Abril 11, 2005

Maskara...

Image hosted by Photobucket.com

Napanood nyo ba ang pelikula ni Sharon Cuneta, ang "idol" daw ng masa na pinamagatang "Bukas Luluhod ang mga Tala? Ewan kung ito nga yun, pero kung Oo ang sagot nyo alam mo ang kontrobersyal na dialogue na "Your nothing but a second rate trying hard copy cat!" At kasunod ng linyang iyun ay ang eksenang bubuhusan nya nga alak ang babaeng kontrabida. Ang taray diba?

Sana magawa ko rin ang ganyang eksena sa mga taong masasabi nating "Nothing but a Second Rate Trying hard Copy Cat" kaya lang malabo ata dahil mabait ako masyado para gawin ang ganyang eskandalo. Hindi ko naman sinasabing perpekto akong tao at masyado akong magaling, matalino, maganda at kaakit-akit, dahil ang totoo 99.99 percent lang ang taglay ko sa mga katangiang iyun. Ehem...Ito ay isa lamang obserbasyon na nais kong ilapat sa papel. Halos buong buhay ko na yatang ipinagbubuntis ang obserbasyon na ito at pilit na syang kumakawala sa pinagtataguan ko nito sa isang sulok ng aking isipan.

Bakit ngaba may mga taong mapagpangap at pilit na itinatago sa isang maskarang mapanlinlang ang tunay nilang pagkatao? Alam kong hindi lingid sa atin na halos 90 percent ng tao sa buong mundo ay nagtatago sa isang maskara. At maraming halimbawa at may ibat-ibang uri ng mga taong ganun. Ibat-ibang pagkatao, katangian at ibat-ibang uri ng maskara, depende sa mga imaheng gustong ipakita ng may suot nito. Kung isusulat ko naman ng isa-isa ang mga halimbawang iyun, aba'y mauubos ang 100 leaves na yellow pad na ito!

Sa totoo lang isang halimbawa lang ang gusto kong bangitin na talaga namang tatama at sapul sa kung sino mang nilalang dyan, ayun nga sa isang kasabihan "Bato bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit". Natatandaan ko pa noong taong 2000 halos ilang buwan din ako tumambay at natulog sa luneta. Teka sino nga bang hudas ang nagdala sa akin sa lugar na yun? Ahhh, tama si Randy! Inosente pa ako noon medyo may kinikimkim na galit sa sarili at sa mundo. Siguro nasa ikatlong taon ako noon sa kolehiyo, kahit na sabihin nating nag-aaral ako, ako ang tipo ng estudyanteng ayaw na ayaw pumasok sa eskwela. Pakiramdam ko kasi sa tuwing papasok ako sa skul lalo lamang nababawasan ang kaalaman ko, parang lalo akong nabo-bobo at nagiging mangmang sa tuwing nakikinig ako sa kung sino mang professor ko noon. Nagkaroon tuloy ako ng paniniwala na ang eskwelahan ay binuo upang nakawin ang kakarampot na ngang kaalaman ng mga kabataan.
At dahil sa ayokong pumasok sa eskwela wala akong ginawa kundi ang sumali sa mga libre o murang workshop ng photograpy, creative writing at scriptwriting. Pati ata theater, sinubukan kong salihan at dun ko nalaman na masyado ata akong mahiyain para umarte sa harap ng maraming tao. Aba'y mas gugustuhin ko pang mag P.A. o kaya'y magsulat ng script sa halip na maging artista sa entablado. Ah, siyanga pala ayoko ko ring mag-make up artist!
Minsan nakilala ko si Randy sa isang workshop na sinalihan ko rin, para sa akin isa sya sa 10 percent na tao sa buong mundo na natitirang hindi gumagamit ng maskara. At dahil alam kong totoo sya at may pagka-abnormal din kagaya ko nagkasundo kami at dun nagsimulang mawasak ang mga pangarap ng mga magulang ko para sa akin.(he,he, joke lang pareng randy)
Nagsimula na akong sumama sa mga kung anu-anong activities at kabaliwan for ART Sake daw, ni Randy at ng iba pa nyang kaibigan, kabarkada, at kasamahan na syempre hindi rin masasabing "normal" he,he. Noon gusto kong itanong sa kanya "Dont you have any normal friends?he,he" At dahil nga sa pasaway din akong katulad nila, na ngayon ay mas lalo pa atang lumalala! Walang nagawa ang matino kong sarili kundi ang sumunod sa pasaway at baliw kong sarili.

