Abril 7, 2005

Virgin...?

Taong 2000- "Virgin ka pa ba?", Minsan naalala kong tanong sa akin ng isa sa mga kabarkada ko. Dalawampung taon na ako noon at nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Nakakahiya mang aminin, o sadyang nakakahiya nga ba? Na sa panahon natin ngayon na tinatawag na "modernong panahon"... actually post modern time na nga! Isa ako sa mga babaeng, ewan kung malas o swerte, isa ako sa mga babaeng tinatawag nilang "virgin" o walang karanasan sa sex.
Isipin mo nga naman, dalawampung taon na ako at ni minsan hindi man lamang ako nagkaroon ng nobyo o bf sa loob ng mahabang panahon. Sabi nga nila "never been touch, never been kissed" talagang virgin! Bakit nga ba? Hindi naman siguro ako ganun ka pangit ano? O siguro dahil man-hater ang drama ko ng mga panahong iyon. Hindi yung tipong galit ako sa lalaki, mas gusto ko kasi silang barkada o kaibigan. Pakiramdam ko kasi, yung mga babaeng nangangailangan o naghahanap ng nobyo, ay yung mga babaeng mahihina... ewan ko, siguro hindi dapat mahina ang itawag sa kanila. Mas maganda sigurong sabihing "normal"! yun ang dapat itawag sa mga babaeng naghahanap ng boyfriend, na tipong kapag hindi sila nagkaroon ng boyfriend o walang nanligaw sa kanila feeling mga drama at super concious queen na sila! Para bang katapusan na ng mundo kapag bukas makalawa'y wala pa rin silang nobyo. hayzzz...
"O sige, virgin ako!" iyon ang sagot ko sa kabarkada ko. "Gaga ka, hindi mo ba alam na ang mga virgin hangang sa edad na 21 ay prone sa sakit na cancer!" Mayabang at malahenyong paliwanag sa akin ng kabarkada ko. Ewan ko wala naman siyang scientific facts at support dun sa sinabi nya pero naniwala ako! Sa madaling salita, dapat bago matapos ang taong ito ay hindi na ako virgin.
"Kailangan makahanap ako ng BF o kahit na sinong sasagot sa problema ko" yun ang sabi ko sa sarili. Nakakaloka talaga ang mga teenager! Sa halip na ang problema sa pamilya, pag-aaral ang atupagin nila mas binibigyan nila ng importansya ang mga isyu tungkol sa beauty, pimples, sex at virginity! Bakit hindi? May tamang panahon para sa ibang isyu at problema sa paligid, basta sa ngayon ang usapin sa virginity ang problema ko!
Teka, paano nga ba? Alangan namang manghila na lamang ako ng kung sinong lalaki dya sa tabi-tabi! Paano nga ba pumili ng lalaking masuwerte, o malas na lulutas sa problema ko. May mga pinakilala naman ang mga barkada ko, pero isa lang ang napansin ko sa mga lalaki. Karamihan ata sa mga lalaki abnormal! he,he May mayabang na wala namang laman ang utak, may relihiyoso namang kapit tuko sa nanay nila, may matalinong lampa, may gwapong masama ang ugali! Hindi ko type! Sino ba namang matinong babae ang magtyatiyagang makasama o makatabi ang mga lalaking ganito?
Ano nga ba ang tipo kong lalaki?Bago ang lahat sabi nila, dapat makikipag-sex ka lang sa lalaking mahal mo, lalo na kung first time diba? Iyong iba nga dyan tipong magpapakasal muna bago ibigay ang sarili nila sa kung sinong kalahi ni adan. naniniwala kasi ang karamihan na ang virginity daw ay parang isang babasaging kristal na dapat ingatan dahil sa walang katumbas na halaga nito (pwede kayang isanla?) At nararapat lamang na ipagkaloob ito sa lalaking mahal na mahal mo at magpapakasal sayo. Ok fine whatever! Wala akong balak magpakasal sa edad na dalawampu, at isa pa malabong magpakasal ako dahil unang-una hindi ako naniniwala sa kasal. Gusto ko lang mawala ang virginity ko bago matapos ang taong ito!
Minsan niyaya ako ng bestfriend ko na sumama sa pakikipag-eye ball niya sa ka chat niyang foreigner daw. Dahil wala naman akong gagawin ng gabing iyon, ay sumama na rin ako. 30 years old ang lalaki half singaporean at indian daw ang lahi niya... ewan ko kung paano nangyari yun pero in fairness maganda naman ang kinalabasan ng hitsura niya medyo maputi na bombayin ang dating. Nag-inuman kami sa isang bar sa malate, actually first time kong sumama sa mga ganoong gimik, madalas kasi bahay at eskwela lang ang drama ko. At dahil first time, madali akong nalasing, vodka ang ininum namin iyong uri ng alak na akala mo tubig kaya't iinumin mo ito ng walang ka-effort effort hangang sa hindi mo namamalayang lasing ka na pala!
dahil may kotse ang lalaki nag-alok syang ihatid kami ng kaibigan ko, Naunang inihatid namin ang kaibigan ko sa may sampaloc, dahil sa makati nakatira ang lalaki at halos malapit lang din dun ang inuuwian ko, kaming dalawa na lang ang natira sa sasakyan.
First time ko syang makita at makilala (in a sense na alam ko ang pangalan at work niya) ng gabing iyun, in short he is a total stranger at sampung taon ang tanda niya sa akin. Umiral ang katangahan ko ng gabing iyun at niyaya ko syang dumaan muna kami sa condo nya bago niya ako ihatid sa inuuwian ko. Medyo nagulat siya pero hindi naman nagdalawang isip na sundin ang suggestion ko. Pagdating sa condo niya, nag-inuman ulit kaming dalawa hangang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. (Actually, alam ko pero wala na akong balak isulat pa yun, siguro next time na lang he,he)
Kinabukasan nagising na lamang ako na wala na ang problema ko! Sa totoo lang hindi ganun kadaling isipin na, at last hindi na ako virgin! Pero minsan may mga bagay lamang nagkakaroon ng halaga kung bibigyan natin ito ng importansya malalim na pagpapakahulugan. Ang virginity, pwede nating ituring na tanging yaman bilang isang babae o minsan pwede rin namang ituring ito na bahagi lamang ng isang karanasan at pagtuklas na walang malalim na kahulugan. Iyong tipong parang nagpabutas ka lang ng tenga?
Kaya nga nang magkita ulit kami ng barkada ko, syempre isa lang ang sinabi ko, "Hoy bruha, hindi na ako VIRGIN..."


