Pebrero 13, 2015

Para Maiba Naman!

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit nagpalit nanaman ako ng title ng Blog. Hmmm, bukod sa medyo nawalan na ako ng panahong magsulat at magpost dito nitong mga nakalipas na taon...as in taon! Medyo naging busy ang lola nyo sa mga gawain sa labas, as in sa labas ng opisina. Ibig sabihin sa kalsada, sa biyahe, sa kung saan saan kaya medyo wala na talaga akong panahon minsan na umupo, mag muni-muni at higit sa lahat magsulat!

Ilang beses na rin akong nangako na ilalabas ang ikapat na libro ng KLITORIKA... at pasensya na po sa publisher ko hindi nanaman po natupad ang deadline ko ngayong February para sa susunod na libro. At dahil ngayon lang ulit ako nakapag update syempre maraming bago! bagong damit, bagong trabaho, bagong raket, bagong kaibigan at bagong papa ;-)

Pero higit sa lahat bago na ang tema ng blog na ito, dahil sa ngayon ibabahagi ko na sa inyo ang mga karanasan ko sa aking mga pakikipagsapalaran sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas. Sa biyahe, sa mga lugar na pinupuntahan ko at sa mga taong nakakasalamuha ko. Pangako po magpapatuloy ang blog na ito...at katulad ng dati nagpapangap pa rin po akong Diyosa na nagnanaknak sa ganda at hinahabol ng mga kalahi ni Adan! (charot) kaya may mga kwentong kilig pa rin naman kayong mababasa dito.

Maraming salamat po sa patuloy na suporta at pagsubaybay! At huwag po kayong magsasawa mga kaibigan.

Maligayang Araw ng mga Puso sa ating lahat!!!

Walang komento: