Pebrero 16, 2008

Tamang Tanong!

Kanina niyaya kong pumunta ng Ayala ang BF ko, para magwitdraw ng sahod at makapag grocery na rin.

Eh biglang may pumasok nanaman sa kukote niya, kaloka itong bf ko tawag ko dito madalas HYPER ACIDITY EXPERT sa sobrang hyper may pag ka autistic ata? Minsan tawag ko naman sa kanya eh POP UP MESSAGE dahil nga bigla ka nalang magugulat sa mga mabilis pa sa pop up messages na mga reaksyon niya! Nakakaloka! Kung may sakit ka sa puso at kasama mo siya gudluk nalang sayo baka wala pang isang oras sinusugod ka na sa Hospital dahil sa heart attack.

Anyways, naisipan niya lang naman biglang magyayang manood ng sine! Samantalang in the first place eh dapat may date siya ngayon sa kanyang mistress daw hehehe. Sira ulo yun! tama ba namang magyaya ng mga date dun sa chicks niya simula pa noong Feb. 13 para panoorin nila ang pelikula ni Richard at sino yun Marimar? Pero hangang ngayon laging naka-cancel.

Wala po akong kinalaman sa tuwing na ka-cancel ang date niya, hindi ko alam siguro sobrang busy niya lang masyado kaya hindi niya maasikaso yung ibang girls. At siyanga pala baka tanungin nyo ako kung bakit ako pumapayag na makipagdate siya, syempre naman Oo ganun talaga kaming dalawa.

Nainis na nga ako kanina dahil pinapaasa niya yung girl tapos hindi naman pala matutuloy lakad nila, syempre kung ako naman yung girl maasar at maiinsulto din ako. Kaya madalas ko siyang pinagsasabihan na huwag ganun sa mga babae.

Kami naman sa tuwing maiisipang manood ng sine biglang magba-back out dahilan lagi namin, may lalabas din namang clear copy ng mga pelikulang yan sa mga suki naming namimirata, kaya as usual hindi natutuloy ang panonood naming ng sine.

Madalas nauuwi nalang sa pagkain o pagbili ng libro ang dapat na ipang nood namin ng sine.

At bago tayo lumayo sa title ko ito na, habang kumakain kami sa Persian Palate biglang naisipan ng BF ko ang magtanong ng ganito.

“Bakit ba nag-ba-BRA ang mga babae?”

Sagot ko, una proteksyon yun, pangalawa para mas maging firm tingan ang boobs nila kasi yung bra ang nagsisilbing cup na sasalo dun sa boobs na may balak nang humalik sa lupa. Pangatlo para magmukhang may suso sila.

Nakuntento naman sa sagot ko, nagtanong ulit “ Paano ba malalaman kung gwapo, cute o pogi ang isang lalaki? Anong pinag-kaiba nun? “

Medyo mahirap ang tanong! Kailangan ata dito ng scientific research? Pero sige na nga sasagutin ko try ko lang ha.

“Pag sinabing gwapo, lalaking lalaki ang dating tipong Cesar Montano o Gardo Versoza, at ang sex sa ganun parang wild sex”

“Pagsinabi namang pogi, parang bagito ang dating yung tipong boy next door pang rampa, pero pagdating sa sex medyo mild ng kaunti parang passionate na lovemaking ganun”

“Ang cute naman, eh cutie talaga feeling mo baby mo siya as in cutie cuddly kakagigil! Sarap alagaan, at syempre pagdating sa sex nakatihaya lang ang mga yan dahil ikaw ang gagawa lahat.”

He,he naloka siya sa sagot ko kaya nagtanong alin daw siya dun? Hmm sagot ko all of the above! Pa as if ako kaya kinilig ang gago!

4 (na) komento:

William Buenafe ayon kay ...

Naku ate, ganda naman ng paliwanag mo tungkol sa kung cute, pogi o gwapo ang isang lalaking tulad ko.

Problema ko na lang eh paano ko malalaman kung saan ako babagsak.

Ate pwede get ko help mo :-))
If pwede lang naman.

KLITORIKA ayon kay ...

send ka ng pics mo heheheh....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

langya k tlaga!!!
iba k tlaga

love you
max

Alonzo ayon kay ...

i find this one, just like any other post here --- entertaining! go write some more, Klits! :)