Abril 3, 2005

WALANG MAISULAT

Gusto kong magsulat pero wala naman akong maisulat! Pakiramdam ko lahat na yata ng bagay, topics, pakiramdam, karanasan, kasalanan, kasiyahan pati ang mga bagay na ewan, kung bakit naisusulat pa kagaya ng basura, laway, sakit, langaw pati tungkol sa tae at utot ay naisulat na!
Kasalanan ko bang late akong ipinanganak? 1980... saka ko pa lamang nadiskubre ang mundo! At siguro umabot pa ako sa limang tang gulang bago ako nagkaroon ng kamalayan sa mga bagay bagay.At ang masakit pa nito hindi ko matandaan sa edad ko nagyong 25, kung ano ang mga kaganapan at karanasan ko noong bata pa ako! Paano ko nga naman maisusulat ang mga karanasang hindi ko man lamang naitanim sa maliit na kokote ko?Weird diba? O sadyang ganito lang talaga ang mundo sa mga taong katulad ko na nagsisimula pa lamang bumuo ng pangarap ay nawawalan na ng pag-asa?
Sabi nila makakatulong daw ang pagbabasa, dahil daw sa pagbabasa ay lumalawak at nadadagdagan ang ating kaalaman. Amputsa! eh pwede na yatang gumawa ng mini-library sa utak ko sa dami ng mga nabasa ko, libro, komiks, nobela, at pati ung mga kwentong pambata ay binasa ko na yata lahat pero hindi pa rin ako makapagsulat o wala pa rin akong maisulat! Paano mo nga naman isusulat ang mga ideyang nabasa mo lamang at isunulat na ng kung sino mang author ng mga babasahin? Parang malaking kalokohan naman yata yung nabasa mo na isinulat mo pa?! Sino namang tanga bukod sa mga kaibigan at malalapit na mga kamag-anak mo ang magbabasa ng mga yun diba?
Magworkshop daw ako! O sige workshop naman si gaga, creative writing at scriptwriting pa! Teka may naisulat naman ba ako? Bukod sa mga activities at kumopya ng mga notes tungkol sa basic scriptwriting at creative writing wala naman akong naisulat na bago at kakaiba.Inubos na nga ba mga matatandang manunulat o mga nobelistang nauna lang ipinanganak sa akin ng ilang araw ang mga bagay na dapat isulat o gawan ng kwento?
Buhay nga naman, gusto mong magsulat pero wala ka namang maisulat! Inikot ko na yata lahat ng pwedeng pwesto sa upuan para maging komportable at masimulan na ang pagsusulat ganun pa rin wala akong maisulat! Mag-isip kaya ako ng inspirasyon? Paano nga ba gumawa ng inspirasyon? Sa taong katulad ko na lahat na yata ng mga bagay sa mundo ay pinahalagahan ko na at itinuring na yaman para maging inspirasyon ay nauubusan din. Katulad ngayon, gusto ko sanang gawing inspirasyon ang ipis na gumagapang sa sahig para makapagsulat hindi pa rin tumalab! Wa epek sabi nga nila! Nakalimutan ko, kagabi nga pala'y ipis ang ginawa kong inspirasyon para magkaroon ng mood sa panonood ng TV, syempremas pipiliin mong panoorin nalang ang nakakasukang teleseryeng Kristala keysa lumilipad na ipis diba?
O sya sige na nga suko na ako! Wala talaga akong maisulat siguro ito na ang tamang panahon, oras at pagkakataon para i-give-up ko na ang pangarap kong makagawa man lamang ng isang literary piece...Teka hindi ba't kanina pa ako nagsusulat? At kanina ka pa rin nagbabasa! Oh well, pwede rin palang isulat yung walang maisulat! Bwa,har,har,har may Diyos nga!
Note: Pwedeng mag-react!posted by Luann at 12:11 AM 0 comments

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Great work!
[url=http://aqqcoizh.com/ccax/wtbt.html]My homepage[/url] | [url=http://nluqlhlq.com/txvo/qycl.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Good design!
http://aqqcoizh.com/ccax/wtbt.html | http://opcfptpi.com/zrcw/txie.html