I am blogging against global warming!
Yes mga kapatid, bukod sa gusto kong makasali sa BLOG AWARD CHALLENGE at manalo ng badge na maipagmamalaki ko nanaman sa mga masugid na taga subaybay ng blog na ito, may isa pang plus! Kung bakit ko gagawin ang entry na ito.
Bakit nga ba? Pwes, Kailangan pa bang itanong yan? Siguro naman kung isa ka ring blogger na katulad ko gagawin mo rin ang pagkakataong ito. Kahit na sabihin pa nilang walang award na matatangap dito, at walang sinumang nagsimula ng pakulo na ganito aba’y siguro tama lang naman na gawin naman natin ang isang maliit na bagay na may malaking maidudulot para maisalba naman natin ang nag-iisa nating mundo.
Kung ang blog entry ko na ito ay makakatulong para lumawak ang kaalaman at awareness ng mga taong minsan na mapadalaw sa blog ko para sa problemang kinakaharap ng mundo natin sa ngayon… ang GLOBAL WARMING. Masasabing kong kahit papaano ay may naitulong naman ako para masolusyunan ang problemang ito.
Sa nasabing CHALLENGE may binigay na limampung paraan para mabawasan ang paglalala ng problema ng Global Warming sa ating mundo. At sa limampung binigay na pamamaraan may napili akong sampu na sa palagay ko “THE BEST” para sa akin. Hindi lang dahil mas madali itong gawin, sapagkat kahit na sinuman ay maari itong gawin upang kahit papaano ay makatulong naman ang lahat maging sa maliit na paraan para sa solusyon ng problemang ito.
Unang una PLANT MORE TRESS TO REDUCE CARBON DIOXIDE IN THE ATMOSPHERE. Sa tagalog MAGTANIM… mahirap bang magtanim? Hindi naman diba? So ano pang hinihintay natin sumali na tayo sa mga tree planting activities na pakulo ng mga NGO, ng mga kumpanya at kahit ng Barangay nyo, mas maganda kung ikaw mismo ang magpasimula ng mga ganitong gawain sa lugar nyo isama mo na rin ang mga kapitbahay at mga barkada mo para mas marami kayong maitanim. Kung problema nyo ang lugar na pagtatamnan aba’y nariyan ang center island ng mga kalye o yung mga maliliit na espasyo ng lupa sa inyong lugar, kung wala sa paso pwedeng pwede! Nakatulong ka na sa kalikasan nag-enjoy pa kayo dahil bonding moment nyo na rin ito ng mga kabarkada o kabarangay mo.
Pangalawa UNPLUGGED ALL ELECTRONICS FROM THE WALL WHEN THEY’RE NOT IN USE. Kung hindi mo naintindihan, bunutin mo raw ang mga saksakan ng mga appliances nyo kung wala rin naman gumagamit. Mas makakatipid ka na sa babayaran nyo sa kuryente, makakatulong ka pa para makatipid ng ilang watts din ng kuryente na nasasayang dahil sa mga naka-plugged na mga appliances na yan. Imagine kung maubos na lahat ng power o electricity source sa buong mundo? Kakayanin mo kaya?
Pangatlo, MAKE RECYCLING MANDATORY IN ALL PUBLIC FACILITIES, Sus! naman kailangan pa bang i-memorize yan? Magrecycle! Ilang beses na ba nating naririnig yan? Kung kasing tigas ng ulo natin ang bato maniniwala akong hindi mo naiintindihan ang kampanyang ito. Magrecycle po tayo siguro naman alam natin kung paano gawin ang ganito? Mas maganda rin para hindi na dumami ang mga plastic bags sa bahay natin na pinagbalutan ng mga pinamili natin magdala nalang tayo ng isang bag na malaki na paglalagyan ng mga items na pinamili sa halip na humingi pa tayo ng mga plastic bag sa groceries. At ang sabi nga nila ipunin ang lahat ng mga bote, lata at plastic na pwede pang ibenta kumita kana instant environmentalist ka pa!
Pang-anim, BLOCK BILLS THAT CAUSE MORE DAMAGE TO THE ENVIRONMENT, bukod sa pagsali sa mga kampanya laban sa Global Warming mas makakatulong din ng malaki upang masolusyunan ang problemang ito, kung makikiisa tayo sa pagpigil at pagtutol sa mga batas na magdudulot ng mas malaking pinsala sa kapaligiran katulad ng walang habas na pagbibigay permiso sa mga nagmimina etc.
Pangpito, USE LESS ELECTRICITY, READ BOOKS, RUN, BIKE, SURF, PLAY, In short turn off the TV and get a life!
Pangwalo, WAIT UNTIL YOU HAVE LOTS OF CLOTHES TO WASH BEFORE USING THE WASHING MACHINE. Sabi ng nila live by example, kaya naman ako bago maglaba halos umabot muna sa dalawang lingo ang labahin ko bago ko galawin at isalang sa washing machine! He,he bukod sa katamaran ayos din pala dahil nakakatulong ako sa pagtitipid ng tubig at kuryente. Imagine naman kung halos araw araw ka kung mag-laba. BIlangin mo kung ilang timba ng tubig ang nasayang mo sa pagbabanlaw ng ilang pirasong damit. Kaya para makatulong siguro mas maganda maglaba after a week diba?
Hayss, nakakapagod pala pero at least nagawa ko rin ang part ko para makatulong naman kahit papaano sa problemang ito. Diba ang dali lang naman ng mga paraan para masolusyunan ang GLOBAL WARMING! Kung magkakaisa tayo at gagawin natin ang mga maliliit na bagay na iyan sa itaas bilang solusyon sa problemang kinakaharap natin sa ngayon alam kong kahit papaano hindi tayo magiging guilty kung sakaling mamaalam tayo sa mundo masasabi natin sa ating mga sarili na ginawa natin ang ating responsibilidad bilang mamamayan ng mundo na proteksyunan ito.
"This is my entry to the Blog Awards Challenge No. 2: Blogging for Global Warming",
4 (na) komento:
Di na yata mapigilan ang global warming! I've lived in Philadelphia for 1000000 years now and I remember the 1st few years namen here, nakatikim ako nang blizzard and it was dangerous! As in sarado ang city for 3 days dahil gabundok ang snow and there was just nowhere to throw them. Ngayon??? Kahit kakarampot na snow, wala na. Mga ilang years nang ganito kami. Kahit sa bundok nang Pennsylvania konti na lang. Mas marami pa yong kinaskas na yelo sa Espana.
pag sinunog ba lahat ng sumisira sa kalikasan nakakalikha pa rin ba yun ng greenhouse gases? o kung mga di sumusunod sa kyoto protocol lang sunugin? ilang toneladang balyena kaya maililigtas?
mahal na Reyna- korek ka dyan hindi ko alam kung kkayanin ng powers natin ito! Pero anyways siguro nga lahat ng bagay may kapalit kaya ito tayo ngayon. Sana lang mabawasan ang paglala ng problema.
Kaya para kay Emmanuel- kung susunugin naman natin ang lahat ng sumusira sa kalikasan malamang wala na matirang tao hehe. At least maraming maliligtas na balyena kung sakali...hmmm huwag sunugi ilibing nalang siguro ng buhay? hehe
buti na lang may SM :) libre aircon ehehehe
Mag-post ng isang Komento