Pebrero 26, 2008

Tamang Advice?

Sinasabi ko na huwag kayong magtatanong ng advice sa akin kung ayaw nyong mapariwara ang buhay niyo. Kaso lang may mga tao talagang sadyang makulit, hindi ko alam kung bakit lapitin ako ng mga taong may mga problema sa buhay pag-ibig nila.

Hindi na siguro dapat ipagtaka pa yun kasi sa dami ba naman ng kaibigan ko hindi talaga maiwasang may iilan na lalapit para magtanong ng adive ko kuno. Hmmm syempre bilang isang mabuting kaibigan hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan ang mga taong kagaya nila na nangangailangan ng matinding tulong.

Kaya ito sige na nga guilty as charge kasalanan ko na kung bakit gumugulo ang dating payapa at tahimik na mundo ng mga kaibigan ko. May tumawag sa telepono isang bagong kaibigan na nakilala ko dito sa Cebu, ito ang usapan namin:



Friend 1 – Hoy musta?

Klit – Ito ok lang, napatawag ka?

Friend 1 – May itatanong sana ako sayo kasi medyo nalilito na talaga ako eh.

Klit – Sus, huwag mailto sige go ano ang mahiwaga mong katanungan?

Friend 1 – Tulungan mo nga ako, hindi kasi ako makapag decide eh, kasi ngayon may dini-date akong guy type ko siya pero so far wala pa namang nangyayari sa amin hangang date lang. Tapos ang problema, may nakilala ulit akong isang guy pa! mas type ko naman siya kasi sobrang cutie talaga, ang problema nandito lang siya para magbakasyon… meaning hindi siya magtatagal dito.

Klit – Wait lang ha, bago ka mag-inarte at malito ang bagong na mit mo ba na ito eh type ka naman niya in the first place? Baka naman nag-iinarte ka tapos hindi ka naman pala type nun.

Friend 1 – Gaga, type niya ako mega txt nga ng mga sweet nothings sa akin eh, at love niya na daw ako kahit twice palang kami nagdate!

Klit – Taray haba ng hair mo ha, eh so ang problema mo sino ang pipiliin mo dun sa dalawa. Si cutie na taga malayong galaxy o itong isang fafa na taga earth lang?

Friend 1 – Korak! Natumbok mo ate! Help me naman oh, pero as in pareho ko silang gusto pwede kaya dalawa? Hehe

Klit – Oo naman! Well ganito ang advice ko sayo ate makinig ka, total si cutie mo na from other galaxy eh pansamantala lang naman dito, go ka na enjoy the moment habang nandyan pa, simutin mo na agad ang bango at kabataan niya, para at least umalis man siya solve ka na. Tapos si fafa na isang earthling standby mo muna na, huwag ibasura at huwag magpahalatang may sideline ka, pa as if kang faithful ka pa rin sa kanya at huwag pahuhuli okies.

Friend 1– Ay kaloka! Hindi ata kaya ng powers ko yan! Dalagang Filipina ako at ayoko masunog sa impyerno.

Klit – Ay ang arte naman! Huwag mo na muna isipin ang impyerno malay mo wala pala nun at hindi totoo eh sayang ang chance na mag-enjoy ka dito sa lupa! Go na kung masaya ka dyan ate, ngayon lang ang chance na yan.

Friend 1 – Sure ka? As in pwede ba yun?

Klit – Oo naman, diyos ko ano bang manyayari sa long distance relationship nyo? Kung ok lang naman sa kanya na kayo pa rin kahit wala na siya dito eh di go, syempre alangan namang magmukmok ka habang wala siya eh nandyan pa naman ang isang naghihintay lang din sayo diba?

Friend 1- Sige na nga….

Klit - Pa as if ka talaga eh sa mga katulad niyo dapat naman ganyan talaga habang may ganda pa go, mahirap na kasing makaakit kapag medyo tumanda na kayo unless gusto mo magbayad hahahah.

Friend 1 – Oo na potah! Kailangan pa bang ipamukha na BAKLA ako? Kainis ka!

Yes mga kaibigan isang Bakla po ang kausap ko nang mga panahong yan, huwag masyadong malito pero sa palagay ko tama naman ata ako diba? Sa palagay nyo?

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tama ka.. go na siya dun sa dalawang yun! minsan lang ang mga ganyang pagkakakataon..

William Buenafe ayon kay ...

Walandyo, Walastik, Bistek

Ang angas ng payo, sabi ko pa naman sa sarili ko.

Rosas na magpapasimsim ng kabanguhan sa dalawang bubuyog.

Eh di pala Rosas at bubuyog kung
hindi bubuyog ding makikipag espadahan sa isang kapwa bubuyog
pala ang kwento.

Hahaha Nakakaaliw na Nakakabaliw
ka talaga Ate, :-)