Oktubre 1, 2007

George Orwell's 1984



The last movie I've watched is George Orwell's 1984, napakagandang movie kaso bitin alam nyo kung bakit? Kasi po habang nasa kasarapan ako ng panonood biglang nag hang ang hindi ko alam kung player or yung CD ang may sira. Naloka ako, tama ba yun kung kelan nasa climax ka na ng pinapanood mo biglang hihinto?!

Nakakafrustrate pa naman ang ganun diba? Kung sabagay nabasa ko na ang book noon, kaso iba talaga kapag pinapanood mo diba? By the way its one of my favorite book kasama ng Animal Farm ng nasabing author, simple lang ang istorya pero tanga ka nalang kung hindi mo pa makukuha ang gustong palabasin ng writer.

So kayo ano sa palagay nyo, may pinagkaiba ba kung sakali ang istorya ng animal farm sa madalas na nangyayari sa ating pulitika o pamumuhay? Kailan kaya tayo matututo? Ewan ko...nakakasawa...siyanga pala, kung sakali ang 1984 ang kinakatakutan kong maaring maging hinaharap nating lahat BIG BROTHER IS WATCHING YOU!