Sabi nila isang accomplishment daw ang pagkakaroon ng isang anak dahil masasabi na eto na ang nakakapag kumpleto para mabuo ang isang PAMILYA. Siguro sa pananaw nila tama yun. Masasabi kong halos lahat na ata ng mga kaibigan kong mga babae ay may mga anak na...at lahat sila ay proud at masaya..pero hindi rin lahat sila ay kumpleto na may tinatawag nating PAMILYA. Ang iba sa kanila ay isang SINGLE MOM. Ang iba sa kanila ay desisyon na humiwalay sa asawa o sa kanilang mga boyfriend hindi dahil sa mas gusto nila ang mapag isa kasama ang anak o wala ng pagmamahal kundi dahil na rin ang ilan ay mga walang kwentang lalaki. Pero teka naisip ko nun, pano na kapag lumaki ang ang bata? Hindi ba't nangagailanga din ito ng pag mamahal ng isang ama? Pano nila bubuhayin ang kanilang anak? Hindi bat mas maganda kung may katuwang sila sa pagpapalaki ng kanilang anak? Iyan ang mga katanungan ko bago pa ako ang nalagay sa kanilang sitwasyon. Sa totoo lang, hindi naman ako mabuntis buntis sa mga dati kong boyfriend. sabi pa nga nga ng isang kaibigan ko, pano daw ako mabubuntis eh wala naman ako matris..tma ba yun? pero nitong huli, hindi ko rin inaasahan. sobra atang lakas at bilis ng similya ng ex-ko (ex ko na lang siya kasi ala na kami siyempre isa ring pasaway). Nang malaman kong buntis ako, Una agad pumasok sa isip ko kaya ko ba? pero masaya ang feeling ko nun infairness. Samo't sari ang nasa isip ko hangang sa maisipan ko din ipalaglag...pero nag dalawang isip din talaga ako.
Ang mga kaibigan ko, ilan at natuwa at sabi matanda na daw ako at dapat na din daw akong mag kaanak (haler! 25 pa lang kaya ako noh). Yung iba naman nag sasabi kung hindi ko kaya ay dapat ngang ipapalaglag..Hay naku ano ba to! Takot akong magkaron ng isang broken family nun pa o walang magigisnan na ama ang aking anak..kaya gusto ko itong ipapalaglag. para bang torture..kasi lahat ng mga nababasa ko ata sa magasin ay tungkol sa mga buntis at single moms at pati sa mga palabas ha..
hangang nakapag desisyon na din akong ituloy..ano bang kasalanan ng anak ko di ba? Saka para sa akin isa siyang blessing para maging responsable. at least nalaman ko na productive din pala ako di ba? Alam ng ex ko na buntis ako, hindi ko na din inaasahan na may magandang mangyayari. Ginawa ko to kaya handa akong tangapin. Tangapin man nya o hindi ok lang (kung hindi, hmp masagasaan sana siya ng tren!). eh ano naman kung walang ama na magigisnan ang anak ko? Magiging apektado ba ang mundo? Magugunaw ba ang mundo? hindi naman diba? Wala na akong paki alam sa mga sasabihin ng mga tao. eh ano naman ako kung single mom ako? Dapat ba akong magsisisi? Ayokong ipilit ang isang bagay na balang araw ay pag sisisihan ko. Malay natin, ang anak ko pala ang maging susunod na presidente diba? hmmm..
Kya isa lang masasabi ko..HINDI AKO BAOG!he he
13 komento:
hehehehe mac na pasaway tama yang desisyon mo, malay mo first and last mo na yan hehehhe joke!kasi diba nga tagal at never kang nabuntis before? sige goodluck nalang sa bagong single mom ng mundo! welcome to the club of mom who rocks!
ayos ka mac, buntis ka pala kaya pala di ko na naririnig ang tungkol sa yo. ayan gumawa ka na naman ng kalokohan, nagdagdag ka na naman ng isang pasaway na bata sa mundo wahahhaha! pero dahil andyan na yan, sana ay alagaan mo yang mabuti (seryoso daw), at palakihin mo sya na may takot kay lord (of the rings). isa lang ang pakiusap ko....WAG MO AKONG KUKUNING NINONG NYAN!!! DAHIL 20 NA ANG INAANAK KO...NASISIMOT ANG PER KO PAG PASKO!!!!!
hay naku randy umiral nanaman ang pagiging kuripot mo!!!! dami mong dollar eh! mag share ka naman hehehe
Hay naku correct ka jan janet, pasaway di ba? kala ko baog talaga ang lola mo he he..anyways, randy sa ayaw at sa gusto mo ninong ka lahat ng frenster ko eh ninong at ninang! (pagkakitaan ba ang anak?) randy hindi mo madadala sa langit ang kayamanan mo ha..he he...
mac,kate ito..
congrats sa baby mo..
cge,mag-anak ka pa at gayahin mo si janet... mabilis ang productivity ng angkan nila ni junmer! olah,ingats!
Kate, he he salamat, akala ko nga baog ako eh, may matris din pala! gud luck sa akin? mapagkakakitaan ko pa anak ko he he half half eh...
ano ba anak mo...half filipina...half mongoloid?
teka, teka ...malabo atang mag-kaanak si randy... malamang Oo kapag sumayaw sya sa obando hehehehe
randy, tao naman siguro ang anak ko? wat gusto mo ung putol ang buntot? wish ko randy mag anak ka na din noh he he..ay wag dadami lahi wawa ang mga normal...he he
I enjoyed reading your blog. I�ve been browsing the net for something related to single site myspace.com and found this site - http://top-personals.net. It�s a guide to Photo Personals and single site myspace.com. Adult Singles
Keep up the good work. thnx!
»
single net
bakla, hayaan mo na..hindi hihinto ang mundo dahil isa na tayong single mon...ako ba e2?single mom na??hinddiii...reality checl?oo nga..anyway, lumalaki naman ng maayos c raikzel pati ang mga kapatid ko..o di ba?anywayz, kamusta na ang mga bakla?curious ako sa rndy na yan ha??hehehe.cno ba yan? tao ba?
Mag-post ng isang Komento