The key to happiness is spending your money on experiences rather than possessions.
Hulyo 23, 2009
Mayo 30, 2009
TALES OF KLITORIKA
alam nyo na kung sino kayo ;-)
Sa mga masugid na taga subaybay ng blog ko at mga sumuporta sa book 1 Maraming Salamat po. Promise mas malilibang kayo sa Tales of Klitorika.
Thanks Ulit! Muah!
FOREWORD:
Parang isang kabarkadang masayang kakuwentuhan itong si Klitorika. Siya yung tipo ng kausap na palaging nakakaaliw ang paraan ng paglalahad, kahit may mga pagkakataong posibleng hindi kayo magkapareho ng pananaw o pagtanggap sa paksang pinag-uusapan, sa kaso niya'y ang paksa ng sexualidad. At tutal ay napag-uusapan na ang usapin ng sexualidad, ang mga kuwento niyang may imahen ng pakikipagtalik at libog ay masasabi kong mga kuwentong nauuna ang pagiging "kuwento" bago pa ang pagiging "nakalilibog." Sa mundong lahat ay nagmamadaling magbansag ng salitang "bastos" sa lahat ng pagkakataon, tao at sitwasyong hindi sila sanay, ang mga nakatha ni Klitorika ay maituturing na isang magandang simula.
Vlad Gonzales- Guro ng Malikhaing Pagsulat at Kulturang Popular sa UP May-akda ng
"Isang Napakalaking Kaastigan"
Abril 11, 2009
CONDOM AT SI INDIANA JONES!
Oras ng trabaho, syempre seryoso ako at talagang kinakarir ko muna ang bawat assignment ko, dahil bibisita ako sa kung saan saang barangay ng Gen San at Sarangani area syempre biyahe to the max at tanong kung kani-kanino ang ginawa ng lola nyo.
At sa pagtatanong ko nga, ayun naligaw ako!
Pero wait, talagang mabait at maasahan naman pala talaga ang ating mga kapulisan, dahil very accommodating sila. Imagine lagpas nang ala una na ng mga oras na yun ang lola nyo eh medyo nagwawala na ang mga bituka dahil sa gutom, wala naman akong makitang makakainan dun sa lugar kaya inalok nila akong mananghalian kasama sila. Well, kahit medyo nahihiya eh grab the opportunity ang drama ko, kain kung kain agad, afraid akong mamatay ng dahil sa gutom anoh? Syempre nagpa-inom naman ako ng coke, para kahit papaano eh makabawi naman sa kabaitang pinakita nila sa akin.
At dahil nga sa sobrang bait ko, syempre nagpabola nanaman ako, o teka
Sa totoo lang tatlo silang nanghinge ng number ko, eh syempre kakahiya naman at masyadong obvious kung idedeny ko sa iba ang number ko at sa isa ko lang ibibigay, afraid naman akong ma-offend yung iba. Pero ang mga lalaki naman eh marunong din makiramdam pagdating sa ganitong bagay. Siguro nababasa din nila sa mga kilos ng babae kung sino ang type ng girl at kung sino ang hindi. Feeling ko nahalata nilang mas type ko yung kasama nila, kaya off limits na yung dalawa at hinayaan nila kaming magchikahan ng kasama nilang sa tingin ko nga eh gwapo.
Naloka lang naman ako dahil halata namang may asawa na ang loko eh, nagpapangap pa ring single ang walanghiya. As if naman diba? Anong palagay naman nila sa mga babae ngayon, yung tipong manghihinge lagi ng kasal? But then and again, deadma hinayaan ko siyang panindigan niya ang pagpapangap niyang single.
Bago pa man ako umalis sa lugar na iyun, matapos nila akong ihatid sa sadya kong barangay gamit ang kanilang patrol car, oh diba sosyal? Eh nagpa-alam na sa akin si mamang pulis na dadalaw siya sa hotel ko mamyang gabi. So, wagi ang lola kaya ang sagot ay;
“Sige, basta magtxt ka muna”
Sa wakas natapos ko ang nakakalokang assignment ng araw na yun. Balik ako sa hotel nagpahinga ng konti. Si mamang pulis naman eh biglang nagtxt malapit na daw matapos ang duty niya at baka nga mapasugod siya sa hotel ko. Pagkabasa ng txt napabalikwas ako ng bangon, naalala ko kailangan ko nga palang bumili ng mga bagay na kakailanganin ko sa ganitong pagkakataon.
Go naman ako palabas ng hotel at sugod sa pinakamalapit na mercury drug store sa lugar. So, may idea na kayo kung anong kakailanganin ko? Cheklist isang litro ng malamig na mineral water, tissue, shampoo, body wash, snacks, at condom! Yes…
Hmmm sa counter madalas nilalagay ang mga packs ng condom. Syet! Bakit sa drugstore na ito eh walang nakadisplay na condom? Gosh, hangang ngayon ito ang dilemma ko bakit ba ang hirap hirap bumili ng pack ng condom? Condom lang naman yun diba napaka natural na bagay, ano ba naman yun? Parang condom lang pero bakit, bakit nahihirapan akong bumili ng condom?
