Anyways bago kayo ma-WINDANG din kagaya ko, sige na nga ikukuwento ko na kung bakit medyo sabit ang araw na ito. Kakaloka! Feeling ko nabawasan ng ilang hibla ang buhok ko falling hair ang drama at malamang bukas makakalbo ako!
Una, ito naka-usap ko lang naman ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ko, hindi ko alam kung may lahi syang bruhang mangkukulam, dahil nainis talaga ako sa kanya AS IN! Naku! Kung hindi lang kasalanang kumurot sa singit ng mga matatanda, malamang binigyan ko na ito ng mag-asawang kurot sa kulubot niyang singit.
Ang gulo kausap, pinagtatalunan namin ang rent ng apartment, pero in fairness ha kahit balibaliktarin pa ang lahat ng mga bagay at mga pangyayari sa eksenang ito lalabas talagang wala sa tamang hulog ang matanda. Hindi ko na ikukuwento kung bakit o ano, baka atakehin kayo sa puso. Pero, talagang na WINDANG ako sa kanya,
Pangalawa, bad news! As in bad news talaga! Wahhh ang taray gusto kong magtumbling, split at magback flip in one at umikot-ikot 360 degree sa ere ng paulit-ulit.
Waaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh…..hu,hu may natangap lang naman kasi akong email (hikbi) sa publisher ko (hikbi) na supposedly ngayon na ang labas ng book ko sa ilang bookstore (hikbi ulit) ang kaso wahhh naloka talaga ako as in na dis-approve daw yung sample na pinadala nila sa dalawang bookstore (huwhat?!) although hindi naman sila ang major na bookstore dito pero marami din silang branch sa pinas. Kaya naloka ako nang malaman ko yun, parang hello? Wait a minute kapeng mainit! For what reason? Anong dahilan?
Ang taray naman diba? Kontrobersyal ang drama ng lola nyo! Well, hindi ba kayo nagtataka kung bakit? Hmmmmm… teka ano ba naman kasi ang mga pinagsusulat ko dun sa libro na yun at may mga ganung reaksyon?
Boring kaya? Walang Moral Lesson na mapupulot ? Masyadong Mahalay? Masyadong Nakakaloka? Nakakabaliw? Nakaka-aliw? Well… its for you to find out! (he,he)
Pero,
Nakakahiya naman sa inyo mga kaibigan, kaaway, kapitbahay, at ka-blog kung hindi nyo man lamang masisilayan ang ganda ng lola nyo sa mga book shelves ng paborito nyong bookstore. Kaya't sana makalusot ang lola nyo para tuloy ang ligaya.
3 komento:
palagay ko maayos din yan,aba sa tingin ko dapat nilang tangapin nyan kasi in future baka magsisi sila at sa iba pa lumabas ang book,papatok yan tema ng book mo at istorya,marami makakarelate,sa pamagat palang nakaka-L na..nakaka LIBANG ha..salamas!este! salamat..
Sana nga po kuya, naloka nga kami ng publisher dahil dun pero aalamin pa daw nila ang reason kung bakit. Naisip ko tuloy baka naman madre o kaya pari ang gumagawa ng PO? hehe, huwag naman sana. Sa totoo lang, para sa akin wala namang masama o hindi maganda sa mga sinulat ko, buhay ko naman ang ikinuwento ko so ano problema nila diba? He,he
Kaloka, pero sana nga maayos nakakabitin tuloy hehehe.
ayan puro kasi KALIBUGAN...ahahahah
Mag-post ng isang Komento