Agosto 19, 2008

Simala!








Hindi ko alam kung bakit Simala o baka naman Simala ang ibig sabihin sa Tagalog ay Himala? Siguro nga, pero hindi ko na pag aaksayahan pa ng panahong itanong sa mga Cebuano ang term na ito. Obviously yun ata ang ibig sabihin nun HIMALA o SIMALA isang lugar na dinadayo ng marami ngayon sa Cebu.

Ang lugar ay matatagpuan sa isang mataas na parte ng bayan ng Sibonga ilang bayan mula sa proper ng Cebu City. Siguro umabot kami ng mahigit na isang oras na biyahe papuntang Timog marating lamang ang nasabing lugar.

Napagkasunduan ng mga kaopisina ko ang mag-unwind nanaman matapos ang isang linggo trabaho para naman daw maiba naman. Tamang tama nailipat nanaman ang anibersayo ng kamatayan ni Ninoy. Ewan ko ba kung bakit ganun ang nakasanayan ngayon ng kasalukuyang pangulo ang ilipat ng ilipat ang mga anibersayo at holiday sa kalendaryo.

Naisip ko pwede kayang gawin yun sa mga birthday? Tipong wala pa akong pera ngayon kaya ililipat ko nalang next week ang birthday ko! Far out noh? Feeling ko tuloy lalo lang nawawala ang spirit o diwa ng bawat anibersayo at mahahalagang pangyayari sa history natin o sa buhay natin sa dahil sa ganitong mga pakulo ni PGMA. Pero ano pa nga ba ang magagawa natin, lahat naman talaga ay nagbabago at maari nating baguhin ayun sa naisin natin depende sa tawag ng panahon at pangangailangan.

Bago tayo lumayo at makarating kung saan, bumalik na muna na tayo sa sinasabi ko kanina. Ayun nga sa wakas narating din namin ang bayan ng Sibonga nagging mabilis naman ang biyahe namin dahil linggo at walang trapik dito sa Cebu.

Ang head namin sa operation ang nagsuggest na bisitahin namin ang lugar dahil napakaganda raw nito at talagang dinadayo ng marami lalo na ng mga turista. Ayon sa kanya, sa sobrang ganda at peacefull daw ng lugar parang iisipin mo na nasa langit ka. Maganda raw ang architecture ng simbahan na nasa tuktok ng bundok, marami din daw makikitang mga rebulto ng anghel sa paligid ng lugar. Maganda ang landscape, maraming mga ibat ibang bulaklak at may mga manmade falls at creek pa daw sa area. Sa kuwento palang ng kasama ko na excite na ako, lalo na ng sabihin niyang peaceful at maganda ang ambiance ng lugar lalo na dun sa mga gusto ng konting katahimikan sa buhay para makapag muni-muni.

Feel ko pa namang mag muni-muni nitong mga panahon na ito, dinagdag niya pa na ang lugar na daw na iyun ay mahimala kaya daw itong tinawag na simala at may mga aparation din daw ng mahal na birhen dun sa lugar na madalas ikuwento ng mga taga roon. Hindi ko alam kung nagbibiro ang kasama ko, dahil dinagdag niya pa na kahit si Pangulong Gloria daw ay napadayo na rin dun sa lugar. Yun nga lang simula daw na bumisita dun si PGMA nawala daw bigla ang solemnity at mystery ng lugar. He,he bakit kaya?

Ayos na sana, kaso nga totoo nga ata ang sabi ng kasama ko, dahil nung papaakyat na kami papunta dun sa area mas maraming sasakyan na kaming nakakasalubong at nakakasabay mga private vehicle, van at mga mini bus mukhang lahat nangaling mukhang papunta sa Simala.

Naku naman, naloka ako dahil pagdating namin dun sa area, daig pa ang fiesta! siksikan ang mga sasakyan sa parking pati sa labas ng compound. Ang dami rin tiangge at mga tindahan at vendor sa paligid nito. At ang tao well, sabi ko nga parang fiesta diba?

Naloka ako sa haba ng pila ng mga taong paakyat sa simbahan para magsimba at mamasyal na rin. Parang ano ito? Asan ang solemnity nito? Pero ok lang din sulit din naman dahil talagang maganda ang view. Ang ganda ng simbahan, magaganda ang malalaking rebulto ng mga anghel sa paligid nito. May giant mama mary pa, may wishing well or bell ba yun? At ang architecture ng simbahan talagang parang kastilyong nasa ibabaw ng bundok.

At para masulit picture dito at picture dun ang ginawa namin ng mga kasama ko. Hindi na ako nagtangkang magmuni muni dahil feeling ko kapag ipinikit ko ang mga mata ko madudukutan ako sa dami at siksikang mga tao. Halos mahigit kalahating oras lang ang inilagi namin ng mga kasama ko sa lugar at tumuloy na rin kami sa biyahe papuntang beach sa may argao na ilang minuto lang din ang layo mula sa sibonga.

Siguro mali lang ang tyempo namin ng mga kasama ko sa pagpunta dun sa lugar, mas maganda siguro kung pupunta kami dun ng weekdays yung tipong lahat ng tao ay busy sa kung anung gawain at wala pa sa isip nila ang magsimba o maging religious. O kaya sana pumunta kami dun nung mga panahong hindi pa nadadayo ni PGMA ang lugar mahimala nga ata si PGMA dahil simula ng madayo siya sa lugar nag iba ang ambiance nito.

Walang komento: