(NI JHOY SARATE: my beloved companion)
Misteryo para sa maraming mambabasa ni Bob Ong ang kanyang mga akda. Nakabili na ako/kami ng lahat ng kanyang mga libro at nakakatuwang isipin na sa bawat kikitain ng kanyang mga aklat ay may makikinabang na institusyong nangangailangan ng tulong pinansyal at kalingang nagmumula maliban sa binibigay na tulong ng pamahalaan.
Nakakaaliw, nakakatuwa, nakakaiyak (lalo na nang bandang huling talata ng akda niyang ABNKKBSKNPLAko?)Nagpapatunay lamang ito na ang mga nakabasa at magtatangka pa lamang na magbabasa (pero pls bumili na kayo ng libro niya, tuwa nyo lang na may mapupuntahan ang perang pinaglaanan ninyo sa pagbili ng mumunting mga libro ni Bob Ong) ay tiyak na gagaan ang iyong loob.
Malalim din ang daloy ng akda niyang ANG ALAMAT NG GUBAT. Mahusay ang paggamit ng simbolismo ng mga hayop (kayo na lang ang magbigay ng interpretasyon dahil ginagalang ko ang magiging interpretasyon ninyo dahil tayo ay iba-iba, hindi ba?)Bato na lang ang hindi makakakuha ng nais niyang ipahatid sa ating panahon.
Marami na rin siguro ang nabighani dahil lumabas na sa pinakakilalang BROADSHEET MAGAZINE ng bansa ang rekotitos at mga kung anik anik tungkol sa kanya. Maging ako man ay namimisteryosohan sa kanya dahil mula na una kong mabasa ang libro niyang ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS nung nakaraang taon ay naengganyo ako na maghanap at bilhin ang mga libro niya dahil nga sa nagagawa niyang tulong.
Metapisikal-Tragi-Comical ang akda niyang iyon (sa aking pamantayan subalit hindi ko maaaring igiit na ganoon nga ang tipo at style/daloy dahil hindi naman ako dalubhasa sa literature at o sulating pansining) Kuntento na ako sa mga nababasa ko mula sa mga “malikhaing isip” din na tulad ko (conceited aketch!!!)
Sino ba naman ang hindi makaka-relate sa mga nakasulat sa BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO? E ang obserbasyon niya/nila ay tiyak obserbasyon din ng bawat Filipino. Alam natin na kritisismo ang laman ng libro kung kaya’t sino ba naman ang hindi maiinis sa katangahan natin (ang magalit pangit!) o hindi ako galit!!! Isa lang naman kasi ang nakikita kong punto ni Bob Ong sa librong ito, magbago na tayo ng asal subalit ang ating pagbabagong asal ay nakasalalay sa pagtanggap ng ating mga mali at taimtim na paghahangad na baguhin ang ating mga maling gawa, MULA MALIIT HANGGANG MALAKI! Ipokrito naman ako kung sasabihin ko na wala akong mga maling ginagawa, ang sa akin lang ay nagsisikap ako na baguhin “consciously” halimbawa na lamang ng aking paninigarilyo (o umamin ako ha!!!)Naguguluhan ba kayo? Wag kayong maguluhan kung malinis naman ang inyong kunsensya wala tayong dapat katakutan.
Biography naman ang tipo ng STAINLESS LONGGANISA, mga pinaghugutang karanasan kung kaya’t nakagawa o nakapagsulat siya ng mga obra at mga pagbibigay payo sa mga gustong magsulat. Sang-ayon ako na para makapagsulat ng maganda nararapat na PALAYAIN ANG IMAHINASYON na magreresulta sa kagaanan ng loob at maluwalhating pakiramdam(sabi nga ni MADONNA- EXPRESS YOURSELF!).
Pangarap kong Jackpot
Isa lang ang gusto kong matupad sa ngayon marahil ay pangarap din ito ng mga humahanga sa kanya. Gusto ko siyang makita ng personal subalit siya rin naman ang nagtatago o mas angkop sabihin na ayaw lang niya ng karangalan ng pagsikat na bunga ng kanyang kawang-gawa resulta sa dami ng nabebenta niyang aklat.
May ginintuang puso talaga itong si Bob Ong. Misteryosong gumagawa ng kabutihan sa kabila ng dami na niyang natulungan (pagmumulat ng natutulog na isip, pagtulong sa mga institusyong nangangailangan) kung kaya’t sino ba naman ang hindi gustong makakita sa kanya?! Magtagumpay man ako o hindi sa aking pangarap isa lamang ang masasabi ko gagawa ako na mabuti sa maliit na paraang kaya ko.
5 komento:
Your site is on top of my favourites - Great work I like it.
»
ikaw ba yang nakanude na nakatalikod?
Interesting website with a lot of resources and detailed explanations.
»
si jhoy un engot bakit?
sa lahat ng mga tumatangkilik sa blog na ito maraming salamat po!
Mag-post ng isang Komento