Pebrero 25, 2008

Conversation with a Guy

Minsan habang nasa biyahe kasama ang isang kaibigang lalaki papuntang Negros napadaan ang bus naming sa isang bayan, na ayon sa kanya mayroong samahan ng mga kababaehang ginawang profesyon ang pagbebenta ng aliw.

Guy – May organisasyon dito ang tawag ay Magdalena, samahan ng mga prostitute dito sa area.

Klit – Wow talaga? Ayos ah, eh anong ginagawa nila?

Guy – Tinuturuan sila ng mga income generating skills katulad ng pananahi, pagluluto o gardening.

Klit – Nge, bakit ganun? Akala ko yung tipong organization ng mga professional prosti, tapos yung mission nila is to make sure na yung mga member eh may regular medical check up para malaman kung fit to work pa ba o hindi na.

Guy – Hindi, ano ka ba! Yung organization kasi bale yung mission nun ay yung ilayo yung mga babae sa mga ganung type ng work.

Klit – Ay ganun? Ampangit naman akala ko yung gagawin ng organization ay yung tipong magsusulong para sa rights ng mga prosti, like yung pagbibigay ng exact quota or payment para sa service nila, para hindi naman sila naiisahan ng mga customer, tapos dapat bawal tumawad at yung rate dapat depende sa experience, ganda or edad nila. Tapos dapat maisulong na rin nila na gawing legal ang prostitution dito sa atin para hindi naman sila huhulihin ng mga mapagsamantalang pulis.

Guy – Hindi ko alam na ganyan kakitid utak mo.

Klit – Sus! kunwari kapa! Ano ba masama sa pagiging prosti, eh kung masama yun bakit marami pa rin sila hangang ngayon at bakit may customer pa rin na naghahanap sa kanila? At FYI iyun ang pinaka-oldest na profession at kaya may prostitute hindi dahil sa kahirapan. Sadyang may mga babae lang na mas pipiliin pa nilang magbenta ng katawan keysa magbanat ng buto at paganahin ang mga utak nila.

Syempre hindi naman sila pwedeng sisihin o i-condemn dun sa choice nila, kahit sabihin mo pang tinuturuan sila ng mga skills na ganyan para kumita ng pera sa mas “malinis” na paraan meron pa rin talagang sadyang tamad na mas gugustuhing tumiyaha kapalit ng salapi.

Guy – So anong gusto mong mangyari hangang diyan na lang sila at hayaan nalang natin?

Klit – Hmmm… hindi naman sa hayaan, suportahan nalang, at huwag silang tingnan as pinakamababang uri ng babae. Dapat i-legalize ang prostitution, hayaan silang kumita ng tama ayun sa service na binibigay nila. At isa pa impossibleng matigil kasi natin ang ganitong problema, kaya mas magandang gawing legal mas mamomonitor pa natin sila, pwedeng hingan ng Tax para makatulong naman sa economy natin.

Imagine naman kung wala na sila diba saan nalang pupunta ang mga lalaking walang partner na gustong magparaos? Hindi naman lahat ng tao may partner na kaagad na makukuha kapag kailangan nila ng sex, makakatulong pa sila na maiwasan ang rape at sexual harassment. At least sila willing na makipagsex kahit kanino, basta bayaran lang ng tama.

At syempre kung ako naman ang babae, mas gusto kong bayaran mo na rin ako kapalit ng sex mas ok ang ganun keysa sa Thank you lang diba? Imagine ang mahal ng mga beauty products at mahirap i-maintain ang ganda just to make sure na may lalaking magka-gusto sayo.

Guy – Hay, naku ewan ko sayo!

Klit – Sige nga sabihin mo, kung ikaw nakapag-asawa sigurado ka bang hindi ka mambababae?

Guy – Oo naman, alam ko naman impossibleng hindi.

Klit – So, gusto mo makalibre ganun? Kaya ayaw ng may prosti? Gusto mo free sex nalang. Hmp! Kuripot! Kung ako naman ang babae aba sisingilin ko kayo.

Guy – Labo mo talaga kausap!

Klit – Legalize prostitution! Mas ok yun kikita na ang bayan mas mamomonitor pa natin sila bigyan ng permit, mag-impose ng regular check up, i-require na kumuha ng SSS, Philhealth at Pag-ibig para naman pagtumanda sila at least may pension silang matatangap diba?

Guy – Seryoso ka?!

Klit – Hindi! Wish ko lang pero sana diba? He,he.

6 (na) komento:

Anino ayon kay ...

Gawin na ding ligal ang show sa cam. Dapat lahat ng cafe ay may pribadong silid.Dapat lahat ng nagsho-show ay may ligal na account kung saan ay dito ipadadala ang bayad mula sa kung saang lugar.

KLITORIKA ayon kay ...

he,he pwede rin magtatayo nga ako ganun mas ok yun kasi at least walang touch pera agad! joke! basta bawal below 18.

William Buenafe ayon kay ...

Yung pangkabuhayan training like weaving, sewing etc. etc. eh para pag tanda nila.

Yung bang wala ng asim ika nga at tuyot na, so wala ng kukuha sa kanila for a hot session of sex.

So mananahi na lang sila or magbuburda o mang gagantsilyo.:-))

Joke para si Ate oh, if i know na kapag ginagwang legal na at di na huhulihin ang nagsho show sa cam today, eh tiyak tomorrow may internet cafe ka na, Bwahahahaha.

PSITTTT, ATE - SOSYO AKO SA YO HAH!
:-)

linglingbells ayon kay ...

agree ako sayo diyan kesa naman free lang ang sex ng mga lalaking gustong magparaos... aba! ang swerte naman nila!

basta ba yung mga papasok sa pagiging prosti ay ang mga babaeng willing talaga, hindi yung mga napilitan at tinakot lang..

William Buenafe ayon kay ...

Mga kababaihang mambabasa ng Klitorika ang pinakamaganda at tutuong blog ng tunay na buhay.

Matanong ko nga po kayo - if
female prostitution (im interested
in the female species only :-)) is made a legal profession, dadami kaya ang papasok na dito ng lantaran at di na mahihiya?

Kind of survey lang po, thanks.
:-) William

kheed ayon kay ...

ahaha uo nga noh, bakit nga naman di pwedeng gawing legal na trabaho yan.. hehe para di na sila nagtatago at di na tayo maghihirap maghanam c",)