B-lb-l
Imposibleng mahalin o magustuhan mo ang isang p-k- kung galit ka sa b-lb-l. Maraming tao ang ayaw sa b-lb-l , kagaya ng una kong napangasawa, magulo daw ito at marumi ayun sa kanya. Kaya’t pinilit niyang ahitin ang p-k- ko. Nagmukha tuloy itong namamaga, pakiramdam ko nabilad ang p-k- ko at isa akong batang paslit ng mga oras na iyun. Pero ikinatuwa niya pa ito, at nang angkinin niya ako pakiramdam ko para akong nag-ahit ng balbas, masarap salatin at himas-himasin pero masakit na para bang kagat ng lamok na kinamot, mahapdi, masakit.
Pakiramdam ko napaso ako ng mga oras na iyun, namula ito at humapdi. Simula noon hindi na ako pumayag na ahitin muli ang p-k- ko. Hanggang sa magkaroon ng kabit ang asawa ko. At napagpasyahan naming sumangguni sa isang "marital therapy". Ayun sa kanya, kaya daw siya nagloko dahil hindi ko siya kayang paligayahin sa kama. At dahil daw hindi ako nag-aahit ng p-k- ko. Naramdaman kong nagulat ang kausap naming doctor sa sinabi niya, at naramdaman ko rin kung paano niya binalewala ang paliwanag ko, pakiramdam ko hindi niya ako naintidihan at para bang sinisisi niya pa ako sa nangyari sa aming mag-asawa. Tinanong niya ako kung bakit hindi ko raw kayang pagbigyan ang asawa ko.
Pinaliwanag ko sa kanyang nanliliit ako kapag nakikita kong wala ang buhok ko doon, nagpaliwanag ako na kahit anong lotion ang gamitin ko para maalis ang kati at pamumula hindi pa rin ito tumatalab at nahihirapan lamang ako. Sabi naman ng kausap ko, ang pagpapakasal daw ay isang malaking kompromiso at nararapat lamang na gawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng relasyon namin ng asawa ko. Tinanong ko ang counselor kung makakatulong ba sa relasyon naming mag-asawa kung mag-aahit ako ng buhok sa p-k- ko. Nagtanong na rin ako sa kanya kung may mga ganitong kaso na rin siyang nahawakan.
Sinagot niya ako na ang mga ganung klaseng tanong ay hindi makakatulong sa kaso naming mag-asawa. Wala akong nagawa kailangan kong sumunod para sa pamilya ko. Natuwa naman ang counselor at nagsabing magandang simula raw ito para sa amin ng asawa ko. Pagdating namin sa bahay, hindi na ako tumutol nang ahitin ng asawa ko ang p-k- ko. Para bang ang pagpunta namin sa therapist ay isang dahilan para alisan ako ng karapatang tumutol at magsalita.
Walang pakundangan ang ginawang pag-ahit ng asawa ko sa b-lb-l ko, hangang sa maramdaman kong nasugatan na pala ako, pero balewala sa asawa ko ang ilang patak ng dugo na tumulo mula sa mga sugat, patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang paglapastangan sa p-k- ko. Nang angkinin ako ng asawa ko ng gabing iyun naramdaman ko ang sakit ng pagkiskis ng ari niya sa namamaga at hubad kong kaangkinan. Walang proteksyon at pakiramdam ko nilapastangan ako ng gabing iyun pero wala akong nagawa.
Napagtanto kong may dahilan kung bakit may b-lb-l tayo, kung sa bulaklak ito ang magsisilbing dahon na nakapalibot dito, nagsisilbi naman itong bakuran para sa isang bahay. Kailangan matuto tayong tanggapin at mahalin ang mga buhok na ito o ang b-lb-l upang lubusan nating matanggap at mahalin ang mga p-k- at t-t- natin. Hindi maaring piliiin at gustuhin lang natin ang mga bagay o parte na gusto natin. Sa kabuuan ang b-lb-l ay parte ng kaangkinan ng isang babae. Nawa’y matanggap o magustuhan natin ito katulad ng kung gaano tayo nababaliw sa p-k- ng mga babae.
---------------------------------------------------------------------------------------------
HAIR
You cannot love a vagina unless you love hair. Many people do not love hair. My first and only husband hated hair. He said it was cluttered and dirty. He made me shave my vagina. It looked puffy and exposed and like a little girl. This excited him. When he made love to me my vagina felt the way a beard must feel. It felt good to rub it and painful. Like scratching a mosquito bite.
It felt like it was on fire. There were screaming red bumps. I refused to shave it again. Then my husband had an affair. When we went to marital therapy, he said he screwed around because I wouldn’t please him sexually. I wouldn’t shave my vagina. The therapist had a German accent and gasped (Gasp.) between sentences (Gasp.) to show her empathy. She asked me why I didn’t want to please my husband.
I told her I thought it was weird. I felt little when my hair was gone down there and I couldn’t help talking in a baby voice and the skin got irritated and even calamine lotion wouldn’t help it. She told me marriage was a compromise. I asked her if shaving my vagina would stop him from screwing around. I asked her if she had many cases like this before.
