Agosto 31, 2008

CPDRC - dancing inmates




Prisoners or Entertainers? Yan ang malaking tanong na gumugulo sa isip ko ngayon matapos kong masaksihan sa kauna-unahang pagkakataon ang live performance ng sikat sa buong mundong Cebu-CPDRC inmates. Wala atang hindi na kakakilala sa kanila ngayon, lalong lalo na dun sa mga taong may acess sa internet at telebisyon.

Nung una kong mapanood sa youtube ang ilan sa kanilang mga sayaw at rehearsals bilang bahagi ng kanilang rehabilitation, talagang hindi ako makapaniwalang mga prisoners ang napapanood ko ng mga oras na yun. Sa uri ng disiplinang ipinapakita nila sa pagmartsa at pagsasayaw at sa choreograph ng kanilang mga galaw, talagang mapapa wow! ka sa galling ng kanilang execution. Sa totoo lang halos nasabi kong mas magaling sila sa mga pulis na nakikita kong nagfoformation tuwing umaga sa campo na nasa malapit lang sa opisina namin (he,he)


Kahit ako, aaminin ko hindi ko kakayaning ma-memorize lahat ang mga galaw sa dami ng mga sayaw na naperform nila. Lalo na kanina nang mapanood ko ang live performance nila bilang bahagi ng kanilang programang makalikom ng karagdagang pondo sa mga inmates. Sa ngayon kasi regular na silang nagpeperform tuwing huling araw ng sabado ng buwan.At lahat ng mga donasyon na natatangap nila ay magiging malaking bahagi ng kani-kanilang savings. Maloka kayo! Ngayon lang din ako nakarinig ng kulungan na kung saan ang bawat prisoner ay may sariling savings account! At imagine umabot sa mahigit limang milyon na ang pinagsamang pondo nilang lahat sa ngayon! (tama ba figure ko? Pero parang yun ang pagkakarinig ko kanina)


Ang galing ng programang ito! Sa pangunguna ng kasalukuyang Governor ng Cebu, si Gov. Gwen Garcia at sa tulong na rin ng taong nasa likod ng management ng CPDRC si Mr. Byron Garcia ang consultant for security ng buong probinsya (ang galling nyo sir! Promise!) Isang malaking success at siguro breakthrough sa paghahandle ng isang kulungan ang ginawa nilang ito.


Bago kasi ang performance ng mga inmates lahat ng guest ay inanyayahan munang manood ng documentary at brief presentation sa rehabilitation program na ina-apply ng Cebu Province para sa nasabing kulungan. Dun mo lahat makikita ang malaking pagbabago at effort na iginugol ng mga taong nasa likod nito upang marating nila ang kinalalagyan nila ngayon. Sa una aakalain mong napaka-impossible lalo na kung iisipin mong babaguhin mo ang isang lugar kung saan lahat ng itinuturing na masamang elemento ng lipunan ay naroon. Pero dahil sa firmness, determinasyon at disiplina nagawa nila ang isang bagay na masasabi mong impossible.


Sa totoo lang maluha-luha ako sa sobrang over whelmed ng mga nasaksihan ko kanina. Lalo na nang mapansin kong halos lahat ng mga inmates na sumasayaw ay nakangiti at talagang bigay todo sa mga performance nila. Hindi mo iisipin na ang taong sumasayaw sa harapan ko ngayon ay narito dahil sa kasong murder, or rape. Walang bahid ng lungkot o problema ang mga mukha nila, parang nandun sila para magperform at mag entertain sa kabila ng mainit na sikat ng araw, talagang makikita mo ang determinasyon nilang mapaganda lalo ang kani-kanilang mga performance.


Ang sayaw na thriller na nagpasikat sa kanila mas gumanda pa ngayon lalo, mas marami ang props, mas maraming add on na talaga namang magpapasaya sa lahat ng mga nanonood. Mas marami na rin silang mga numbers na ipinakita, at may portion pa kung saan ang piling mga inmates ay sumayaw ng ballroom. Napakagaling at napakanatural ng mga galaw nila. May ilan nga dun na talagang inisip kong mga dati sigurong member ng dance group, ang iba nga feeling ko rin malamang madiscover ng mga noon time show at gawing dancer ng programa nila. Ang sarap mangarap, na kapag nakalabas sila ng kulugan, pwede silang maging professional na entertainers or dancers.


Pero sa palagay ko, dahil sa breakthrough na ginawa ng Cebu Provincial Goverment sa CPDRC alam kong kahit papano nabago rin ang mga maling akala ng mga tao sa mga taong nasa kulungan. Parang ito ngayon ang bagong mukha ng mga kulungan at nakakulong, pwede rin palang maging friendly at masaya ang atmosphere sa loob nito.


Ngayon naipamukha nila sa marami na “oo nga’t mga criminal kami or mga prisoner, pero katulad nyo naghahangad din kami ng pagbabago, ng bagong pag-asa at pagtangap. Nandyan kayo, nandito kami eh ano naman ngayon? katulad nyo sumasayaw rin kami sa saliw ng mga luma at bagong musika, hindi ba’t wala tayong ipinagkaiba?”


I congratulate Gov. Gwen Garcia and Mr. Byron Garcia sa matagumpay na programang ito. Sana lahat ng kulungan sa Pilipinas maging kagaya ng CPDRC!

(ang mga larawan sa itaas ay kuha ng inyong lingkod)


Para sa mas malinaw na concepto na ginagamit ng programa ng CPDRC management panoorin ang video sa ibaba. Maraming salamat po.

4 (na) komento:

Randy P. Valiente ayon kay ...

sana makulong na lahat ng pilipino para magsayawan na lang tayo tuwing huling sabado ng buwan bwahahah

Unknown ayon kay ...

hehhehe korek at dapat sa Cebu ha!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sa mga kuha mo d2,ja. nagmistulang mga buddhist monks ang mga preso kasi ba naman sa mga orange uniforms nila. nyahaha! pero in fairness,magaganda mga kuha mo. ayos! :)

Unknown ayon kay ...

hehehe
thanks ate kuha ko yan sa cp ko inayos ko nlang sa photoshop para luminaw hehehe.