Naisipan ko lang isulat ang saloobing ito nang maalala ko ang isang kaibigan na kasalukuyang nasa Davao. Minsan, nagtxt sa akin ang kaibigan kong ito, bored na raw sya sa buhay niya… at nagsasawa na raw sya sa mga ginagawa niya sa araw-araw.
Kung tatanungin nyo ako hinding hindi papasok sa isip ko na ang isang katulad ng kaibigan kong ito ay makakaramdam ng kahungkagan. Kahit na sabihin nating isa siya duon sa mga taong nakakaramdam din ng alienation sa nakagisnan nating lipunan sa ngayon. Pero ang kaibigan ko kasing ito ang tipo ng taong masyadong maraming ginagawa, aktibo siya sa performance arts, film making, mga demonstrasyon, meetings, pag-aaral, pagbabasa, yoga, at ibat-ibang gawain ng pagtuklas at pagkatuto. Pero sa kabila nito may realisasyon pa rin siyang siya ay alienated na nga maging sa kultura ng counter-culture, hindi na sya nag-eenjoy sa pagtambay sa tambayan ng mga punks,at skater nagsasawa na rin sya sa mga radical activities,performance arts at mga gigs.
Naku! Malaking problema nga yan sabi ko sa kaibigan ko, kaya ako naman bilang isang mabuting kaibigan nagbigay naman ako sa kanya ng mga suhestyon para mabawasan ang boredom niya. At ito ang ilan sa mga suhestyon ko sa kanya….
1. Subukan kaya niyang mag-hanap ng trabaho? – Hindi pwede, malamang hindi raw sya tangapin dahil eyeball niya nalang ata ang walang tattoo, plus naka dreadlocks ang buhok niya etc.
2. Sumali sya sa mga workshop na gusto niya – Naku! Sa edad niyang 28 lahat na raw ata ng workshop na trip niya sinalihan nya na!
3. Aminin niya ang pagpapasabog sa Terminal ng Davao, para magkaroon ulit ng thrill buhay niya- Hindi maari dahil masyadong malayo ang hitsura niya sa “description” ng hitsura ng totoong salarin at hindi sya paniniwalaan.
4. Magsuicide sya?- He,he,he maraming beses nya na raw sinubukan iyon… pero syempre lahat hindi successful.
5. Subukan niya nang magkaroon ng anak? – Wala pa raw sa plano niya ang pagkakaroon ng anak…
Pero sa totoo lang sa lahat ng suhestyong binigay ko, mas pabor ako sa pagkakaroon ng anak. Hindi ko naman sinasabi ito para mandamay lang ng ibang tao sa kalagayan ko at majustify ko ang pagkakaroon ko ng dalawang anak.
Pero sa totoo lang kahit halos lahat ng taong nabubuhay dito sa mundo karamihan ay may mga anak, para sa akin isang malaking karangalan at isang tunay na yaman ang pagkakaroon ng mga supling. Pero syempre hindi iyong tipong mag-anak ka ng isang dosena o mahigit para mas marangal at mayaman ka!(he,he don’t get me wrong)
Bakit ko naman nasabi ito? Syempre, base sa obserbasyon ko sa aking sarili, mas lalo akong nagging mature nang mag-kaanak ako, mature in a sense na mas lalo akong nagging responsible sa lahat ng bagay, ang maganda sa akin ang karanasan at kaalaman ko lang ang ang nagiging mature pero sa katawan at mukha batang-bata! Hehehe (joke)
Pero bukod sa nagturo sa akin ng pagiging responsible ang karanasang ito, mas lalo pang tumindi ang hangarin ko na ipagpatuloy ang buhay, dagdag inspirasyon para lalong sumiklab ang pagnanasa kong mairaos ang minsan nakakabagot at tila walang patutunguhang pag-iral ang pagkakaroon ng mga anak.
Siguro tama nga ang mga naniniwalang ang purpose natin dito sa mundong ito ay ang ipagpatuloy ang henerasyon ng sangakatauhan. Ayon nga sa bibliya, “humayo at magpakarami” sa totoo lang ito lamang ang dahilan kung bakit naisipan ng Diyos na gawin ang Tao.
Bukod sa nagagawa na nating isakatuparan ang responsibilidad at dahilan ng ating pag-iral may mas malalim pang dahilan kung bakit isang malaking karangalan ang pagkakaroon ng anak… Naniniwala kasi akong ang isang nilalang na mayroong anak ay patuloy na mabubuhay hanga’t ang mga dugo at ugat na nananalaytay sa kanyang katawan ay patuloy na naibabahagi mula sa kanyang supling hangang sa mga susunod pang anak ng kanyang mga anak.
Siguro hangang sa ang mga tao ay muling manumbalik sa unggoy,sa hayup, sa halaman, at sa kung anumang amoeba, protozoa etc. o hangang sa pinakamababang uri na may buhay. At ito ang ibig sabihin ng BUHAY NA WALANG HANGAN! Hindi nga bat sinabi ng Diyos, ang sinumang sumunod sa aking utos ay magkakaroon ng buhay na walang hangan? At ano nga ba ang una at nag-iisang kautusan ng Diyos? Hindi bat ang “HUMAYO, AT MAGPAKARAMI?”
Ang maganda pa nito, ang bata ay nabubuo sa pakikipagtalik! At ano nga ba ang pinakamasarap gawin dito sa mundo? Hindi ba’t ang SEX? Kaya para sa mga kaibigan ko, kakilala at sa mga hindi pa nakikilala… Payong Kaibigan lang… MORE S-E-X- and be SAVED!
5 komento:
sex na naman?
hehehehehe ASA ka pa! syempre!
Well done!
[url=http://lbuamgig.com/ynko/ojkq.html]My homepage[/url] | [url=http://ayqmrepu.com/viwc/qeuu.html]Cool site[/url]
Well done!
http://lbuamgig.com/ynko/ojkq.html | http://ndwidvwz.com/fxxs/tkmr.html
my mind says NO, maraming may sakit na di sinasabi no!
But my body say YES, GO GO GO
hahahahahhahaha
lets see who wins? hehehehe
Mag-post ng isang Komento