aktibista si Frederick. malalim ang kamalayan, malawak ang pang-unawa. ngunit sa araw na ito susubukan niyang magpakababaw.
lumuwas siya ng lungsod hindi para mag-CS, kundi para humanap ng katahimikan, kahit sandali. masyado na siyang tuliro at pagod sa araw-araw na gawa ng ARAW.laging may pulong, linggo-linggo, may nililikhang demonstrasyon.
"MGA KASAMA NALALAPIT NA ANG PAGBAGSAK NG REHIMENG POPEYE AT
BRUTUS!!!"
"BIGYANG PUGAY ANG NAGNGINGITNGIT NA GALIT NG MAMAMAYANG SAWA NA
SA PAG-AAWAY NG DALAWA UPANG MAANGKIN SI OLIVE!!!"
"WAKASAN ANG PANANAMANTALA NI POPEYE!!!"
"PATAYIN SI BRUTUS!!!"
napunta siya sa isang dalampasigan...napaupo...inilapag ang tangan na bag na ang tanging laman lamang ay mga polyetos/leaflets ng nakaraang mobilisasyon.
mukhang uuwi din siya agad dahil wala siyang ibang dalang gamit na pang-isa-dalawa-o kung ilang araw niya mapagdesisyunang umuwi.
malapit na ang paglubog ng araw, hindi pa din siya nakapagdedesisyon kung uuwi o hindi.kitang-kita niya ang tila pula-ng-itlog na nililikhang imahe ng dapithapon.
hinubad niya ang sapatos...kumilos ang mga buhangin, nagsalita.
"PUTSA, ANG BAHO NG PAA MO!!!"
eksena ng konsiyertong masaya ang kinalaunang nakita ng mga gamu-gamo, alitaptap at iba pang insektong muntik ng madaganan at mapisak sa bawat paghagis ng mga buhangin kay Frederick upang makaiwas na madikit sa mabahong paa nito.
madaling araw na nang siya ay magising, nagising sa ingay na likha ng mga ligaw na tandang.
"GUMISING NA KAYO...GUMISING NA KAYOOOOO!!!"
"HINDI BA'T TIKTILAOK LANG ANG DAPAT IUSAL NG MGA ITO,SSSHHIIYYEET, HOW
WEIRD!!!"
lumabas ang pagkaburgis ni Frederick.
nagising din siya sa paghampas ng malamig na tubig-dagat sa kanyang paanan.
nagha-high-tide!
nagpasya siyang sumilong sa sira-sirang cottage upang makatulog ng maayos. ngunit nilalamig pa din siya, kung kaya't sinigaan niya ang mga papel (polyetos/leaflets)at iginatong ang kanyang bag pati ang sapatos upang lumaki ang apoy na maglilikha ng panandaliang init ng katawan.
"CARE KO SA ENVIRONMENT, NILALAMIG AKO AT TINATAMAD MAGHANAP NG MGA
KAHOY NA PANGGATONG."
pinuputol ng mala-asong ubo ang dumadagundong na hilik ni Frederick sa tuwing malalanghap niya ang usok na mula sa ginawa niyang "bonfire".
may gumigising sa kanya...sumambulat ang nakakasilaw na liwanag ng kaharian ng "encantadia"...charing!
PAUNAWA:
MGA GILIW KONG MAMBABASA NATURAL NA REAKSIYON LAMANG PO NA MASILAW ANG IYONG MGA MATA SA LIWANAG KUNG MATAGAL ITONG NAKAPIKIT.
OK, SERYOSO ULIT TAYO.
sa kanyang pagbangon nakita niya ang isang bata sa di kalayuan. lalapitan niya ito. mainit sa paa ang buhanging nabilad sa pang-alas-doseng sikat ng araw kung kayat pakandirit itong nagtungo sa bata.
"ANONG GINAGAWA MO?" tanong ni Frederick sa bata.mapapatingin sa kanya ang bata na tila
nagtataka din sa nadinig, bibiruin sya nito.
"BULAG KA BA!!! E DI INIHAHAGIS KO PABALIK SA DAGAT ANG MGA STARFISH NA
'TO." sagot ng bata.
"ALAM KO, PERO, ANG IBIG KONG SABIHIN, BAKIT MO KAILANGANG PA IHAGIS
PABALIK ANG MGA IYAN, E, NAPAKARAMI NG MGA IYAN!!!" inis na sagot ni Frederick.
FLASHBACK SCENE:
TWING...TWING...TWING..TWING...TWING...KLING...KLING! KANINA, HABANG NAGAGANAP ANG HIGH-TIDE, ANG MGA STARFISH NA NAGCO-COPULATE AT O NAGHAHANAP NG PAGKAIN AY NAPUNTA SA DALAMPASIGAN. INANOD SILA BUNGA NG MALALAKAS NA ALON. MAY ILAN NA NAKABALIK SA DAGAT. MAY ILAN NA DAHIL MALAYO ANG KANILANG KINALALAGYAN MULA SA DALAMPASIGAN AY NANGANGANIB NA MATUYO AT MAMATAY.
1 MESSAGE RECEIVED
E AKALA KO BA MALALIM ANG KAMALAYAN AT MALAWAK ANG PANGUNAWA NG FREDERICK NA YAN!
MESSAGE SENT
WALA TAYONG MAGAGAWA, MAY MGA GANUN TALAGANG TAO, E!
"BATA, ANO KA BA, DAAN-DAANG STARFISH ANG NASA HARAP NATIN NGAYON, AT
GUSTO MO IBALIK LAHAT ANG MGA IYAN SA DAGAT?!", naiinis na si Frederick.
"E KUNG, TULUNGAN MO NA LANG KAYA AKO DITO",wika ng bata sa sarili.
"HOY!, ANO BA?, LAMPAS NA ANG TANGHALIAN, KUMAIN KA NA BA?, NASAAN ANG
MGA MAGULANG MO?
patuloy pa din sa pagpulot-hagis ang bata. tila sumasayaw ito sa ginagawang pagpulot-hagis ng mga starfish pabalik sa dagat. hanggang sa unti-unting nawala sa paningin ni Frederick ang bata, subalit marami pa rin ang starfish sa dalampasigan.
END
"failure is unimportant, it takes courage to make a fool of yourself"
-Charlie Chaplin
"sometimes, the hardest thing in the world is to be soft"
-Karen Carpenters
(Written by my beloved)
5 komento:
Very good site. Thank you!!!
louis vuitton replica luggage
advance cash loan loan paycheck payday
quick pay payday loan
approval loan personal quick
short term personal loan
payday paycheck loan
by cash fast loan loan online payday unio western
payday loan lender
cash emergency fast loan loan loan payday quick
24 hour payday loan
free credit report and credit score
Good Luck!
Hi people
I do not know what to give for Christmas of the to friends, advise something ....
give your friend a headache!!!!!!
Hello. Good day
Who listens to what music?
I Love songs Justin Timberlake and Paris Hilton
Mag-post ng isang Komento