Disyembre 15, 2007

Kung wala si Santa...Nandyan ka!

Pilitin ko mang magbuy nothing x-mas hindi ata pwede. Nakasanayan ko na kasing mamili ng mga regalo sa mga pamangkin ko at malalapit na kamag-anak sa samar. Nakakatawa nga eh, sa tuwing umuuwi ako dun, daig ko pa si Santa Claus sa mga binalot na regalong dala ko para sa mga bata.

Mahirap kasi ang buhay sa samar, maging ang buong angkan namin ay talagang nang-galing din sa hirap. Medyo umangat nga lang nang magsimulang magsipag trabaho ang mga pinsan ko, kasama na ako na talagang iginapang ng mga magulang para makatapos. Kaya naman, sa tuwing naalala ko ang kapaskuhan noong maliit pa ako, katulad din ako ng tipikal na batang mahirap walang regalo o magarang damit.

Minsan nga, talagang nagalit pa ako kay Santa Claus noon dahil isa siyang sinungaling o kaya ay namimili lang ng mga batang bibigyan ng regalo pag pasko. Minsan kasi kausap ko noon ang tatay ko, gabi bago dumating ang noche buena sabi ko "tay magsasabit ako ng medyas sa bintana" ,Sabi naman ng tatay kong lasing dahil kagagaling lang sa Christmas party ng mga barkada niya "Oo sige anak".

Katulad kasi ng mga nakaugalian ng mga bata, naniwala din ako na kapag nagsabit ng medyas sa bintana lalagyan ito ni santa claus ng regalo at bukas pagising ko masosorpresa ako sa regalo niya! Yun pala pagising ko kinabukasan, sama ng loob ang regalo ni Santa Claus sa akin; dahil excited ko pang tiningnan ang medyas na nakasabit sa bintana na wala naman palang laman! Minsan nga dumating sa puntong sa halip na matuwa ako dahil malapit na pasko, nalulungkot ako. Kapag pasko kasi mas mararamdaman mo kung gaano kalayo ang agwat ng mayaman at mahihirap.

Kaya naman ngayon nang magkaroon ako ng trabaho, at kaya ko nang kumita kahit papaano,pinipilit kong ang bawat batang malalapit sa akin ay mabigyan ko man lamang ng kahit na mumurahing regalo sa araw ng pasko, ang mga bata naman ay hindi namimili makita lang nilang may pangalan nila sa nakabalot na regalo kahit anong laman nun tuwang-tuwa na sila.

Kaya kanina, nag-ikot ako sa Carbon at Colon, kasama ang isang kaopisina para mamili ng mga regalong ibibigay ko sa mga bata sa araw ng pasko. Pati mga tita at ilang kamag-anak binilhan ko na rin, mas malaki kasi ang natipid ko nang mamili ako sa carbon, hindi katulad noong nakaraang taon na sa mall ako bumili halos doble ang presyo kaya kaunti lang ang nabigyan ko.

At syempre ang pinaka-paboritong parte ko sa ganitong okasyon ay ang pagbabalot ng regalo!He,he nasanay din kasi akong magbalot ng mga give aways ng tita ko sa Tondo, tuwing pasko kasi lahat ng suki naman sa tindahan bata, matanda o mga tambay na walang ginawa kundi ang uminom sa tapat ng tindahan namin ay talagang pinagbabalot namin ng regalo.

Sana sa darating na pasko, mas maraming bata pa ang maging masaya at sanay maramdaman nila ang himig ng kapaskuhan, kaya naman sa mga nagbabasa huwag nyong kalilimutang magbigay ng regalo sa mga batang malalapit sa inyo, o kaya naman sa kahit na sinumang alam nyong nangangailangan ng tulong nyo.

Dahil kung wala man si Santa...nandyan ka!Merry Christmas sa lahat!

8 komento:

too beautiful to quit ayon kay ...

ako bat nde nahilig sa mga bili bili ng gifts bakla kahit noon pa.kahit pang bday or pang jowa...

KLITORIKA ayon kay ...

HA,HA EWAN KO SAYO ATE... BAKA NAMAN MAKUNAT KA? HEHEHE JOKE! SABAGAY SA TOTOO LANG ANG MGA BATA LANG NAMAN KAPG PASKO BINIBIGYAN KO HNDI RIN AKO MAHILIG MAMIGAY NG REGALO. KAHIT SA KAIBIGAN KAYA HUWAG KA MAGTATAKA KUNG WALA KA NATATANGAP GALING SA AKIN HEHEHE

Josh of Arabia ayon kay ...

napapanahong paalala..tama ka..maaari tayong maging santa sa ating sariling paraan..maligayang pasko klits..

leviuqse ayon kay ...

i have the same wish!

merry xmas!!!

William Buenafe ayon kay ...

Ate, ate,

Ato po bata pa rin,
Penge pong regalo ha! :-))

Melly Clistmas poh!!!

:-))

KLITORIKA ayon kay ...

Merry xmas din po at salamat!

Randy P. Valiente ayon kay ...

ito na ang pinakamaligayang pasko para sa akin...gusto mo malaman? hehehehe...saka na

KLITORIKA ayon kay ...

ano nga? bakit ayan ka nanaman bitin ka lagi pasaway!