Naging adik ako lalo sa mga babasahin at libro, pero ngayon iyong mga binabasa ko ay iyong tipong makukurot ako sa singit ng nanay ko kapag nakita nyang hawak ko ang ganung libro. at syempre bukod dun sa mga babasahin na mumurahin at isusumpa ka ng simbahan mayroon ding librong iiwasan ka, pagtatawanan, tatawaging baliw at immoral ng lipunan. Bukod sa pagbabasa natuto din akong makinig at sumali sa mga debate at usapin laban sa simbahan, lipunan at sa lahat na ata.

Isa lang ang sinabi ko sa aking sarili ng mga panahong iyon, siguro kung hindi ako magiging masaya sa mga pinili kong basahin, sundin,paniwalaan at panindigan eh di sana'y noon pa tinigilan ko na at iniwasan ang mga tao at anumang impluwensyang sinasabi ng maraming makakasama. Naiisip ko, baka naman nagrerebelde lang ako kaya ako ganito? Siguro; hindi rin... kasi ang pagrerebeldeng ginagawa ko ay hindi para sirain ko ang aking sarili at pagkatao. Bagkus ay lalo kong nararamdaman na malaya ako, may sapat na kaalaman, mulat sa realidad ng buhay, may pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa, walang takot at higit sa lahat mas lalo kong naramdamang tao ako at buhay!

Noong magsimula akong tumambay at abutin ng umaga sa luneta, sabi nga nila lahat na ata ng uri ng tao ay nasa lugar na iyun may mga pulubi, magnanakaw, kriminal, makadiyos, pulitiko, mayayaman, mahihirap, mga sosyal at nagpapangap na sosyal, estudyante, mag-syota, matanda mga baliw at kung anu-ano pa. Syempre kung wala ako sa grupo ng mga baliw nasa mga estudyante ako.
Duon ko nakilala ang lalaking sa palagay ko ay "normal?" may pulitika, may alam sa sining, alipin din ng aklat at higit sa lahat matinong kausap. Matino nga ba? Siguro nga, siya lang kasi bukod sa mga kaibigan kong pasaway din, ang lalaking nakilala ko na pwede mong kausapin tungkol sa lahat ng bagay maliban sa sex. Madalas kasi may mga lalaking pagkatapos nyo mag-sex ay wala ring laman ang utak at dila kundi ang isyu ng sex ulit. Para bang ang buhay ay umiikot lamang sa sex at sa pagawa ng paraan kung paano ulit makakakuha ng ka-sex!
Naging nobyo ko ang lalaki, ewan pero yun ang tawag ng marami sa ka-sex at kasama mo palagi. Hindi ko alam kung nanligaw ba sya o hindi, basta ang alam ko nagse-sex na lamang kami at madalas na kaming magkasama at magkausap.
Halos sa luneta na rin kasi sya nakatira noon, duon natutulog, kumakain kasama ang iba pang pulubi at walang matirahan. Sa umaga naman pumapasok sa eskwela, hindi para magpaalipin sa institusyon, kundi ang pilit na wasakin ito at baguhin ang pananaw ng maraming estudyante ukol sa lipunan at pulitika. Para bang ginagamit nya ang pagpasok sa eskwela upang maimulat ang mga estudyante sa mundong pilit na ikinukubli ng lipunan sa isang uri ng maskara.
Nalaman kong may nobya din pala sya na kasama nya sa kanilang organisasyon, syempre wala akong pakialam sa kanilang dalawa sa tuwing magkasama sila. Naging kaibigan at nakilala ko rin ang iba pa nyang kasamahan at kaibigan pati na ang nobya niya. At hindi kalaunan naging kasama na rin namin silang magpa-umaga sa luneta.
Noon akala ko kabilang din sila sa mga taong pilit na binabago ang lipunang nakagisnan. Siguro nga sa ibang paraan, sa mga maliliit na pagkilos katulad ng pagsama sa rally at kamuhian ang gobyerno at sistema. Alam ko sila din ang mga tipo ng taong kagaya ko ay makakaramdam din ng pagiging "IBA" sa nakararami. Iyun kasi ang ipinapakita nilang imahe sa akin, malamang tama ako duon. Mulat din kasi sila at halos karamihan sa kanila ay alipin din ng mga libro at kun ano mang babasahin. Dahil dito naniwala akong katulad ko nga sila! Katulad sila ni Randy at ng mga nauna kong kaibigan...
Minsan nabalitaan kong nalaman ng nobya ng lalaking naging nobyo ko na rin siguro? Ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Halos maloka ako sa naging reaksyon ng babaeng nobya ng lalaking minahal ko. Galit na galit daw ito at nag-eskandalo,pinagbabato,kinamuhian ang nobyo nya dahil sa akin. Teka, napakaliit namang isyu iyong malaman mong may ibang babae ang nobyo mo bukod sa iyo para umasal ng ganun ang babaeng iyun. Gusto kong matawa at manghinayang, "ano ba yan?" sa loob loob ko, bilib pa naman sana ako sa babaeng iyun. Akala ko ganun sya katapang, akala ko ganun kalawig ang kanyang isipan, akala ko handa niyang tangapin ang isang hamon ng lipunang kaiba sa nakagisnan ng marami. Ang pagtataksil ay normal at napakaliit na isyu, halos karamihan nga sa mga taong pilit na namumuhay ng normal ay gumawa ng ganun.
Kung ikaw ay isang nilalang na pilit na sumasalungat sa bulok na lipunang pilit na isinisiksik sa atin ng marami, o kung hindi man ikaw ay ang tipo ng taong naghahangad na maging iba sa karamihan at nangangarap na mabuhay sa isang lipunang malaya. Aba'y hindi ka magwawala at aarte ng ganun! Pinili mong makipagrelasyon sa lalaking alam mong may kakaibang paninindigan sa buhay. Sa katunayan nga ang katangian niyang iyun ang naging dahilan upang mahulog ang loob mo sa kanya. At ngayong nalaman mong nagkakaroon siya ng ugnayan sa ibang babae, at ito ay itinuring nyang bahagi ng kanyang pagtuklas at pag-unlad. Ang akala ko matututo kang mag-compromise, nariyan ang sakit at nabawasang ego, subalit dahil sa pinili mong maging ganito ka at maging iba sa typical na mga kababaehan, sana'y kinaya mong lunukin ang sitwasyon. Isa lamang ang ibig sabihin ng reaksyon ng babaeng ito, hindi nakayanan ng suot niyang maskara ang katotohanang likas sa tao ang tumuklas at magkagusto sa iba. Hindi rin nakayanan ng maskara na maninindigan sa imaheng pilit na idinidikta ng taong may suot nito.
Akala ko, mananatili at hindi magbabago ang pagtingin sa akin ng mga kaibigan at kabarkada nya. Dahil nga sa alam kong mulat sila at may malaking pag-unawa sa mga bagay sa paligid, inaasahan kong ang ganung isyu ay palilipasin nila at ituturing na lamang na bahagi ng isang karanasan at pagkagising. Mali pala ako, katulad ng mga normal na taong may takot sa imoralidad at naghahangad ng esklusibong relasyon, nagalit sila at nilibak ang lalaking nakarelasyon ko na naging kaibigan nila sa loob ng mahabang panahon, dahil dito tuluyan nang nasira ang pagiging magkaibigan nila.

