Nobyembre 3, 2007

WE ARE TO BLAME...

May nabasa akong blog entry na pinamagatang “HOW FEMINISM DESTROY OUR SOCIETY” tinalakay niya roon ang ibat-ibang sulirananin ng lipunan at kasalukuyang problema “kuno” na hinaharap ng mga kababaehan dahil sa ideolohiya ng “Feminism”.
Narito ang mga puntong ibinigay ng sumulat na ayon sa kanya ay nagpapatunay na ang “Feminism” nga ang sumisira sa mga pamilya at ng lipunan sa kabuuan.

“Today, when a woman opts to become a housewife, she is looked down upon. When a woman is asked what her proffesion is and she turns out to be a housewife, you'll hear her saying that she is a housewife lang (just a housewife).” This is proof that radical feminism has poisoned our women's minds. In that society, a woman has to be have a career in order for her to be happy.”

“A woman's role is in the house. She is to take care of her man and her kids. Sure, she can have a career. However, this might impair her ability to be an effective homemaker”.

“Feminism destroys families. Why else do we have a youth today which is so uncontrollable? It is because of that fact that mothers are missing in their kids' life and fathers (who have lost the will to impose their authority over their children) leave their kids undisciplined. The result is a hike in juvenile crime, teen pregnancies, and drop outs.”

“A society of working mothers can not just work! Happy are those who had stay at home mothers. They (most of them) shall grow up to become good citizens of their country. Balancing marriage, career and parenting is an impossible thing. That is the lesson that we've learned from radical feminism!”

“Men are to be the providers and leaders in the family. Women are supposed to bear and train the children. That's the normal order of things. That's how simple our lives should be.”

Bago ako maloka sa mga pinagsasabi ng sumulat na ito, sabayan nyo muna ako … inhale, exhale, inhale, exhale…ayan mukhang ayos na ako.

Para sa reaksyon sa unang punto ng sumulat, hindi ko alam kung anong ibig niyang palabasin sa sinabi niyang mababa ang tingin ng marami sa mga simpleng nanay “lang” dahil unang-una bakit nga ba may mga inang naghahangad na magkaroon man lamang ng trabaho? Hindi ba’t dahil alam niya at nararamdaman niyang ang kinikita ng kanyang asawa ay hindi makakasapat sa kanilang pamilya? Subukan mo tanungin ang mga nanay na ang mga asawa eh kumikita ng malaki, sigurado akong kapag tinanong mo sila sasabihin nilang “Im a proud mother and housewife, my husband can provide to our family needs so hindi ko na kailangan mag-work! Swerte ko ano?”

Pangalawa, at Pangatlo, Oo sana nga manatili na lamang sa bahay ang bawat ina para maalagaan ang mga anak, kahit kaninong nanay mo itanong yan kahit sa akin… yan din ang pangarap ko, magkaroon ng masayang pamilya, manatili sa bahay pagsilbihan ang asawa. Ang problema hindi na siya pwede sa panahon natin ngayon, at hindi ang “feminism” ang dahilan kung bakit may mga babaeng napipilitang maghanap buhay, alam mo kung ano ang dahilan? Dahil may mga lalaking incompetent at irresponsible!

Syempre bilang isang ina, anong uunahin mo? Mamatay sa gutom ang mga anak mo o ang madisiplina sila? Oo, mahirap ngang pagsabayin ang career at pag-aalaga ng mga anak, pero kung makikita mo marami pa ring working “Mom” katulad ko ang kayang palakihin ng maayos ang mga anak habang nagtatrabaho.

Hindi, lahat ng mga batang may problema sa ugali ay dahilan sa pabayang ina. Maraming factor na pwedeng maka-apekto sa mga teenager kung bakit sila nagiging pasaway. At isa pa, kapal naman ng mukha ng mga “ama” syempre dapat matuto din silang magdisiplina sa mga anak nila, hindi pwedeng iasa na lamang lahat kay nanay ang pagdidisiplina sa mga bata, dapat sa panahon ngayon magtulungan ang mga mag-asawa sa paghahanap-buhay at sa pagdidisiplina ng mga anak.

Siguro tama rin siyang mas mabuti pa noong unang panahon, dahil sa tingin natin tahimik ang buhay, mababa ang rate ng divorce or broken family, walang abortion, walang abuse. Pero kung susuriin natin, masasabi kong naging mas matapang lamang ngayon ang mga kababaehan kumpara noon.

Kaya akala natin ang mga nanay noon eh masaya at kuntento sa buhay pamilya nila kaya walang gaanong divorce, o wala kang maririnig na reklamo, ang totoo dahil sa mas sinisikil noon ang mga kababaehan kaya’t walang naglalakas loob sa kanilang ilabas ang mga tunay na nararamdaman nila at tinitiis na lamang ng marami sa kanila ang pang-aabuso ng mga asawa at ng lipunan sa kanila.

