Enero 20, 2008

Babalik ako....

Kay tagal mo mang nawala babalik ka rin! babalik at babalik ka rin...

Lyrics ng isang kanta para sa mga balikbayan, kinanta ko lang kasi nga mawawala ako ng ilang araw...siguro mga two days lang! he,he. Pupunta kasi ako ng Negros Oriental mga kaibigan, kaya baka bukas pagbukas nyo ng blog ko walang bago, huwag ho kayong matataranta o magwewelga.

Hayaan nyo pag balik ko marami akong ikukuwento! Ewan ko ba bakit napaka-exciting ng buhay ko, parang araw araw yata may bago! nakakaloka, ang daming dapat i-chika wala namang panahon. Sa totoo lang may mga mahalagang pangyayaring naganap mula sa paglalakwatsa ko sa Bicol at Samar, abangan ninyo ang mga ito at tiyak kong maloloka nanaman kayo! Pinag-iisipan ko pa kung kakayanin ba ng apog kong isulat ang mga ito...pero malamang Oo ang sagot dyan yakang-yaka!

Kitakits sa muli kong pagbabalik...huwag bibitaw mga kapatid!

1 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Ngayon palang eh naglalaway na koh
este excited na ako sa lakwatsa moh :-))

Sarap ng buhay ng kung saan saan
nakakarating. Iba't ibang klase
ang makakaing putahe, ika nga eh
iba't ibang luto.

Huwag lang kalilimutang magingat
at wag basta basta magtitiwala.

Ill be looking forward sa iyo na
namang mga bagong escapades and
for the things na medyo private
eh pwede namang PM eh, Hahahaha :-)

Ingatz and enjoy.