Na-imagine nyo na ba ang sarili bilang isang alikabok? Sinimulan kong gawin! Minsan naisip ko at ini-magine ko ang aking sarili bilang isang uri ng alikabok, ewan kung may ibat-ibang uri ito, siguro meron. Alikabok! Siguro mas maliit o kasing liit ng fungi o bacteria! Ewan, hindi ko alam ang sukat at laki ng alikabok, basta alikabok at magiging alikabok ako ngayon!
O, ayan lumiliit na ako! Sa sobrang liit ko tinatangay ako ng hangin! Ayos ah, hindi ko na kailangang maging isang ibon para makalipad. Sarap pala ng pakiramdam ng isang alikabok, magaan at kung saan-saan ako nakakarating.
Hooopps! Teka nakadikit naman ako ngayon sa gilid ng bintana, alam nyo na ung tipikal na alikabok na makikita nyong nagpapadumi at nakadikit sa mga bintana at sa salamin nito? Yun ako ngayon isang dumi sa bintana!
Hhhhmmm, hay, nakakainip din naman palang maging isang alikabok, lalo na’t madikit ka sa kung saan, aba tatlong araw na yata akong nakadikit dito sa may bintana ahh! Hindi rin naman ganun kalakas ang hangin kaya hindi rin ako matangay nito sa pagkakadikit ko. Wala rin namang ulan, paano kaya? Sana may maka-isip namang magpunas at maglinis ng bintanang ito.
Teka, kapag pinunasan na ito mawawala na ba ako? Saan naman ako mapupunta? Anong mangyayari sa akin? Baka mamatay na ako?! Hhhhmmm malalaman ko rin yan. O ito naglilinis na si Nanay, hawak nya ang isang palanganang may tubig at basahan, ooopppss pinupunasan nya na ang bintana! Uy, teka nasaan na ako? Yuck! ang baho naman ng basahan na ito, nakadikit ako ngayon sa basahan kasama ang iba pang dumi at alikabok. Matanong ko nga ang mga katabi at kauri ko sa mga karanasan nila bilang isang alikabok, para magkaroon naman ako ng idea kung saan ako mapupunta.
Hhhhhmm, teka napapansin ko parang walang kabuhay buhay at medyo bored at halatang inip at sawa na ang mga ito sa buhay nila ah! Ayaw man lamang akong pansinin, at teka parang walang mga pakiramdam! Hindi man lamang sila natutuwa at na-excite sa pagiging alikabok nila samantalang ako heto’t hindi maipaliwanag ang excitement sa bagong karanasan. Bakit kaya?
Ay, teka nasa palangana na ang basahan at kinukusotan na ni nanay, ayan natangal din ako sa pagkakadikit sa basahan, bagong adventure nanaman ito! Uy lumulutang naman ako ngayon sa tubig, nakakatuwa! Exciting talaga ito ah!
Ito, ako ngayon palutang-lutang sa palangana! Ang saya ha! Hhhmmm tapos na maglinis si nanay at ito sangakatutak na kaming dumi at alikabok ibat ibang hugis, laki at anyo nakalutang sa tubig. Siguro ang duming tingnan at daig pa ang ilog pasig sa itim ng tubig na ito ngayon. Hindi bale hindi naman ako apektado, sa liit ko ba namang ito, malalaman ko pa ba ang dumi at linis ng tubig na ito? Basta ang alam ko lang marami na kami ngayon dito.
Ano ba yan, parang may tidal wave ba? Ay, hindi pala hawak na ni nanay ang palangana at ay! Tinapon niya ang tubig sa labas ng bahay! Oh, nasaan naman ako ngayon? Teka berde ang paligid, ano ba ito? Ah tama! Dahon nasa dahon ako ng halaman! Buti nalang dito at hindi sa pusali, nakakaloka sigurong maging bahagi ng dumi ng pusali, nakakababa na ng uri yun!
Itutuloy….

8 komento:
EXPLORE the WORLD beyond limitations of certain size, amount, number, area or place...
from there...
BEGIN to percieve.
KNOW with no discrimination.
ACT and RESPONSE to the EQUALITY.
- He,he thanks nga pala, pero hindi pa tapos ang story, nagsisimula palang magkakaroon din ng realization ang Bida dyan, its a part of the plot. Masyado ka namang hot eh...:)
wow galing naman ng wento, in fairness na hook ako ah.
pambihira ka!!! binitin mopa...nkukuha kona ung momento ko sa pag babasa sa mga detalyeng storiang nagaganap tapos biglang "ITUTULOY" anu ka teledrama hahahaha!!! pero okz ha u got ur own imagination!!! abangan kona nlang
he,he,he oo nga jpott kahit ako nabitin eh, hidni ko na alam wats next pag-iisipan ko pa hehe
EXPLORE the WORLD beyond limitations of certain size, amount, number, area or place...
from there...
BEGIN to percieve.
KNOW with no discrimination.
ACT and RESPONSE to the EQUALITY.
>>
Tae !!!
Mark
Thank you!
[url=http://iggsfanq.com/ktxi/rxhq.html]My homepage[/url] | [url=http://yyptnhun.com/sjlw/zplt.html]Cool site[/url]
Well done!
My homepage | Please visit
Great work!
http://iggsfanq.com/ktxi/rxhq.html | http://tsgbxmxr.com/qnbh/cudn.html
Mag-post ng isang Komento