13 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Anong post modern time?! Loosely or carelessly used yata ang pagbanggit mo ng term na yan. Remember under-developed country pa rin ang Pinas. At kung makikinig tayo sa mga RARARA, mala pyudal at mala kolonyal pa rin tayo. At kung dumating man ang panahon na lahat ng babae dito ay divirginized na, HINDI pa rin papasa tayo sa kategoryang Postmodern (example: Countries in Africa where AIDS is a serious national concern.) Do not confuse sexual liberation of the country to its mode of production and cultural capacity. Magagalit nyan si Federic Jameson. Ciao!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

janet:

to hear sample of my sound experiments. copy and paste this url on the url box and push enter:

http://radio.indymedia.org/uploads/experiment6.mp3

and my blog is:
http://www.livejournal.com/users/longingforabi/

jong

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

janet:

to hear sample of my sound experiments. copy and paste this url on the url box and push enter:

http://radio.indymedia.org/uploads/experiment6.mp3

and my blog is:
http://www.livejournal.com/users/longingforabi/

jong

Unknown ayon kay ...

lolo geri,
wala namang nagmamay ari ng konsepto ukol sa post modernismo e,at wala akong pakialam sa mode of production under economic aspect na concept ng post modernism ni Federic Jameson!. Ang tinutukoy kong post modern dito ay batay sa personal in terms of social and moral aspect ng mga babaeng filipino.Para sa akin proseso ito ng isang individual, sa article na ito ang sexual liberation ay pwedeng post modern sya o pwedeng modern lang. Wala akong pakialam kung may tinatawag na structured o batayan para maging post modern country ang pilipinas. Sinasabi ko ang opinyon bilang isang babae at individual. Oo kabilang nga ako sa estado ng pilipinas pero i dont think kailangan pumasa muna ang ating bansa sa isang standard para masabi ko ang aspektong post modernism pagdating sa isyu ng virginity. Well, ito ang pagkakaintindi ko...

Unknown ayon kay ...

ok thanks visit ako ...

Unknown ayon kay ...

lola sassssssss miss yah na rin po ano ang drama natin ngayon dyan?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Para sa mga Feminista at mga pragmatisma advocates hindi na masama yan bilang panimula.

Tanggalin na muna natin ang uspin tungkol sa kung nasaang straktura tayo ngayon, mas mainam kung focus tayo sa issue ng liberation ng kababihan.

Sa mga hard liners, pety ang laman ng artikulong ito. Sa akin, mabigat at makahulugan na ito.

Hindi kona kinailangan pang maging babae para maunawaan kung anong mensahe ang gusto mong ipaabot. mahusay ang klitoris mo!

Unknown ayon kay ...

Salamat...Nabasa ko ang mga sinulat mo, napakagaling...malalim

luann

Randy P. Valiente ayon kay ...

sino ba dito ang gustong magtanggal ng virginity ko? availabe ako hanggang bukas...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Well done!
[url=http://izyixhrx.com/koug/oqxc.html]My homepage[/url] | [url=http://wfaknzlf.com/ltxn/sast.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
http://izyixhrx.com/koug/oqxc.html | http://fhmubana.com/vtzf/gvrh.html

William Buenafe ayon kay ...

walastik ha, sosyal sa foreignger pa ha.

Nasaan ang iyong pagiging nasionalismo, hahahahhahahahha

mabuhay ang pinoy, pinoy pa rin tayo.

hahahahahahhahahhaha

jhen ayon kay ...

True to life story ba ito??? Im not sure if ill be encourage kasi until now I still regret for giving it up too early at sa walang kwenta pa.. haay, regrets.