Mayo 13, 2008

Ang Makulit na Ako

“Halika laro tayo!”

Madalas akong yayain ng mga kalaro ko noon sa Samar, dahil noong kabataan ko, bata in a sense na makikita mo pang tumutulo sipon ko, sabay pupunasan lang din ang mga ito ng mga kamay, ayos na!

Sa mahihirap kasi hindi uso ang pagdadala ng face towel na may kasamang Yaya with matching pulbos o mineral water.

Pwede ring ipamunas sa sipon ang laylayan ng t-shirt o palda, minsan naman ayos din ang damit ng kalaro mo na hinubad niya dahil sa pawis, tiis ka nalang sa amoy suka na pwede nang ipang-paksiw ng isda.

Marami sa amin ang halos lumaki nalang bigla sa kalsada, uuwi ng bahay kapag nakaramdam lang ng kalam ng sikmura minsan nga may dialogue pa ang tatay na ganito:

“O, sino ka? Bakit ka naligaw dito?”

Sasagutin ko naman “Tay, ako po ang anak nyo? Hindi nyo na ako matandaan?”

“Ay ganun ba? Ikaw ba panganay ko? Naku anak ang laki mo na pala hindi ko napansin, tara kain na tayo ng hapunan”

Syempre pagkakain ng hapunan, takbo ulit palabas ng bahay sa probinsya kasi mas masayang maglagi sa labas ng bahay dahil ang kalsada semento, hindi katulad ng bahay nyo na lupa ang sahig.

Mas masarap maglaro sa semento keysa sa putikan, nakakadiri naman yun diba? Unless mud wrestling ang type mong laruin. Pero syempre kung jack stone o Chinese garter mas masarap maglaro sa semento, para sa tuwing sasablay ang pagtalon mo mas malaki ang damage, mas magagasgas ang mga tuhod o braso mo, pero at least hindi naman madudumihan ng putik ang damit mo diba? Magmamantsa nga lang ang dugo dun galing sa mga sugat mo kaya pag-uwi galing nanaman sa walang humpay na laro ihanda ang sarili sa walis tingting na pamalo ng nanay.

Naalala ko pang halos hindi ko makilala ang sarili ko noong mga panahong iyun dahil sa larong Chinese garter! Ako ata si tanga na kakambal si lampa eh biglang isinubsob ang mukha sa semento!

Potah nalasahan ko ang mga buhangin at dun ko nalaman na hindi katulad ng inaakala kong matamis ito na parang asukal! ang buhangin pala ay matabang! Walang lasa pwe! Nang marealise kung nakahalik na pala ako sa semento, sabay takbo ako ng bahay na ngumangawa! Waaahhhhh!!!

Syempre pa, akala ko kakampihan ako ng nanay sa mga ganoong sitwasyon hindi pala! Sermon ang inabot ko!

Dahil hindi naman uso sa amin ang mga dialogue na:

“O, grounded ka for one week dahil sa katangahan mo, pasaway kang bata ka kaya yan ang napapala mo!”

Wala akong natanggap na mga ganung banta sa magulang ko, as in libre sa lakwatsa hangang sa magsawa ka ang drama namin noon. Pero dahil nga sa hindi ko na makilala sarili ko nang tiningnan ko sa salamin mukha ko, ako na mismo ang nagbigay ng parusa sa sarili ko.

“Ayan, dahil sa katangahan mo pinagbabawalan na kitang lumabas ng bahay simula ngayon!”

Bulong ko sa sarili, hindi dahil para parusahan ang sarili upang magtanda, kundi dahil lang ito sa kahihiyan!

Waahhh…. ano na lang ang sasabihin ng crush kong minsan kalaro ko sa taguan pong o goma kung makikita niyang ganito ang mukha ko?

Sa mga bata pa naman uso ang panunukso! Kapag nakita nilang ganito mukha ko mukhang nilagyan ng aspalto dahil sa gasgas na kulay itim dahil unti-unti nang gumagaling. Ano itatawag sa akin ng mga yun? Buti sana kung scarface mas sosyal pa at idol ko naman si Al Pacino kaya ayos lang. Eh paano kung Frankenstien?

Kaya ang ginawa ko nang makita kong unti-unti nang gumagaling ang sugat at nararamdaman ko nang para akong adik na nasa withdrawal stage nanginginig dahil sa kating-kati na mga paa ko sa laro at lakwatsa.

Naisipan ko na lang na lagyan ang sugat ko ng sangkatutak na pulbos para hindi halata! Ayan, mukhang ok na oopps dagdagan pa ng kaunti sa kabilang pisngi o, ayan pantay na.

Teka, halata pa ang sugat, isa pang layer ng pulbos ulit… hmmm pantayin sa kabila ayan. Paulit-ulit, hangang sa napagtanto ko nalang na daig ko pa ang nitso ng bagong libing na patay kahapon sa puti ng mukha ko.

Takbo sa banyo, este nasa labas pala banyo namin, takbo sa kusina hilamos. Nang maalis ang sampung layer ng pulbos sa mukha ko balik sa salamin.

Nang marealise na wala na talaga akong magagawa sa mga sugat ko sa mukha, at mas matimbang ang pangangati ng paa kaysa sa kahihiyan takbo agad sa labas ng bahay!

Buti nalang at civilize ang mga kalaro ko, kaya hindi na muna nila ako tinukso nang makita nila ang mga sugat ko sa mukha.

Syempre dahil nadala na ako sa paglalaro ng Chinese Garter, tingin tingin nalang muna ginawa ko, maya-maya eepal ako magkokoment, mang-aasar sa mga na-out, mamaya lang ako na pala ang titira ooppsss… teka lang ha, atras pa ng konti, buwelo takbo sa garter, talon!

Mamaya lang bigla akong tinawag ng kapatid ko, “ate sino daw gumalaw sa pulbos ni nanay?”

Lagot!


4 (na) komento:

Nanaybelen ayon kay ...

Padalaw ha. Alam mo pinagdaanan ko rin yan 'nong bata pa ako sa ilocos hehehe. masarap talaga maglaro sa lupa o putikan

Unknown ayon kay ...

hello ate salamat sa dalaw oo nga po nakakamiss din ang maging bata.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

grounded?

para sa aming mga laking kalsada sa tundo, alien ang salitang grounded. ang alam ko ginagamit lang yan ng mga mayayaman base sa mga napapanood kong mga teenage shows noong lumaki na ko.

sa amin hindi grounded kapag may naka-away sa labas o me ginawang hindi kaaya-aya sa mata ng mga magulang namin.

isang matinding kurot sa singit mula sa nanay ko o isang matalim na tingin mula sa tatay ko.

at kapag hindi kami nakuha sa kurot sa singit ni nanay at matalim na tingin ni tatay.

Ilang palo sa puwet pa ang kasunod :)

walang grounded grounded kasi hindi rin nila alam yung salitang yun..


ground galing sa naglipanang kawad ng kuryete alam pa nila lol!

salamat sa pagdalaw dalaw at pagkomento :)

Unknown ayon kay ...

Waaahh hehehe oo nga palo at kurot hhehee masakit naranasan ko rin yan paero once in a blue moon lang takot ata parents ko sa akin hehehe.