Inikot ko ang mga estante at display rack ng drugstore wala talaga akong makita! Nakakaloka naman ito, nakuha ko na lahat ng mga bibilhin ko pero ang anak ng tipaklong na condom na yan eh hindi ko mahagilap. Wala akong choice kundi ang magtanong sa cashier,
“Miss may condom kayo?” kunwari deadma at walang malisyang tanong ko sa cashier na hindi ko malaman kung nakangisi o natatawa.
Ang sagot ng cashier “Dun po yun sa kabila sabihin nyo lang” sabay turo sa counter ng mga gamot na sangkatutak namang tao ang nakapila.
Dyahe, huwag nalang binayaran ko ang mga nauna kong pinamili at go ulit sa kabilang drugstore. Tingin dito tingin dun, ganun pa rin walang nakadisplay na condom sa salamin na estante nila. Wala rin sa display rack, teka ano bang nangyayari nagkaka-ubusan na ba ng condom at sa black market na lamang ba ito mabibili ngayon?
Nilapitan naman ako ng cute na store owner at nagtanong;
“Miss ano sa iyo?”
Kakaloka hindi ko alam kung anong sasabihin ko,
“Huh, ah eh may cotton balls kayo?”
Gosh! Ang plastic ko, bakit ba hindi ko masabing “may condom kayo?” ng matapos na ang problemang ito? Napaka-plastic ko naman kung magpapangap pa akong hindi ako makikipag-sex ng gabing iyun?
Haysss, bahala na eh ano naman ano kung malaman ng lalaking ito na condom ang bibilhin ko, eh ano kung malaman niyang makikipag-sex ako ng gabing iyun? Kaya pagbalik ng cute na store owner dala ang cotton balls idinagdag ko na
“Tsaka nga pala isang pack ng premiere condom, yung dotted!” whew, yes! at last nasabi ko na rin, para akong nabunutan ng tinik.
Matapos ang nakakalokang eksena sa drugstore, balik ako sa hotel para makapaghanda, nag-shower, toothbrush, naglagay ng konting pabango, nagsuot ng laced bra at undies na kulay red (para maiba naman) at syempre naghintay.
Ito ang nakakaloka, ang paghihintay sa taong hindi mo alam kung sisipot ba o hindi. Im all set, as in ready na ako to the max kaya mega wait ang lola. Ayoko rin namang magtxt para magconfirm diba? Baka sabihin atat naman ako sa lalaki, girls scout lang talaga ako kaya lagging handa. Ayoko naman ng masosorpresa akong bigla, tapos kung kelan nasa gitna na ng kainitan eh saka ko maalaala na ay hindi papala ako naliligo dyahe!
Isang oras na, walang txt medyo giniginaw na rin ako dahil sa wala nga akong saplot sa katawan kundi ang laced bra at panty lang na red nga! Ayokong magtxt, yan ang pinaka-importanteng natutunan ko sa buhay, huwag magtxt sa lalaking may asawa lalo na at hindi ka naman nito tinitxt ibig sabihin nasa bahay yun at kaharap si misis.
Syempre, bago ako manigas sa ginaw nagbihis na muna ako at hinarap ang laptop, maghahanap muna ako ng ka-chat. Pero feeling ko as in malakas ang kutob kong hindi na talaga sisipot ang hinayupak at tinamaan ng kulog na gwapo pa naman sanang mamang pulis na yun.
Anyways, may lahi pala siyang Indiana Jones kaya sorry nalang siya, ako naman eh naghihintay lang at least may napatunayan ako sa sarili ko sa gabing ito, kaya ko nang sabihin outloud ang “Pabili nga ng isang pack ng condom!”
xxx
Hmmm naloka kayo ano? Ito ay isa lamang sa mga mababasa nyo sa susunod na libro ni KLITORIKA. Abangan!Oktubre 10, 2008
COMICS STRIP ON KLITORIKA
_001.jpg)
Isang kaibigan sa blogging community ang gumawa ng comics strip na ito, tungkol sa kanyang reaksyon sa librong Memoirs of Klitorika.
Salamat your the man! Bugoy the Man!
Setyembre 23, 2008
KLITORIKA with an O
Isang kaibigan, si Joy ang nagsulat ng post na ito sa kanyang friendster blog. Maraming salamat friend at na miss talaga kita promise.
I have seen a writer friend of mine last friday and she gave me her book named KLITORIKA with an O (autograph) Giligans festival mall. This book I recommend to those people who have a broad mind because this girl really have a very colorfull sex and love life. She’s an epitome of a good mother, a good partner and a good friend, and writer.