At hindi “Feminism” ang dahilan kung bakit may mga babaeng lumalaban sa kanilang mga karapatan … bakit kailangang i-categories natin ito? Hindi bat simpleng pakikipaglaban lamang ito sa ating karapatan bilang isang tao? May karapatan tayo katulad ng iba, hindi dahil babae, o lalaki tayo… kundi dahil pare-pareho tayong tao.

Kung anong makakasakit sayo ganun din sa akin, kung anong makakapagpasaya sayo ganun din sa akin, kung boboto ka, kami din! Dahil pareho-pareho tayong apektado. Kung magugutom ka, ako din, kung mamatay ka sa giyera pareho tayo. Hindi ba pwedeng maging magkapantay tayo bilang tao? O bilang nilalang ng diyos?

Kung may problema man ang lipunan natin ngayon… problema nating lahat yun, walang pwedeng sisihin. Bagkus, pagkaisahan nating ayusin! O ano join ka?

3 komento:

William Buenafe ayon kay ...

Inhale, Exhale, Inhale, Hold it ...

Hahahaha

Kung bakit naman kasi pinapatulan mo pa ang mga latha na tulad ng ganito, Tumaas tuloy presyon mo,
:-))

Alam naman nating alam na ng maraming kalalakihan tulad ko na hindi dahilan ang feminism sa mga kapalpakan ng pamilya.

Para sa akin ang Feminism ay isang malayang paghahayag lamang ng mga kababaihan ng kanilang mga saloobin at ninanais. At ito ay kanilang karapatan tulad ng sa aming kalalakihang karapatan na malayang ihayag din ang aming mga saloobin.

Gusto ko mang isipin na pwede namang maging sole bread winner kaming mga lalake at sa bahay na lamang ang aming mga asawa, isasakripisyo nga lang ang ibang pangangailangan at pipiliting pagkasyahin ang anumang kinikita ng ama ng tahanan.

Subalit masakit man tanggapin sa pride naming mga lalake eh wala akong choice kung hindi harapin ang katotohanang mukhang imposible na ang makapamuhay sa nasabi set up.

Sa panahon ngayon na kung gusto mong maging mahusay ang iyong anak (mentally) eh pipilitin mo siyang ipasok sa pribadong paaralan dahil alam mong wala siyang magiging maayos na pagaaral na makukuha sa pampubliko. So sapilitan mong kakagatin ang mga mahal na tuition fee ng mga pribadong paaralan.

Titiisin at kakagatin mo rin ang pagbili ng mga pagkaing magbibigay kalusugan sa kanya at kailangan mo rin siyang damitan ng maayos ayos dahil walang magulang na gustong mag mukhang gusgusin ang kanyang anak. At ang lahat ng ito ay nangangahulugan na kinakailangan mo ng higit pang pananalapi kaysa sa kinikita ng ama ng tahanan.

Not unless na ikaw ay isang Zobel, Tan, Ayala, Romouldez at etc mayayaman na ayaw man lang magbahagi ng yaman sa iba eh mukhang mapipilitang maghanap buhay din ang mga ina ng tahanan para di magmukhang kawawa ang buhay nila at kanilang mga anak.

Malungkot na katotohanan, masakit para sa aming mga kalalakihan, pero katotohanang kailangang tanggapin at harapin.

Ang maganda na lamang marahil ay magtulong tulong ang bawat isa mula sa Ama, Ina at maging ang bawat anak para ang tahanan nila ay maging maayos at masaya.

Dapat din sigurong huwag
kalilimutan ninuman ang kani-kanilang pangunahing papel sa isang tahanan, at ang Ama at Ina ay laging maghawak bisig at magtulungan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak upang maging isang mabuting tao. Iwasan ang sisihan bagkus eh magtulungan, ito ang dapat gawin and with GOD's help ay tiyak na lahat ng hirap ay malalampasan ng isang pamilya.

Exhale , sori mukhang nangitim ka sa tagal ng Inhale at Hold it ...LOL

Sa susunod kasi ang anumang negatibo eh di dapat pinapansin tanging positibo ang pangukulan ng panahon, may mapapala ka pang kaligayahan. :-))

Unknown ayon kay ...

hahaha... ok lang at least siguro naman naliwanagan ang sumulat na iyun. hehe, ok na rin yan at least may naisulat ako at may nabasa ka naman.
:)

William Buenafe ayon kay ...

Hehehe.... Thank you my dear Janet:-))