Oktubre 17, 2007

Samadhi kulit!




Na miss nyo nanaman ako alam ko, hehe pasensya na po at napadalaw ako sa Samar para bisitahin ang anak kong nag birthday noong Oct. 11. Walang handaan tama nang madalaw namin siya ng papa niya, mahal ata ang pamasahe from samar to cebu and back. Alam kong naintindihan ng anak ko yun, masaya naman siyang makita lang kami kahit walang magarbong handaan ang birthday niya. Kaya lang ang problema, masyado siyang na miss ng partner ko kaya, napagdesisyunan naming isama na muna siya pabalik sa cebu, kaya teacher absent po si samadhi ng ilang lingo ngayon at malamang hindi ko alam kung papasok pa siya depende. Naku hirap naman ng ganito! anyways baka next year nalang ulit siya papasok sa school, maganda sigurong mga workshop na muna pasukan niya ngayon.

Kanina habang kumakain kami naloka naman ako sa anak ko at gusto atang maging member ng debate team sa school nila, nakikipagtalo pa sa amin ng ama niya. Ang sabi ba naman "kapag inaaway daw siya may devil sa likod ng batang umaaway sa kanya ang ang batang iyun ay masusunog sa apoy!" Naku mali ata ang natutunan ng anak ko sa school ah?! kaya tinama ko siya sa paraang alam ko "Kapag nang aaway siya ng bata iiyak ang batang inaaway niya, at malulungkot ang bata kaya dapat hindi siya mang-aaway para walang batang malulungkot at iiyak" Tama ba? Hindi ba dapat ganun? Mahirap kasi explain sa kanila ang idea ng devil at angels. Anyways ayan ang latest pic ng anak ko habang namamasya l kami sa Ayala park kanina, naisipan ng ama niyang ipatong sa puno habang kinukunan ko ng litrato.