Hulyo 13, 2007

Paano hindi gawing kumplikado ang isang kumplikadong bagay?

Mahirap na tanong, lalo na kung ang nakasalalay dito ay ang ating relasyon sa mga taong mahalaga sa atin. Katulad na lamang ng mga mag-asawa, magka-live-in, magsyota, at lalo na dun sa mga nagsasamang may mga anak.

Kami ng partner ko, halos mahigit pitong taon na kaming magka-live-in o nagsasama ng hindi kasal, pakiramdam ko inuulit ko nanaman ito, pero dahil sa masyadong kumplikado kailangan maipaliwanag ko ito ng lubusan sa sarili ko, sa mga taong nakapaligid sa amin at sa lahat ng may mga suliraning kinakaharap na kagaya nito.

Mahirap ikulong at itago ang mga saloobin ng isang tao lalong-lalo na ang libog, paghanga o ang pagkagusto (sa ibat-ibang level) sa mga taong nakakasalamuha at nakikilala natin sa araw-araw. Masyadong kumplikado ito lalo na dun sa mga taong nakatali na sa kasal, o commitment sa mga partner nila.

Ewan kung nag-eeksperimento kami ng partner ko, pero kagaya nga ng nasabi ko nung una meron kaming silent agreement ng bukas na relasyon o open relationship. Mahirap para sa katulad namin na ngayon ay may dalawang anak na. Talagang malaking hamon sa amin, ang mga taong nakikilala namin na minsan dahil sa hindi maiwasang dahilan nagiging bahagi ng sex life namin (hindi po threesome ito). Alam nyo na yun bang mga fling at mga one night stand, na itinatago at ginagawa natin ng lingid sa kaalaman ng ating mga partner?

Ginawa ko na iyun ng ilang beses na rin at nasabi ko na rin ang mga ito sa partner ko, maging siya ay ginawa nya na rin ang mga ganung bagay at sinasabi nya rin naman sa akin ang mga karanasan niya sa ibang babae habang kami ay nagsasama.

Pero, kumplikado ito sa ngayon … nitong nakaraang lingo lang ay nadestino ako sa isang project sa samar, ilang lingo rin akong nawala. At katulad ng inaasahan na typical naman sa mga kalalakihan, may nakilala ang partner ko at nagkaroon sila ng panandalian sekswal na relasyon ng babaeng ito. Noong una palang na banggitin niya ang pangalan ng babae halata ko nang may nangyari sa kanila, malakas ang kutob ko pero nagkibit balikat lang ako dahil para sa akin hindi naman malaking bagay ang mga ganung one night stand or fling.

Ang malaking ikinakatakot ko lang kasi, inamin niyang nagkikita sila paminsan-minsan ng babaeng iyun sa tuwing may pagkakataon siya. Dito na pumapasok ang problema sa ganitong relasyon, para sa akin kasi ok lang na minsan may nangyari sa kanila huwag lang darating sa
punto na magkaroon sila ng commitment sa isa’t-isa. Unang-una ako bilang isang babae, kahit na minsan ay ginagawa ko ring pumatol sa ibang lalaki, alam ko kung saan ilalagay ang sarili ko, alam kong tama ang kasabihang mas madaling makuha o nakawin ang mga nakatali na, dahil unang-una may tendency kasi na ang mga may karelasyon na ng matagal na panahon ang madalas maghanap ng ibang putahe pagdating sa sex.

Kaya ako naman bilang isang babae, marunong akong gumalang at manimbang kung ano ang mahalaga sa isang relasyon. Hindi ko sinubukan na minsan ay hamunin ko o papiliin ang mga naging lalaki ko kung ako o ang mga asawa at anak nila. Masyadong makasarili ang mga ganung tipo ng babae, lalo na ung nagbibitaw ng salitang “takot sa asawa” ang lalaki dahil sa hindi nito magawang iwanan ang unang pamilya nito, at maghahamon pa ng eskandalo! Hindi ba binabasa ng mga babaeng ito ang Etiquette for Mistress ni Julie Yap Daza?

