Setyembre 18, 2007

KASALANAN BA?!


Kanina habang busy ako sa pag-uupdate ng bago kong pinagkaka-abalahan ang aking photo blog! Naisip ko kasi total mahilig naman akong kumuha ng picture at hndi ko naman magawang i-post lahat dito sa blog ko dahil magmumukhang photo album ito, naisipan kong gumawa ng bagong blog kung saan dun ko ilalagay ang mga pwede kong ilagay na mga litrato.

Maya-maya dahil umiral nanaman ang boredom sa akin napagdeskitahan kong silipin ang YM ko, araw-araw po kasi akong naka-online napansin kong naka-online ang isa kong kaibigan. Naisipan kong makipag-chat muna sa knya para maiba naman.

May asawa na itong kaibigan ko, at halos sampung taon na ata silang kasal ng asawa niya pero sa kasamaang palad hangang sa ngayon ay hindi pa rin sila nagkaka-anak. Dahil sa mababang sperm count nung lalaki kaya ganun, at dahil na rin daw sa minsan stress ang kaibigan ko kaya nahihirapan din siyang mabuntis yun ang sabi ng mga doctor.

At siyanga pala hindi po iyun ang problema ng kaibigan ko, sa totoo lang napaka-typical ng problema niya, siguro lahat naman ata ng mag-asawa o may karelasyon dumadaan sa ganitong problema. Yung sa kanya… ito siya unti-unting nahuhulog sa ibang lalaki na oo nga’t hindi kasal pero may mga anak naman sa kinakasama nito.

Kung titingnan natin parang naku! Ang dali lang ng problema mo! Oo siguro madali kasi nga tipikal at madalas na nangyayari, pero kung ikaw ang nasa sitwasyon at ako ang kakausapin mo naku! Mas lalong lalaki problema mo! He,he biro lang po.

Hindi ko alam kasi sabi naman niya hangang tawag at text palang naman daw ang nagagawa nila nung lalaki, minsan magkita man sila yun ay dahil sa negosyo o parte ng trabaho nila. Tinanong niya ako, tama daw ba ginagawa niya? Ang sagot ko… hindi tama pero hindi naman kasalanan yan, syempre mahirap atang ikulong ang mga damdamin at paghanga rin natin sa mga taong nagbibigay at nagpapakita din ng paghanga sa atin.

Lalo na sa ating mga babaeng may asawa, at malamang sa mga lalaki din yun tipong kapag may bago tayong natipuhan o may nagkaroon ng attraction sa atin, feeling natin wow! Ang ganda ko na ulit! O kaya sasabihin natin sa ating mga sarili na “hindi pa pala ako kumukupas” sa babae ang sarap kaya ng feelings na may magpapadala sa atin ng mga “sweet nothings” mga patweetums na messages sa cellphone, o mga tawag na minsan ay nagpapakilig din sa atin. Dahil syempre hindi nay un ginagawa ng mga asawa natin diba, kung makatangap man tayo ng txt sa kanila isa lang sasabihin ng mga hinayupak, “may OT kami mamaya” o kaya “May budget pa ba tayo?” Nakakaburaot noh?

Totoo naman talaga, sa lahat ng mga mag-asawa parang madalas nangyayari ito lalo’t ilang taon na rin kayong magkasama, parang halos lahat ng kasuluk-sulukang bahagi ng katawan ng mga partner natin ay kabisado na natin, pati mga peklat pati siguro amoy ng utot nila!

Syempre iba talaga ang “IBA” naman, sa lahat ng aspekto maging sa pakikipagsex, pakikipagkwentuhan, at sa iba pang interes. Hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng solusyon problema ng kaibigan ko, ayaw ko naman sabihing hiwalayan niya asawa niya para lang sa lalaking iyun. Napakabait kasi ng asawa nito, at napaka-straight na minsan ay nakakainis na nga dahil nagiging boring, sabi ko nga sa kaibigan ko malaki kasi respeto ng asawa mo sayo kaya ganun siya katino, subukan mo kayang pagsabihang minsan ay maging bastos o pilyo naman siya sayo para maiba naman?! Nagawa ka naba nyang sakyan sa mga kalokohan mo? Ang sagot syempre hindi!

Naku, kayong mga lalaki na masyadong matino, behave at straight sa lahat ng bagay, sana minsan ipakita nyo naman sa mga asawa nyo yung “wild side” o “artistic side” nyo kung wala kayo nun kahit yung “bastos side” nyo nalang. Hindi nyo napapansin ang mga babae tahimik lang yang mga yan, sa totoo lang marami sa amin yung hindi talaga nagsasalita kung ano gusto o iniisip namin, ewan ko ba minsan ina-assume namin na naiintindihan nyo kami kahit hindi kami magsalita, alam ko yun ang mali namin pero ano bang magagawa naming pinalaki kami ng lipunan na maging mahinhin at kagalang-galan na hindi namin masabi sa inyong “FUCK ME” kahit gusto namin ng SEX?

Payo ko pa sa kaibigan ko, subukan mo kayang once and for all para magka-alaman na makipag-sex ka na dun sa lalaking iyun? Sabi niya kasi kahit nag-uusap lang sila sa phone na-e-excite na siya at kinikilig! Malay natin diba? kung sakaling may mangyari na talaga sa kanila at pinakawalan na nila ang mga pagnanasa nila sa isat-isa eh biglang humupa ang init at magising silang pareho. At ma-realize nilang physical attraction lang pala yung mga nararamdaman nila sa isat-isa?

