Enero 15, 2008

Isang Linggong Paglalakbay - Part 1

Myerkules - Alas Singko palang nasa pier na ako ng Cebu, papunta kasi ako ng Bicol para sa isang trabaho at naisipan kong mag-via Masbate patawid ng Sorsogon. At dahil umiiral ang kati ng aking mga daliri at kukote naisipan kong kuhanan ng litrato ang bawat pier na madadaanan ko para sa aking isang linggong paglalakbay!

Ito ang kuha ko ng Cebu Port, habang paalis ang barko.

Huwebes - Kinabukasan, dumating naman ako sa Masbate at ito ang aking kuha sa nasabing Port.

Pag dating na pagdating ko sa Masbate, sakay ulit ako ng pump boat na patawid ng Sorsogon, halos apat na oras din ang itinagal ng biyahe bago namin narating ang Port of Pilar, sa Sorsogon. Pagdating sa Pilar, sakay ulit patungong Sorsogon City.


Linggo - Sakay naman ako ng jeep papuntang Matnog, dahil napagpasyahan kong tumawid ng Samar. Ito naman ang kuha ko sa Pier ng Matnog Sorsogon, ang pinakadulo ng isla ng Luzon.


Matapos ang mahigit kalahating oras na biyahe ng barko, narating naman namin ang Port ng Allen Northern Samar.


Huwebes- ng umaga, matapos ang halos isang linggong paglalakwatsa home base nasa Cebu na ulit ako!