"Yuck, dont want to be like that!", that was the first impression i said when my colleagues showed me the video of how is the ceasarian takes. Para lang siyang baboy na hiniwa hiwa waaahhhh. Kakadiri as in.
Oct. 9, '06 - Day of my check up with my OB, sinabi ko na i keep going in rest room, he said na anytime at night pwede na akong manganak..anoohh? eh ang due ko is 23rd of the month, well doktor siya at mas alam nya ang tma diba? Pinabalik kami sa hospital ng gabi, pero ung isang OB na tumingin sa akin wala pa daw at pwede pa ako umuwi..haler! ok fine.
around 2 am, nilabasan na ako ng maraming tubig, i thought ihi lang kasi malay ko ba diba eh madilim at naka napkin pa ako, never thought that it was already my water bag..Kinaumagahan na eebs na talaga ako as in pero ayaw lumabas natatakot na aman ako baka baby ko na ang lumabas waaahhh. Bumalik kami ng 9 AM sa hospital, sumasakit lang ang balakang ko as in hindi humihilab ang aking tiyan. Tiningnan ng ulit ng OB at sinabi ko na lumabas na ung panubigan ko ng madaling araw..Siyempre nagalit siya at bakit daw hindi ako pumunta agad ng hospital, eh helooww sabi nyo wala pa at pumunta lang ako pag may konting dugo na ang lumabas (pero sa sarili ko lang nasabi). Nag usap usap yung mga OB sa loob, at ang verdict..CEASARIAN AKO!
waaahhh, bakit? at ang dahilan nila eh mauubos na ang panubigan ko ng tuluyan, eh ayaw ko pa naman ng ceasarian dahil nga dun sa napanood ko..ano ba yan?! pwede bigyan na lang ako ng pampahilab? pwede naman eh kaya lang, nak teteng eh tamad ung mga doctor dahil narinig ko pa na may lakad ung mag papaanak sa akin ng hapon hellooooww!!!
As in wala na akong nagawa, nakita ko na lang ang aking sarili na nasa welchair at nasa operating room. Gusto kong umiyak as in. Tinurukan na ako ng anistisya, mga 3 - 4 na doktor ata ang andun. gud luck sa akin. Nag pray talaga ako waaahhh wag sana pabayaan ang baby ko, ok lang kung ako ang mamatay (mag drama daw ba?). Manhid na ang buong katawan ko, pikit ang mga mata pero buhay pa din ang aking diwa kasi ayaw kong makatulog, nilalabanan ko eh kasi gusto ko sanang makita pano ako hiwain (tigas noh).
Oct. 10, '06 (12:45 noon) - Dinig na dinig ko ang iyak ng isang sangol mula sa aking tiyan, oh my..ang baby ko lumabas na..yahoo! pero ramdam ko ang pag hawak sa aking tiyan para tahiin kasi makapal talaga ang pakiramdam ko, siyet ganito siguro ginagawa sa mga baboy, hehe..Pagkatapos ako hiwain at tahiin ay andun pa din ako sa operating room, para makapag pahinga. Nakita ko ung nurse na katulong sa pagpapaanak sa akin at ang unang tanong ko..musta ang baby ko? may kulang ba?, well sa awa ng Diyos, buo siya at ok naman. kung ano ano sinsabi ko sa nagbabantay sa akin, pinagalitan pa ako at sabi wag daw ako magsalita kasi nga operada ako. fine.
Paglipat ko sa selda ko, este sa room ko, bilin kaagad ng nurse sa akin galaw galaw daw ako dahil baka daw mag dikit dikit ang bituka ko..dikit dikit? waaahhh na scared lalo ang lola nyo..eh masakit at mabigat pa pakiramdam ko eh. Naka dextrose na ako, at sabi pa kelangan ma utot ako.
Kinabukasan, ask ulit ung nurse kung na utot na ba ako, eh ndi pa nga eh anong gagawin ko, pilitin kong mautot?? kulangot talga ung nurse hehe sa isip ko pa. Pero ang ndi ko talaga ma take e yung dextrose sa kamay ko, namamaga na huhuhu.
Sinusubukan ko talaga na igalaw galaw ang aking katawan, tagilid, higa tagilig higa, yoko kaya mag dikit dikit ang bituka ko..Kinahapunan, prrttt..ayun! na utot na ako yahoo! kasi naman yoko na ng naka dextrose, kasi lahat ng parte ng kamay ko eh na tusukan ng dextrose dahil panay ang maga. Siyempre natuwa naman ung nurse ko, pero ang sabi nya kelangan ko namang tumae. ha?! hirap kaya nun. waahhhh. gustong gusto ko ng kumain ng pagkain na masasarap. pero as usual, ang kinakain ko eh lugaw, purgang purga na ako sa lugaw at tubig. Pag ka pangatlong araw ko, sinubukan ko ng tumayo, siyet yoko na dito sa hospital noh, at eiiwww..pagkatayo ko nak ng..feeling ko nalaglag lahat ng bituka ko..waahhh..hawak hawak ko pa ang tiyan ko kasi baka biglang maglabasan waaahhh..At sa wakas, pagdating ng hapon, bigla sumakit ang tiyan ko, yahoong yahoo! makaka ebs na rin ako sa wakas, kasi kung hindi eh hindi ako makakuwi, yoko naman nun at baka dun na sa hospital grumaduate ang anak ko sa kolehiyo hehehe.
Natuwa din ung nurse ko, kasi wala na din siyang aalgaan na makulit pa sa bata kasi naman sinasagot sagot ko sila at inaaway. Ang malungkot lang hindi ko mahawakan ang anak ko, hangang tingin na lang ba. huhu..Isa siyang anghel para sa akin. (drama galor).
Pagkalimang araw ko, lumabas na ako sa hospital at mega sumpa ako sa mga tao dun, kasi naman naiingit ako dun sa mga normal na manganak. Pagka pangalawang araw lang eh pinapalabas na kaagad. Meron pa nga akong kasama sa room na normal na nanganak, bilib ako kasi pinasok siya sa umaga at pag ka hapon, ayun, tumatakbo na at nag lalalakad, kitam. sisiw na sisiw sa kanya ang panganganak.
Until now, i can't still believe that i am a mom..masaya ang feeling although hindi ko naranasan ang manganak ng normal. Sabi nga nila hindi pa daw ako tunay na ina. ganon? Pero iba naman ang pakiramdam ko..mixed emotions, hindi man tulad ng dati, nabawasan man ang time sa paglalakwatsa eh nadagdagan naman ang happiness ko..