Eh, ang kinatakot naman ng kaibigan ko, pano nga daw kung ganun lang? As in yun lang pala hinabol sa kanya ng lalaki? Sagot ko eh aba! mas masaya at least solve na problema mo, alam mong GAGO siya katulad ng ibang lalaki na hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon! Syempre babae kaibigan ko, gusto niya kasi COMMITMENT muna bago ang lahat, eh para sa akin mas magulo yun kasi unang-una hihiwalayan niya yung asawa niyang mahal na mahal sya kahit na boring, mahal naman sya. Pangalawa hihiwalayan ng lalaking yun yung kinakasama nito na may mga anak siya, eh kawawa naman mga anak nun maatim mo bang isumpa ka ng mga batang yun? Tanong ko sa kaibigan ko…

Ewan romatic at sentimental kasi tayong mga babae gusto natin lagi “kulay rosas na buhay” pero imposible iyun. Ang realidad ng buhay ganito magulo, masaya, maitim, maputi, mabaho, mabango iba-iba hindi pwedeng PINK lang lagi. Kaya sabi ko sa kaibigan ko, fine kung sakaling gagawin niyang makipag SEX dun sa lalaki para magka-alaman talaga kung ano silang dalawa sa isat-isa, unahan mo na sabihin mong TITIKMAN MUNA KITA bahala na kung ano bukas.

Oh ang taray diba? At least hindi mo mararamdamang ginamit ka at katawan mo lang habol niya… pwede mo rin siyang gamitin at ipakita sa kanyang katawan niya rin lang hinabol mo ganun! He,he,he

9 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hello...

og my goodness... kaya nga ko takot ako mag cheat with my fiance...not bcoz takot ako nahuli nya but im scared kung anong kaya konggawin.. alam mo na getting wild-- sa iyung kaibigan malaking probs yan-- kung ako ang tatanungin mo...better she think twice about his strange feeling sa boy na un. and do the right thing na she will never regrets.

thanks for dropping to my site...feel free to visit again!

cheers from Canada!

Unknown ayon kay ...

Oo nga eh... mahirap talaga, pero nasa kanya pa rin ang desisyon kung saan sya masaya go!

William Buenafe ayon kay ...

ANG LUFEEEEEET TALAGA.

BAKIT DI PWEDENG BLACK AND WHITE NA LANG ANG PALIGID.

PARA MAS MADALING PUMILI AT MADALING MAGDESISYON.

SA DAMI NG PAGPIPILIAN, TALAGA NAMANG NAKAKAGULO NG ISIPAN.

YOKONG MALAGAY SA SHOES NILA, TUNAY NA NAKAKATAKOT DAHIL LAHAT NG DESISYON AY TIYAK NA MAY KAHAHANTUNGANG NA MAARING MAGANDA O PANGIT.

BUTI NA LANG HINDI AKO MATAPANG, HEHEHE KAYA LANG KAPAG NAKATAPAT KA NG ISANG MATAPANG ALONG THE WAY EH BAKA MAHAWA KA NA RIN.

DI BA?????

Unknown ayon kay ...

he,he... ganun?

maria magalpok ayon kay ...

wow!! hanep sa problem ang kaibigan mo neng.. bakit di nya subukang maging selfish? bakit di nya gawin ang nasa isipan nya at nang malaman nya kung ano ba talaga ang nangyayari at sa sampung taon ba naman kayong di magkaka-anak eh ganun talaga ang mangyayari.. mali man kung iisipin pero ganun nga talaga ang buhay.. subukan mong gawin ang maling iniisip mo at malaman mo kung mali nga ba ito o hindi, kasi minsan may mga maling bagay na tama pala na di natin alam.. ano nga ba ang mali at ano ang hindi?? tayo lang sa sarili natin ang nakakaalam kong ano ang tama at ano ang hindi pero sa paggawa natin ng desisyon ay isipin muna natin ang mga bagay na nakakapatama at nakakapamali dito.. pero hindi mali ang mag-mahal at ang ma fall-out of love, it's very human nature.. wag mo paasahin ang taong wala namang aasahan sa'yo kung di mo na mahal dahil sa kalalaunan masasakal ka lang kung hahayaan mo ang isang bagay na di ka naman masaya.. mabubuhay ka lang na parang wala din kasi di mo naman gusto ang mga ginagawa mo.. eto lang ang maadvice ko sa fren mo umpisan nya sa #@$^$%#&%#&#@^&@$&@ tapos tanungin nyang; OK na ba tayo?

Unknown ayon kay ...

Ay gusto ko magtumbling sa advice nitong si Maria Magalpok! ang taray ng lola pero tama nga naman diba? Go! Kung saan ka masaya....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

she can try naman eh...just be very discreet kasi pag nalaman ng husband nya sira ang mundo nya for sure...mas mahirap kasi if she rejected pero wala naman sya peace of mind. Yun tipong she would always ask herself "what if i went on? ano kaya nangyari?" diba? i suggest go sya. spice up your life girl!
but prepare your self to suffer the consequence...it could make or break your life.

Unknown ayon kay ...

taray naman ng sagot... make or break! so ano?

William Buenafe ayon kay ...

try try try, actually uso iyan sa mga supermarket where a new product like for example a new hotdog (upppssss just example po) eh being marketed what the company do is have some of their personels sa mga big supermarkets or malls nd put up a small portable stall where they cook their product (hotdog in this case, ummmm) then invite people to try out their hotdogs (i mean their product, whewww bat pa kasi hotdog ang example nahihirapan tuloy ako, need to elaborate pa tuloy na no bastos intended, hahahahaha)

pero come to think of it if you like their product then you can buy them in their whole package and bring them home to enjoy if not de deadmahin mo na lang nd say goodbye hahahahahahaha.

pwede rin siguro sa lahat ng aspeto ng life, pwede nga ba?????
:-)