Enero 18, 2008

Bilin ni Dok!

Kahapon, dahil bored ako at gusto kong maglagi na lamang sa labas ng opisina nagvolunteer akong umaatend sa hearing ng isang complainant namin sa NLRC, naku, huwag nyo nang tanungin kung anong trabaho ko, anong opisina ito at bakit may mga kanitong nakakalokang eksena.

Habang nasa NLRC, binabasa ko naman ang isang nobela na bigay sa akin ng writer mismo ng libro na si Randy Valiente, kung mahilig kayo sa komiks alam kong kilala nyo siya bukod sa madalas nyo siguro siyang makasalubong sa Luneta pagala-gala, nagsusulat din po sya ng mga nobela at kuwentong prosa. Dahil nandito sya sa Cebu para magcrash sa pamamahay ko dahil sa sinulog, binigyan niya ako ng kopya ng libro niyang PIGILAN NATIN ANG GABI, ang kuwetong ito ay nanalo bilang honorable mention na iginawad ng AIDS Society of the Philippines at Ford Foundation.

Syempre dahil AIDS Foundation ang may pakana ng nasabing pa-contest tumatalakay ang nobelang binabasa ko tungkol sa sakit na AIDS! Marami akong natutunan, ibig kong sabihin nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa sakit na ito. At syempre bigla rin akong natakot! Putcha ayokong magkaroon ng ganitong sakit! Oo masarap ang sex pero kung magkakasakit ka naman at mapapa-aga ang pamama-alam mo sa mundo never mind!

Pero may paraan naman na maiwasan ang mga ito, syempre unang una rito ay ang paggamit ng condom. Huwag kalimutang gumamit ng condom, siguro kahit sa partner o asawa nyo, maiiwasan pa ang unwanted pregnancy, may bunos ka pang security sa AIDS! Minsan, sasabihin ng marami, hindi masarap kumain ng saging na may balat! Pero mas mabuti pa rin ang nag-iingat, nasa performance naman siguro yun!

Kaya ng matapos kong basahin ang libro at matapos ang hearing na pinuntahan ko, dagli akong nagpasyang magpunta sa isang OB para magpatingin. Ang mga babae kasing active sa sex ay kailangang magpa –papsmear test once a year. Oo nga once a year pero parang three years ago pa ata ang huling pa-papsmear ko.

Dahil malapit lang naman ang CEBU DOCTOR’s nilakad ko na ito at isa-isang tiningnan ang mga clinic na nasa ground floor lang ng building, tamang-tama may nakita naman akong OB babae ang doctor, pasok ako at nagpalista. Dahil wala naman talaga akong permanenteng OB kasi nga palipat-lipat ako ng lugar daig ko pa ang mga gypsy.

Sa wakas matapos ang halos mahigit isang oras na paghihintay, tinawag na rin ang mahiwagang pangalan ko. Pagpasok ko naka-smile kaagad sa akin si doktora, tantya ko mga nasa 50’s na sya pero dahil palaging nakangiti mas mukhang bata siya tingnan.

Unang tanong, ang bata mo pa ilang taon ka na ba?

Beinte Otso na po ako dok, at may dalawang anak.

Ganun ba? Nagpipills ka ba iha? Nagsimula nang maglintanya si Dok tungkol sa pagamit ng pills at magandang epekto nito. Etc…etc… masyadong mahaba, maging ang kanyang pamangkin daw na dalaga ay pinagpipills niya. At halos lahat ng kanyang mga anak na babae ay nagpipills din daw etc. etc.

Pumasok ang assistant, tuloy pa rin si dok sa litanya tungkol sa pills. Pinapasok ako ng assistant sa CR at ang utos hubarin ko raw lahat ng saplot ko sa katawan!

Huh? Ganun? Sige sanay naman po ako sa hubaran, akala ko maghuhubad lang talaga ako, may pinasuot naming dress na open ang buong harapan. Tapos pinahiga ako sa isang bed, ito yung bed na ginagamit din ng mga manganganak. As in bubukaka ka at isasampa mo ang dalawang paa sa magkabilang dulo ng higaan. So ang lahat ng mga pinakatago-tago mo ay para mong ibibilad sa kanila, wala naman akong kiyeme, syempre dalawa na anak ko aarte pa ba ako?

