Setyembre 26, 2007

DOGVILLE


Another perferct movie from Lars Von Trier


Gusto kong tumambling nang mapanood ko ang ending ng pelikulang ito! Napakagaling ng director/writer na si Lars Von Trier. Hindi ko alam pero, kung papanoorin mo ang pelikula makikita mo ang hustisya, kung saan bilang isang tao may karapatan tayong ipaghiganti at ibangon ang ating mga sarili na binastos, niyurakan ng mga taong mangmang at mapagsamantala. Mahirap misan ang ikaw na lamang lagi ang nagbibigay, dahil malamang at madalas mangyari nariyan palagi ang mga taong mapang-abuso, mga walang puso, at walang konsensya.

Sa pelikula, parang gusto niyang ipakita sa atin na ang mga taong criminal at nagkasala bunga ng kanilang karupukan o kamangmangan ay hindi na nararapat pang bigyan ng pagkakataong mabuhay.

Sa pelikula, makikita mong pinapatay ng bidang babae (nicole kidman)ang buong mamamayan ng DOGVILLE na nagsamantala sa kanyang kalagayan at kabaitan. Maging ang mga batang musmos at sangol na walang malay, pero sa ginawa niya bilang isang manonood hindi nagbago ang paniniwala kong nararapat na parusahan ang mga taong iyun, maging ang mga bata!

Ewan ko, mahiirap ipaliwanag eh kaya panoorin nyo nalang ang pelikula! Promise, napakaganda niya, although sa simula parang boring siya (kung sanay ka sa mga holywood movies na puro action at visual effects) malamang mabored ka, pero please huwag nyo pong susubukang ibaling ang atensyon sa ibang bagay habang pinapanood ninyo ito, dahil ito ang pelikulang hindi dapat palagpasin. Marami na pong kopya nito sa Quiapo o sa mga namimirata he,he or subukan nyo rin sa mga video shop/stores. Goodluck sa paghahanap.

2 komento:

PinoyBlogoSphere.com ayon kay ...

hehe ok lang yan more traffic ;)
sigurado naman natutuwa din naman yung mga naliligaw dito sa blog na 'to. keep it up!

Secret Samadhi ayon kay ...

salamat po! OO nga eh minsan ang hirap mag-isip ng ipopost!