Enero 5, 2008

Happy B-day to Me! ;-)



Cant believe I'm turning 28? este 20... he,he. Do i feel old? Hmmm hindi pa naman! Feeling ko sweet sixteen pa rin until now. Anyways age doesnt matter diba? young at heart pa rin naman ako. Teka! ano ka ba naman Janet, hindi ka pa naman lumalagpas sa kalendaryo, (although malapit na) naghihinagpis ka na agad.

Ok lang kung tumatanda ka na, ang importante may pinagkatandaan ka! teka meron nga ba? Huh? Ewan ko, basta feeling ko lang minsan eh inaatake na ko ng rayuma! ha,ha seryoso po ako!

Ang masasabi ko lang, wala naman akong pinagsisihan sa mga nakalipas na panahong ginugol ko dito sa lupa. Medyo dumagdag lang naman ako kahit papaano dun sa mga nagpollute ng environment, nakipagsiksikan sa apat na sulok ng mga paaralan sa loob ng dalawampung taon! Napasama sa mga undergraduate he,he, buti hindi minalas na mapasama sa listahan ng mga unemployed. Nakipagpatentero sa mga pulis sa EDSA, nakipagbolahan sa mga kalalakihan at minsan nagpabola rin.

Nakipag-agawan ng upuan sa mga jeep tuwing rush hour! nakipagtsismisan sa mga kaopisina at kaklase, at pinagtsismisan din. Nangopya tuwing exam at nagpakopya rin (buti never akong nahuli he,he).Pumila sa mga department store at groceries para magbayad sa mga pinamili habang ibinubulsa ang ilang na shoplift ;-)
Halos nakipagpalitan ng mukha sa Baclaran at Divisoria tuwing christmas shopping o bago magpasukan!

Nagmura sa mga pasaway na driver at ilang nilalang na dapat sana ay namamatay nalang, kaya lang naririto pa rin dahil illegal ang pumatay! Minura din at nilait ng ilang nakaka-imbyernang anak ni Eva, lalo na ang mga ex ng mga ex at mga ex ko din?

Nalipasan ng gutom minsan, nawalan ng pamasahe, nag 123 sa jeep, nawalan ng CP, nakapulot ng CP, nagpakabusog sa handaan, at hindi nagbalik ng sukli sa imbyernang driver ng jeep.

Umibig, Inibig, Nag-kaanak, Nagtaksil, Nagpasaway, Niloko... pero hangang ngayon matibay pa rin. At bukas nga birthday ko nanaman! yeheeyy! sana naman magtagal pa ako sa mundo para mas marami pa akong maisulat dito sa BLOG ko.

Salamat sa lahat ng bumati unang-una si Ka Joma, Sir Robert (dating boss), William isang kaibigan, Mga kasama sa LU dati, mga kainuman, mga kamag-anak, Mga ka-friendster, Mga ka-office mate na nagyaya pang magswimming bukas sa Olango Island (bird sanctuary) dito sa Cebu!

At Maligayang kaarawan sa aking sarili!

4 (na) komento:

too beautiful to quit ayon kay ...

happy birthday kapatid!

Randy P. Valiente ayon kay ...

uy bday! regalo ko ha

shella ayon kay ...

Happy Birthday!

William Buenafe ayon kay ...

Truly a Happy Birthday to a
beautiful although sometimes
complicated girl, hahaha :-))

Salamat KAIBIGAN ... :-)))