Lumapit si Dok, tiningnan ang magkabilang dibdib ko hinimas himas, pinisil-pisil ayos naman mukhang walang diprensya (bukod sa hindi kalakihan) Habang patuloy pa rin sa litanya ng pagamit ng pills (Oo na dok, mamya lang paglabas ko dito iinom na agad ako!)

Lipat naman si Dok sa bandang harapan ko… dun sa alam nyo na. May pinasok na hindi ko maintindihang bagay parang clamp ata kung saan iaadjust nito ang buka ng ano mo (alam nyo na) kakaloka hirap naman ng ganito! Tapos may kung anong hinigop sa loob ng ano (ganun daw talaga ang papsmear, kukuha ang doctor ng mga sample tissue sa loob ng ano mo at idadaan ito sa mga laboratory test para malaman kung anong bacteria o nilalang mayroon sa loob ng ano na maaring maging sanhi ng sakit). Tapos sinuri ulit ang loob labas, gilid at maging ang kasulok-sulukang bahagi ng singit ko. Ok naman daw….buti nalang, nakahinga ako ng maluwag.

Sa wakas natapos din! Pinagbihis naman agad ako, pagbalik ko sa lamesa ni dok nakahanda na ang resita ng pills na iinumin ko. Sige na nga ibang klase talaga to si dok, kung ikaw naman ang pasyente at hndi ka pa makikinig talagang matigas na ulo mo.

So ngayon alam nyo na mga kapatid magpills daw tayo! Mas makakaiwas din daw tayo sa mga sexually transmitted disease kapag nagpills tayo. Isabay nyo na rin ang condom para mas lalong safe!

4 (na) komento:

shella ayon kay ...

Yeah,maganda talaga ang pills at highly-recommended ng doctors and midwives. Effective naman kasi talaga against conception.

I had been into pills for 6 years, I just stopped 2 years ago when my mom died. Di kasi talaga siya recommended for those women with history of cancer within the family.

I don't say that it causes cancer, but there are studies that say contraceptive pills triggers growth of cancer cells, if you already have some.Not also good for those with heart problems.

Condom?

Mas masarap yung wala eh.

Kaya BBT (Basal Body temperature), Mucus and Rythmic Method ang preferred ko. Not to be used singly as basis. Di kasi reliable kung isang method lang.

Well, it works for me.

William Buenafe ayon kay ...

Kaya nga saludo ako sa mga
kababaihan. :-)

Misconception na ang lalaki ang
Tigas dahil sa totoo lang eh ang
kababaihan ang talagang Tigas.

Eh just look the many things that
women have to undergo like giving birth and monthly visit plus
this checkups Wow ang dami nyong
dapat asikasuhin. So talagang
iba kayo, Tigas.

Heard ko rin na parang kino correlate nga ang taking pills with
eventually ending up with cancer
sa ovary so its best na you check
with another doctor and third for
more opinions on this.

Sa aming mga lalake ok lang, basta
alam na safe ang girls eh sabak na ng sabak sariling sarap lang ang iniintindi sobrang makasarili, hehehe)

Not realizing the great efforts and
gamble that women sometimes takes.

Salamat sa mga kababaihan at may sarap ang daigdig naming mga kalalakihan.

Mabuhay kayo !!!

Wag lang kayong mangungulit eh ayos na ayos kayo (hahaha humirit
sa bandang huli, :-) )

KLITORIKA ayon kay ...

haha, pasaway talaga tong si william kahit kelan. Pero korak ka dyan!

She, Oo nga eh mas masarap ang wala, pero about pills sige il ask other professional opinion. Tamad din akong pills kasi makakalimutin ako.

William Buenafe ayon kay ...

Malilimutin ka pala eh!

Eh di wala na lang, wag ka
na lang gumamit kahit ano,
masarap pa, ikaw ang may sabi
ha - Nyahahahahahaha :-)