Nobyembre 29, 2007

Ha,ha,ha OVER!

Naloka ako sa mga naganap kanina sa Makati Manila peninsula Hotel! Overkill to the max at sobrang exag naman ng hukbong sandatahan at kapulisan na nagsagawa ng operation laban sa grupo nila Senador Trillanes at ng iba pang taga suporta nito!

Naku! Tama bang ihambalang at pilit na ipasok ang isang tangke sa lobby ng magarbong hotel na iyun? At hagisan ng sangkatutak na tear gas ang loob ng hotel, na daig pa ang “smoke effects” sa concert ni Michael Jackson! Nakakaloka, nabobohan anong drama yun? Anong palagay nila nasa war zone sa bundok ng basilan at sulu o kaya sa iraq sila? Hello, isang kakarampot na pintuan ng hotel gagamitan mo ng tanke para makapasok?

Hindi ata nanood ng pelikulang SWAT at RULES OF ENGAGEMENT ang mga opisyal na humawak sa “krisis” daw na iyun. At ang nakakairita pa, tama bang sirain nila ang landscape ng hotel? He,he (masyadong concern sa hotel, may share kasi ako dun!) Hindi naman ang totoo isa lang ang gusto kong sabihin saksakan ng ka-OA-han ang pinaggagawa ng autoridad sa nangyari kanina.

Sayang wala ako sa Manila, malamang isa ako dun sa makikisabay sa martsang ginawa ng grupo nila Trillanes mula Makati RTC hangang sa Manila Pen Hotel. In-fairness natuwa ako sa ginawa nila kanina parang nagyaya lang manood ng palabas sa plaza “tara! Sama na kayo sa amin!” Syempre kung nasa kalye ako ng mga panahong iyun aba sasama ako he he he. (Saan tayo pupunta? May kainan ba?)

Isa pa gudluk sa mga taga Luzon sa ngayon, curfew daw ngayong gabi hangang bukas ng umaga? Malaking gulo ito, at malaking sakit sa ulo sa mga karaniwang civilian na kailangang lumabas ng mga ganoong oras. Hindi ko alam kung pano nila ito ipapatupad.

Desperada masyado si Madam… ewan ko kung nakakatulog pa siya ng mahimbing sa ngayon, malamang hindi kaya tuloy hangang ngayon bansot!