Noong nakaraang buwan June, napag –isipan kong ipasok na sa eskwelahan ang panganay kong si Samadhi, four years old na kasi sya at napansin kong excited na siyang pumasok sa school. Noong una nagdadalawang isip ako dahil nga sa mahal ng mga tuition fee ng mga nursery school at kinder sa ngayon.
Bago pa dumating ang buwan ng hunyo ay pinagtatawagan ko na ang mga eskwelahan ditto sa Cebu para malaman ko ang mga presyo ng tuition. Naku, halos mahimatay ako sa mahal ng mga babayaran! Ang pinakamababang nalaman ko ay ten thousand ata sa isang private school, marami namang mura ditto kaya lang masyadong malayo sa tinitirhan namin. Ang isa pang problema, walang mag-babantay at maghahatid sundo sa anak ko dahil pareho kaming may trabaho ng partner ko.
Kaya napagdesisyonan naming duon na muna pag-aralin ang anak namin sa Samar para maasikaso naman at mabantayan ng parents at mga kapatid ko. Naisip ko rin kasing kapag nasa Cebu sya wala man lang syang kalaro dahil madalas nasa loob lamang sya ng bahay o namamasyal sa mall kapag wala kaming pasok sa trabaho.
Pagdating ng Samar ini-enroll ko siya sa isang Catholic School sa downtown, hindi naman kamahalan ang tuition fee siguro mga seven thousand hindi kasama ang libro at uniform. Tumututol pa nga ang nanay ko kasi gusto niyang sa day care na lamang daw malapit sa amin para kasabay niya ang mga batang kapitbahay namin sa pagpasok. Kaya lang naisip ko baka puro laro lang ang gawin ng anak ko sa eskwelahan.
Ang nangyari natuloy naman si Samadhi sa pag-enroll dun nga sa Catholic school, kaya unang araw palang ng pasok naloka na ako, dahil pagdating naming sa school walang tao! Yun pala nasa simbahan daw ang lahat ng estudyante at guro dahil may mass! Naku, naisip ko baka magkaproblema kami ditto kasi unang-una, hindi pa nabibinyagan ang anak ko, as in wala pa siyang kinabibilangang relihiyon, pangalawa hindi ko pa naituturo sa kanya ang tungkol kay (papa jesus, mama mary, devil , angel at ang sign of the cross na ginagawa kapag magdadasal) sa totoo lang wala akong balak ituro.
Mabuti nalang madaling maka-cope ang anak ko, kaya kapag mag-sign of the cross nakikisali nalang siya at sumusunod sa teacher nila, tapos kapag sasabihin nilang goodbye papa jesus, goobye mama mary nakiki duet nalang din sya. Siguro, hindi pa naman kumplikado para sa kanya ang mga naririnig niya, ganun ata talaga ang mga bata nakikinig at sumusunod lang sa mga nakikita nila sa nakararami, sa nakikita ko naman walang masama kung matutunan man niya ang mga nakagawian ng mga batang katoliko, ang ginagawa ko nalang hindi ko sinasalungat kapag alam kong hindi naman makakasama sa kanya.
Bilang isang nanay, nakakatuwa at nakaka-excite ding panoorin ang anak mong nasa eskwelahan, nakikihalobilo sa mga bata mas maoobserbahan mo kasi kung kaano sya kabibo, makikita mo rin ang emostional at social development nya. Sa nakita ko naman sa anak ko, masasabi kong nagging mabuti naman ang paglaki niya, masaya syang nakikipag-usap sa ibang bata, behave kapag nagtuturo ang teacher at active naman sa mga activity sa loob ng klase.
Ito nga pala ang picture ng anak kong sumasabak na sa eskwela… cute noh?
6 (na) komento:
lam mo mare pround na ako sa inyong mag asawa parang kailan lang malalaki na ank nyo !!tyo naman tumatanda na nawawaln n ng ktas !! hehehe !! cute nya !! piolo pascual
salamt piolo pascual! Kumusta sa mga taga luneta? regards mo ko sa kanila ha...
cute ni sam a. anaknyo ba talaga yan bwahahahah?
bakla, yan lang yung baby na kasama natin sa manila zoo noong araw na walang tayong magawa..hehehe,c raikzel malaki na rin...nagi skul na.haay,parang kailan lang,mga pasaway na kaklase at teacher lang,ngayon may mga anak na...kamusta na kaya cla ahemm.sir amigo, sir martinez and Feliciano? ano balita mo sa mga paksyeet na yon? (joke)..hanapin natin friendster??santa..takecare po..mwah
hehe korek bkla yan na si Samadhi... laki na noh mag 5 years old na sya. Hndi ko nga mahanap ang mga hinayupak na un eh. Si Feliciano lang... musta na kaya sila. Teka hows ur lovelife ate? anong latest... regards nga pala sa family mo. Miss ko na kalokohan natin!
beauty is in the eyes of the beholder.
as a heholder, i say shes gorgeous.
marami pang katulad niya ang maglabasan nawa dito sa mundo.
ano pa ang hinihintay nyo, pasko!
hala gawa na ng dumami no. hahaha
Mag-post ng isang Komento