I was reminded by the what she have written thanks for the friendship and inspiration. And that whats we really are perhaps were kindred spirit pareho kaming adventurist when its comes to forbidden love. ha-ha-ha That is why she keep on asking me to write whats on my mind. And contribute to her blog sabi ko leche plan maganda pa naman image ko minsan ipapasulat mo sa akin gusto mong batuhin ako ng mga madre sa mga pinagagawa ko.
What’s on my mind nga ba? Lahat naman tayo sexual na tao but the book give us insight on different relationship and experience that made us more human. So is this a book review nah I m just commenting, matapang kasi yung writer sa pagbukas ng isipan regarding sex kahit conservative siya there are things that makes her unique.
She’s an officemate of mine, five years ago one time after chatting she asked me to buy her book sabi nya Klitorika sabi ano ba naman eskandalosa in English Clitoris etech oo nga ka pekpekan yung kinuwento nya pero. Kapekpekan na may buhay may kuwento at hindi sinalbahe ang kuwento. Realidad katotohanan ng pagiging babae infairness woman studies ito sa Saint Scholastica’s College. Nakatulad ng lalake na may puson kami rin naman ganun din may puson may mga pangangailangan din na minsan lumalabas sa isang relasyon. Sabi ko winner kasi maraming babaeng hindi ma explain ang pagiging babae nya. What makes a woman woman nga ba? What makes her a woman is not only by bearing a child but also what is happening to her while waiting to have one. The different relationship that we encounter mold us to whom we’ve become.
At sana pag nabasa nyo kasi For Adults Only, Sana yung nakabasa eh magkabe-be na. Infairness magaling magkuwento yun friend ko ng antics nya. With regards to mine huwag na nyong pangarapin.
Hulyo 29, 2008
Memoirs of Klitorika - More Reaction, Reviews and Comments
For the first time in my life. I have finished a book from cover to cover in just one reading. This has not happened before. And on top of that, I am just an occasional book reader.
The closes thing that this happen is when I bought Bob Ong's book "Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino." I went only halfway with that book, and I am still not finished up to this day.
The only thing that I can say to the author of this book(Klitorika). Is that she is gutsy for publishing her experiences.I do not recommend this book to every body since it is clearly not intended for everybody's way of thinking. One might get offended and most would automatically condemned the author.
As for me, I am not sure yet. I just finished reading it as of this moment. I am still trying to digest all the information on my head.
-------------------------------------------------------------------------------
Si kabobong Donna din po ay gumawa na ng kanyang sariling review sa kanyang multiply matapos basahin ang libro.
Tapos ko ng basahin ang book sa halagang 85.00 may matutunan akosa book ni kabobong Klitorika :Dwag kayu ng nagbabasa ako nito natapilok ako :( yung book humagis pero hindi nadumihan ako naputikan! :Dsimulan natin ang pagbibigay ng violet(violent) reaction sa cover yung themes ng cover astig kaso lang yung papel manipis madaling malukot pero ayus lang sabi nga dont judge the book by its cover :D
Ng simulan kung basahin ang pasasalamat ayus din ibang tao ang gumawa ng Paunang salita hindi ko makakalimutan yung sinabi na "isang mamasa masa at malagkit na pagbabasa sa inyong lahat" he he Akala ko muslim si Klitorika hindi pala.
Kung tutuusin may aral ang book kahit na manipis lang siya.Basta bukas ang isipin ng bumabasa, at hindi paiiralin ang panghuhusga at kakitiran ng pag iisipbumilib ako kay Klitorika hindi sa style ng kanyang pagsusulat kung hindi sa tapang na ilantad niya ang kanyang mga karansan sa sex( siya nga pala romance at Category po ang Book Tumatalakay po sa karanasan ng isang babae sa larangan ng sex, mga problema na maari niyang ma encounter at mga bagay na simpleng solusyon sa usaping ito)
Bilib ako sa kanya dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanya sa huli sinabi niya na hindi siya nagsisi pahina 118" KAHIT PAANO ANG LAHAT NG MGA KARANASAN KO AY SARILI KONG DESISYON,NAG ENJOY AKO AT HINDI KO PINAGSISIHAN ANG LAHAT NGH IYON" naks maraming mga bagay na sinabi ang author sa huling aprte na ito na lubos akong nalinawan.gustong gusto ko yung linyang "ANG BUHAY AY NAGLALARO LAMANG SA PAGITAN NG KATOTOHANAN AT KASINUNGALINGAN, KALIGAYAN AT KALUNGKUTAN"
Dahil dito bibigyan ko siya ng 4 na stars5 stars sana yan kasonakakabitin yung ibag story bigla natatapos ganda pa naman ng eksena ooppsss :D
klitorika lagaot ka sa mga konserbatibong babae lagot ka sa gabriella :D
-------------------------------------------------------------------------------------
Kaya para malaman ang buong katotohanan kumuha na po kayo ng inyong sariling kopya. Thanks po!