Dahil sa pangyayaring ito, naging maingat na ako at mapili sa mga taong pilit na sumasama sa grupo ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko kasi nababawasan ang kalayaan kong sabihin at gawin ang mga bagay na gusto ko kapag hindi ko kilala ang taong kaharap ko. Naisip, ko hindi pala lahat ng mahilig magbasa, mulat, may pulitika, galit sa sistema, may angas sa lipunan, rebelde at nagpapangap na kakaiba ay totoo. Madalas karamihan sa kanila ay may suot na maskara, na pagdating ng panahong kailangan nang subukin ang mga paniniwala at mga pinaninindigan nila, ang mga maskarang suot nila ay unti-unting nababasag; dahil lamang sa isang isyung personal man o pulitikal na hindi kayang tangapin ng kanilang sarili bilang isang TAONG NORMAL...

Note: Bato bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit. Sana magsilbing pamukaw ang sinulat kong ito sa mga taong patuloy paring nagkukubli sa ilalim ng maskara.


7 komento:

Unknown ayon kay ...

korek ako din! Sana dumating ang panahon na magkita-kita tayo at muling magkasama sa lugar na iyon. He,he

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nostalgic. Remembering, halos sabay lang naman tayo nalagi sa L.U. noon. "those were the days" ika nga. Pati trivia na patok don ngayon. At marami nang new faces. Ciao!

Unknown ayon kay ...

Oo nga eh, baka ganun talaga life he,he,he

Unknown ayon kay ...
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Thank you!
[url=http://arjyxovc.com/gxnd/udjf.html]My homepage[/url] | [url=http://ulpqivym.com/ofoi/onwj.html]Cool site[/url]

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice site!
http://arjyxovc.com/gxnd/udjf.html | http://phvgcbgm.com/ulvm/qvzn.html

William Buenafe ayon kay ...

lahat ay may maskara, ito ang aking pananaw at paniniwala

may dahilan din ang bawat isa hinggil sa kanilang maskara

may maliit, may malaki

may ordinaryo, at may di pangkaraniwan

may simple, at may komplikado

pero lahat ay may maskara

ito ang kanilang daan o instrumento para mapalaya ang anumang emotion sa kanilang kalooban

kaya nararapat na respetohin ng lahat ang mga maskara ng iba tulad ng pagnanais niyang maunawaan at respetohin ang sa kanya