

Pangalawa - Susundan ko siya kahit saan siya magpunta hangang sa marealise niya kung gaano ko siya kamahal at mahalin na rin niya ako kahit dahil lang sa awa ok na. (Naku, wrong mahirap ata yun dahil wala kong budget para sundan siya kahit saan)

Pangatlo – Pupuntahan ko ang bahay nila at magpapanggap akong nabuntis niya at magpapakilala ako sa nanay niya na ako ang kanyang bagong manugang, para mapilitan siyang pakasalan ako.

(Oopps sasabit ako, baka magpa pregnancy test at malamang hindi naman pala ako buntis)

Pang-apat – Gagayumahin ko na lang sya! Tama! Gayuma ( Hindi ako marunong at wala akong kakilalang marunong gumawa nun, at mukhang hindi naman ata totoo ang gayuma)

Pang-lima – Kakaibiganin ko na lamang ang GF niya at magpapanggap na malapit na kaibigan ni Sir at makikitsismis sa relasyon nila mag-aantay, makikinig sa mga development at hintayin ko na lang na maghiwalay sila at syempre dahil ako ang may dramang “I will always be there for you” baka matutunan niya rin akong mahalin kapag wala na sila.

Syempre pang lima ang pinili ko, mas safe at hindi ako mauuwi sa kulungan kung sakali.

Nagtiyaga, nag-antay … hangang sa marealise kong TANGA! Impossible ang hinihilling mo.

Impossible man o hindi pasalamat na rin ako dahil parang bigla nalang nawala ang crush ko sa professor ko at narealise kong yuck! Hindi siya ka gwapuhan huh!

Buti nagising ako sa mahabang bangungot!

Hmp! Mas bagay sila ng syota niyang pandak!

Alam kong talo ako sa round na ito! Pero panalo pa rin dahil ibig sabihin tama lang na hind naging kami dahil unang-una hindi naman pala pag-ibig ang naramdaman ko sa professor ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ang kasunod nito ay hindi mababasa dito...

7 komento:

linglingbells ayon kay ...

to sir with love pala ito.. pero ayos na din na narealize mo na di mo naman pala siya mahal.. ngayon nakita mo na ang totoo niyang anyo! hahahaha!

BURAOT ayon kay ...

kung ako sa yo tol.. dun ako sa number wan.. pasukin mo sa faculty, i seduce mo.. pag pumalag.. sumigaw ka ng RAPE!!! RAPE!!!

o walang kawala. pero buti na lang din hindi mo ginawa. kasi kung ginawa mo yun, e di nagsisi ka din ngayon. heheheh

KLITORIKA ayon kay ...

hahaha Oo nga buti nalang hindi or else matatali ako sa kanya na ayoko naman pala. Kaloka!

Randy P. Valiente ayon kay ...

ey! ayaw na gumana ng klitorika.com mo

KLITORIKA ayon kay ...

Oo nga i'm back to blogspot.com nag expired na ata eh pasaway...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

taray. editor din ako, bka gusto mo maging specific? coz wla tayong pinagusapan about anything.

janet kwento mo nga r2 kung paano k nanalo sa mga blog award na yan. www.proxy.org? repetitive votes- nka tanggap din ako sa friendster ng voting campaign nyo dlawa.

anyway, yung domain ay si janet at joy rin may alam ng pass... oops?

mahirap na madali d2, bka ma set up tayo hehehe.

iforward ang inyong reklamo sa spectrum security services!

Mark

KLITORIKA ayon kay ...

Mark,

thanks nga pala sa suppport at paggamit mo ng proxy.org just to make me win you really are a true friend.
Salamat sa lahat ng suporta at tulong
para sa blog ko I really appreciate it.
THANKS!

klitorika