Kaya nga, sinasabi ko noon pa man na imposible sa isang lalaking may asawa ang magkaroon ng karelasyon na hindi mauuwi sa hiwalayan nilang mag-asawa. Unang-una kasi karamihan din sa mga babaeng niloko o pinagtaksilan ng asawa ang masyadong emosyonal pagdating sa mga ganitong problema, imbes na magpaganda sila asikasuhin ang sarili para naman hindi na maghanap ng iba si mister ang ginagawa eh magmukmok o sisihin ang ibang tao.

At pwede ba mga mare, isiksik nyo din sa utak nyo na sa isang relasyon parang buy one take one ang fidelity at infidelity. Ang payo ko rin sana huwag naman nating hayaang ipamukha sa atin ng mga asawa nating lalaki na sila lang ang anak ng Diyos na pwedeng dalawin ng libog paminsan minsan. Halos lahat ata ng lalaki ang naniniwalang ang mga babae ay walang karapatang tumikim ng ibang putahe sa oras na makasal na ito, anong palagay nyo naman sa amin? Bato? Mabuti sana kung manikin sa SM ang pinakasalan nyo diba? Palayain natin ang mga libog natin paminsan-minsan, pero sana matuto tayong ilagay sa tamang lugar ang mga sarili natin.

Kapag nakatikim ka na ng minsan, tama na yun…. Huwag nang maghanap pa ng commitment sa taong alam nating may mga commitment na. Isipin natin na hindi lang asawa nito ang masasaktan, lalong-lalo na ang mga anak nito. Isipin rin natin ang sariling pamilya, kapag sumama ka sa ibang lalaki na inakala mong mahal mo ngayon pano naman ang mga anak mo? At paano kung maulit muli ang pagkakataong ginawa mo o naranasan mo sa unang pinakasalan mo diba? Imposible naman na sa tuwing makakaramdam tayo ng paghanga o libog nanaman sa ibang nilalang aba’y sasama nanaman tayo at iiwanan na naman ang ating commitment? Hmmm kaya nga commitment pero oo nga nothing last forever… pero minsan kailangan nating isaalang-alang na bilyon-bilyon ang populasyon ng mundo…. Ibig sabihin hindi lang ikaw ang tao dito at hindi sayo umiikot ang mundo….lahat ng desisyon mo may sinasabing cause and effect at lahat ng tao 500 meters away sayo apektado!

Kumplikado ang mga relasyon pero sa tulong ng tamang pagtimbang ng mga sitwasyon magagawa din nating hindi masyadong kumplikado ang mga ito. Baka sabihin nyo manhid ako kaya ko nasasabi ang ganito, pero sa totoo lang kagabi nang aminin sa akin ng partner ko ang relasyon nya sa ibang babae parang… wow kinurot ang puso ko! Masakit pala! Nasasaktan ako pero ang utak ko naman sinasabing ok lang yan, kasama yan sa kumplikasyon ng kumplikado nyong relasyon. Pero umiyak pa rin ako…habang sinasabing ok lang ako…

Ok lang ako…. Sana kayo rin…

5 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Geri here:

Ayon sa source ko hindi raw babae ang chinukyak ng partner mo last time kundi isang lalaki. hehehe. Now thats complication. hehe.

"Learn everything, hold fast on which is good."

Unknown ayon kay ...

hahaha, sira!dont wori im fine kilala mo naman ako.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

janet,

totoo ba?? iba na ang sexual preferences ng hubby mo? hmmm... pwede na syang tikman... joke!!!

mukhang on the rocks kau ngayon a.. please to work it out as open minded individuals..

Fred

Unknown ayon kay ...

salamat fred! Miss na kita! Kelan kaya ulit tayo magpapasaway??? About me and joy wer fine... alam mo naman takbo ng utak naming dalawa, kasama to sa paglago ng aming relasyon char!

William Buenafe ayon kay ...

i do hope na you will always be able to pull yourself together.

talagang nothing is cheap this days, especially happiness, it always comes with a heavy price tag.

just have to be brave and believe that there will always be tomorrow after each night time.