She said that questions diluted the process. I needed to jump in. She was sure it was a good beginning. This time, when we got home, he got to shave my vagina. It was like a therapy bonus prize. He clipped it a few times and there was a little blood in the bathtub. He didn’t even notice it ’cause he was so happy shaving me. Then, later, when my husband was pressing against me, I could feel his spiky sharpness sticking into me, my naked puffy vagina. There was no protection. There was no fluff.
I realized then that hair is there for a reason — it’s the leaf around the flower, the lawn around the house. You have to love hair in order to love the vagina. You can’t pick the parts you want. And besides, my husband never stopped screwing around.
excerpt from the Vagina Monologue By: Eve Ensler
(translated by Klitorika)
10 komento:
Wow! Hmmm..what can I say here? I like reading it...and I did enjoy reading with my love....here.
ahahaha! ikaw pala ang tagalog bersyon ng vagina monologue.
ito kasi ang prinsipol: "God made everything according to His will and purpose."
dahil meron ngang friction, kelangan ang buhok para hindi magasgas ng todo ang ating sensitibong balat. makikita ito sa mga sulok at nakatagong bahagi ng katawan, gaya ng kili-kili, pelvic area, pati sa tumbong.
nakakatulong din ang pagiging kulot bilang cushion o shock absorber.
kahit ang maliliit na buhok gaya ng kilay at pilik-mata ay may importanteng function na ginagampanan at hindi basta-basta dapat pagtripan na ahitin.
at gaya rin ng buhok mo sa ulo, pwede mo rin itong suklayin at ishampoo para dandruff free.
have a healthy hair. n_n
Wow very informative naman ang comment mo holy kamote! he,he pwede rin ba itong i-hot oil at pakulayan?
Napagtripan ko lang na itranslate ang tarush kasi masyado natuwa ako!
Sisksik sa impormasyon!
Salamat sa pagsasalin sa Wika natin.
Ipapabasa ko ulit ito sa mga kababaihan dito.Baka himatayin naman dahil mga konserbatibo.
galing ng pag-translate.. maganda ang mensahe ng monologue na yun; dapat mahalin at tanggapin ang kabuuan ng isang bagay.. complete package kumbaga, hindi pwedeng tingi-tingi..
voted for u @ salas
haha. natawa naman akop sa post na to. para sa kin, dapat i-maintain ang narural order of things, kahit na b--l--l pa yan.
Pag ayaw wag ipilit dahil dapat patas ang lahat at ang lahat ay dapat na may layang gawin ang nais niya.
Now pwedeng humiling ang sinoman, pero again pag ayaw di dapat ipilit pa. Tanggapin kung kaya kung hindi naman eh di bahala ka na.
Siguro naman ay pwedeng subukang magkasalubong sa gitna, huwag tanggalin ang buhok sa kasarian ng kababaihan subalit ayusin naman, medyo putulan ng konti para di mag mukhang gubat.
Ang mga halaman ay lalong gumaganda sa paningin kung naaayusan at napopormahan ang mga dahon nito di bah. Ibat ibang hugis na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na kagandahan. Di inaalis ang dahon, kinokortihan na lang ito at ng ito ay magmukhang maayos at maganda sa tanawin.
Pwede rin marahil itong gawin sa mga buhok na nakapaligid sa kasarian ng lalaki man o babae.
Mas magmumukang malinis ito kung aayusan ng kahit na kaunti.
Naisip ko tuloy, ano kaya at magtayo ang nag negosyo na Exotic Trimmer shop. Ibat ibang hubog at itsura ng trim para sa buhok ng napakahalagang parte ng katawan ng isang nilalang. Kung ang buhok sa ulo ay pinag gagastusan para ayusan, its about time na bigyan ng attention at gastusan din ang parte ng katawan na napakahalaga pero madalas na nababaliwala at nababastos pa ika nga ng sumulat ng vagina monologue.
Hummm, ano nga kaya, NOH?! :-))
sige at ako ang una mong customer!
ok napadaan ako dito ulit.
may punto ang blog na ito. pero ito ang masasabi ko, may kanya-kanya kasi'ng nais ang mga tao pag dating sa sekswalidad, sa usaping kama.
sa kaso namin ng asawa ko, nasanay na siya na mag-ahit ng buhok sa bandang ibaba dahil dati syang nagkasyota ng muslim, ang mga nasa ganuong relihiyon kasi ay ayaw ng mabuhok na ari, ke babae o lalaki. ako naman mas nais ko na malinis ang aking ari, wala lang, kakaiba lang sa pagsalat, masarap sa totoo lang. sa aming pagsasama, hindi na malaking isyu kung may kaunting buhok duon, ang mahalaga sa amin ay masaya kami sa aming ginagawa sa kama, may buhok man duon o kaka-ahit lang. naiisip ko tuloy magpawax sa susunod. haha!
Mag-post ng isang Komento