Oktubre 29, 2007

No doubt she's my daughter!



This is my daughter when she was two years old, the photo was taken in Davao. Hindi ako sigurado kung ano ang gusto niya maging, paglaki niya huwag naman sanang maging garbiology he,he (pag-aaral ng mga basura.

Kagabi, napatunayan ko nanaman na siya nga ay anak ko, bukod sa nagmana siya ng ganda sa akin ehem! Pero medyo nag-worry din ako sa inasal ng anak ko ha, pano ba naman dahil sa pilit namin siyang nililibang dahil nga sa sobrang kakulitan at kalikutan kahit hating gabi na. Naisipan ng partner kong magpatug-tug sa computer gamit ang windows media player, pagkatapos ay ginawa niyang full screen mode kaya naman ung buong screen makikita mo ang effect or visualization na sa pagkakataong iyun ay warp. (na visualize nyo ba ibig kong sabihin?).

Nalibang naman ang anak ko kayat hinayaan namin siyang tumutok muna sa computer, habang nasa shower kami ng partner ko (shower lang po talaga, teka hindi ka naman tinatanong ah? just in case iba nasa isip nyo he,he.

Kaya nagulat nalang kami ng partner ko nang paglabas namin ng CR yung anak ko eh nasa harapan na mismo ng screen as in nakatutok talaga siya sa monitor. Maya-maya lang biglang tumayo at sinabi sa aming mababasag daw ang monitor ng PC dahil papasok siya sa loob habang akmang tatalon! ay naloka ako anong nagyari sayo anak? Kaya tinanong ko siya kung ano nakikita niya sa monitor, sumagot naman siyang nasa loob daw siya ng PC dahil hinigop nga siya ng warp tapos daw sumasakay siya sa kabayo. At nakikita niya raw na nandun sa loob mga kalaro niya! Teka anak parang katatapos lang nating magdinner bakit ka naghahalucinate?

Tawa naman ng tawa ang anak ko sa kalokohan niya! At talagang pinipilit kaming papasok nga siya sa loob ng monitor! ay kaloka ito! Kaya ang ginawa namin pinakuwento ko pa siya kung ano pa mga nakikita niya, marami naman siyang kinuwento. Natatawa nalang kami ng partner ko sa mga pinagsasabi niya.

Naisip ko naku anak nga kita at ang tindi ng imagination mo! Pero syempre para kahit papano madivert ang attention niya at mawala sa kukote niya yung mga nakikita niya, pinaglaro na muna namin siya ng bratz dress up game na paborito niyang laro bago matulog.

Haysss kaloka, natatawang nag-alala ako bigla sa anak ko ah. Pero ok lang at least alam kong hindi garbiology kukunin niyang career paglaki niya.

6 (na) komento:

William Buenafe ayon kay ...

If there is one thing that women are 100% sure regarding a child that she gave birth to after bearing it for 9 months is the fact the the child is definitely hers, :-)) Well for us men, we just have to trust our woman or have a DNA testing Hahahahahaha

Stay beautiful people :-))

Secret Samadhi ayon kay ...

ha,ha so hind pala totoo ang lukso ng dugo kung sakali? he he joke po! kulit ng anak ko noh?

William Buenafe ayon kay ...

May pinagmanahan, SINO KAYA, HUMMM
:-))

Randy P. Valiente ayon kay ...

tsk tsk...pa chek up mo na yang anak mo. baka sumisinghot na yan ng rugby hehehe.

Secret Samadhi ayon kay ...

hahaha gago! palibhasa wala ka pang anak hehehe.

Rhea ayon kay ...

naku baka naaning na rin... sam wag naman kasi ganda mo pamangkin ko...