Enero 29, 2008

Buntis ako!?


Oh my god! Ano pa nga ba inaasahan ko? Pasaway kasi sinabi na ng doctor na magpills tigas ulo hindi nakikinig! Eh kasalanan ko ba? Huli na pala ang lahat, dapat daw kasi dumating muna ang menstruation ko bago ko simulan ang pag-inom ng pills. Sa tagal ng pag-hihintay ko matatapos na ang buwan hindi dumating ang inaasahan ko. Kaya kanina nagpasya ulit akong bumisita sa OB ko, at ayun nga mega check up plus pregnancy test, lumabas isang cross na mabigat! Positive!

Kahapon sinubukan kong uminom ng beer baka sakaling kulang lang sa motivation ang period ko kaya ayaw dumating. Iniisip ko naman siguro dahil sobrang stressed at tagtag ako sa halos walang humpay na biyahe kaya medyo nadelay lang. Hindi naman ako nag-alala kasi madalas talagang madelay ang period ko, hindi ko na nga kabisado ang tamang araw ng pagdating nito, kaya balewala sa akin ang importante kailangan bago matapos ang buwan magkaroon ako.

Eh kaso ngayon ayan… positibo, natuwa si doktora habang nakasimangot naman ako. Excited pang nagbigay ng resitang vitamins na dapat kong inumin at may kasama pang pregnancy organizer kung saan dun ko daw irerecord lahat ng check up, observation at development ko habang nagbubuntis!

Teka, hindi ata ako handa sa isang bagong anak? Oo hindi talaga! Hindi muna ngayon. Mahirap ang buhay sa dalawang anak ko nga medyo kinakapos na kami sa budget magdadagdag pa ako ng isang pakakainin? Huwag muna ngayon…siguro kapag medyo lumaki na ang bunso ko at ma miss ko uling humawak ng baby.

Alam ko hindi pa naman huli ang lahat at maraming paraan para maiwasan ang ganitong uri ng problema. Isa akong responsableng mamayan at magulang gusto kong maging mabuti ang kinabukasan at buhay ng magiging anak ko kaya gagawin ko ang nararapat… pero bago ang lahat kailangan ko munang konsultahin ang partner ko sa bawat desisyong gagawin ko. Although katawan ko ito at may karapatan ako sisiguraduhin kong hindi naman mababalewala ang anumang desisyon ng partner ko.

Kung ano man ang maging kinahantungan ng magiging desisyon namin sana magbunga ito ng maganda para sa aming pamilya. Wish me luck mga kapatid!



7 komento:

athena ayon kay ...

fotah bkla, ang tindi ng matris mo hehe, hmm ayaw mo nun may angel ka ulit?? in fairness very productive ka ha..

Randy P. Valiente ayon kay ...

yan kasi banat ng banat :) isa pa ulit mamyang gabi hahaha

KLITORIKA ayon kay ...

Randy - palibhasa baog ka eh!!! hahahah napa ka productive ko kasi eh ala ako magagawa, masipag eh!

Mac - korak! anong maipapayo mo, yung effective ha hehehe

Aleksi ayon kay ...

ako meh payo: magtayo ka ng DSWD jan!

William Buenafe ayon kay ...

Di ka masisisi dahil talagang masarap ang sex lalo na sa loob ang putok. Hahahahaha

Kung matuloy yan, eh ngayon pa lamang eh magusap na kayo ng partner mo na ihanda ang bawat isa sa mas matindi pang pagsa sakripisyo kamo.

Dahil lima na kayong bibig na dapat pakainin at asikasuhin. Kung sabi mo nga na lahat ng problema eh may solusyon, katotohanan din na walang bigat ng buhay na hindi kakayanin kung desidido at handang magsakrepisyo ang bawat isa sa inyo.

Enjoy life, that is the only way to live it. :-)

KLITORIKA ayon kay ...

Solve na problema kuya! ;-)

William Buenafe ayon kay ...

So balik na naman sa walang humpay na pagratsada sa kama, ganoon ba.

Hahahaha, tapos balik sa same na problema, then solve na naman.

LOL, this proves that life is life
a wheel that just goes round and round and round and round. :-)