Disyembre 7, 2007

Maligayang Pasko?




Ano nga ba ang diwa ng pasko?
sana huwag nating kalimutang ang pasko ay hindi lamang regalo, magagarang damit, masarap na pagkain, simbang gabi, christmas party, mga kukulay na mga ilaw at magagandang palamuti,pamimili at walang katapusang shopping.
Ang pasko ay... panahon ng pagpapatawad at pagbibigayan.
Ngayong pasko, sana abutan natin sila ng kahit na kaunting tulong man lamang o biyayang magbibigay sa kanila ng totoong kasiyahan sa araw ng pasko.
Sapagkat ang pasko ay para sa lahat.