Pebrero 7, 2008

Libog

Naku masyado talagang ma-L (libog daw) ang nagbigay ng akdang ito! Nakakatakot baka mamaya eh biglang magpadala sa akin ng NOTICE ang blogger.com na isasara na ang blog ko dahil sa mga kahalayan ng mga taong katulad nitong si Ms. Xs! Sino ba ito at masyadong matapang? Anyways wala naman masama sa salitang LIbog lalo na't dito sa Cebu ang ibig sabihin ng LIBOG ay NALILITO/NAGUGULUHAN, kaya dito madalas kang makarinig sa mga nag-uusap "Ano ba nalilibugan na ako sayo ha!" O, diba? kung taga Manila ka at first time mo makarating ng Cebu sasabihin mo "Naku ang Lilibog naman ng mga tao dito" Pero bago kayo MALIBUGAN este MAGULUHAN sa akin ayan simulan na ang pagbabasa. Medyo bitin pero sinadya ni Ms. Xs na isulat ng ganyan yan. (teka hindi ko malaman kung alien ito o robot dahil sa pangalan)anyways sige BASA KA NA?! este BASA!

-------------------------------------------------------------------------------------
"Libog lang yan." "Iligo mo mawawala rin yan!" Pangkaraniwan itong sinasabi
ng mga taong kunwari ayaw pang pumatol sa mga nag-iinit na katawan, imbes na "ikantot" ang isagot iligo ang dinadahilan. Pero ano nga ba ang libog? Ayon
kay Freud, ito ay nakatago sa Id. Ang Id ay bahagi ng utak na kumakanlong sa
libog. Kapag umandar umano ang libog kailangan nitong matugunan. Kaya naman kapag ikaw ay tag-libog: tumitigas ang iyong “etits”, nababasa ang iyong “peps”, may bastos na nanagi ng suso sa dyip, may naninilip, may nadadarang, may nagbabate, may nagpaparaos kung saan.

Pero syempre hindi lang yan ang ibig sabihin ng libog, may libog na may kasamang "pagmamahal" at "kataksilan" mayroon din namang tamang libog lang... Sa mga pari at madre na bawal ang makipag-sex, nadadaaan daw sa dasal ang libog. Pwedeng totoo sa ilan pero hindi sa karamihan, kaya naman maraming Pari na may asawa Ilang pari na rin ang kinasuhan ng child molestation at sexual harassment dahil sa libog. Maraming ding lumalabas na mga madre para mag-asawa. May kakilala nga akong pari at madre na lumabas at nagkasundong magpakasal para matugunan ang kanilang libog. Pero hindi ko pa na patunayan na epektibo nga ang pagdadasal para malabanan ito, hindi ko pa rin naman nasubukan na kontrahin ang ganitong damdamin, sabi nga nila mahirap pigilan ito kaya nararapat na mairaos sa anumang paraan.

Naalala ko tuloy ang isang gay friend, naikuwento niya sa akin na habang nakasakay sa bus, may tumabi sa kanyang cutie! Hindi niya alam kung paano nagsimula, at bakit eh bigla niya nalang naramdaman na feel nya nang reypin sa loob ng bus yung katabi niya! Pero dahil nakabarong siya at papasok pa siya sa opisina, hindi nya gimawa dahil wala siyang balak dumaan muna sa pulisya para maipa-blotter ang sarili o mag-overnyt muna sa kulungan. Kaya ang ginawa niya pagkakita na pagkakita ng CR biglang pinara ang bus bumaba sabay takbo sa CR hindi malaman ng mga taong nakakita kung natatae o naiihi siya… pero alam nyo na kung ano ginawa niya sa loob.

Hindi rin maihihiwalay ang libog sa sex dahil ang sex ay nagsisimula sa libog, mahirap makipagtalik ng walang libog kaya nga mahalaga ang foreplay. At sa mga mag-asawa eh dapat kalibog-libog sila sa isat-isa imagine kung anong klaseng pagtatalik mayroon ang mag-asawang wala nang libog sa isat-isa? Pero alam kung marami na talagang mag-asawa sa ngayon ang unti-unti nang nawawalan ng gana o libog sa mga partner nila.

Marami pa akong sasabihin tungkol sa libog at kalibugan abangan…kung may libog kang magtanong sige itanong mo lang?


Sinulat ni: "Miss Xs"

7 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

anu ba yang libog-libog na yan? paki-explain pa.. hehe! mapagpanggap ata ako???!! nyahahaha!

Randy P. Valiente ayon kay ...

hehehe...pag nagawa na yung book mo, ako ang gagawa ng introduction ha heheheheh. alay sa mga malilibog

Unknown ayon kay ...

Sige hehehe, seryoso gawan mo nga ako ng introduction at medyo hindi ata kaya ng powers ko ang magsulat ng 24,000.00 word manuscript ilang page ba yun???

Randy P. Valiente ayon kay ...

siguro mga 120. kaya mo yan. simulan mo na. ikaw pa, mauubusan ka ba naman ng kalibugan bwahahahaah

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

anu ba yang libog na yan...ahehehehe...kakatuwa naman topic dito puro kalibugan...pero paanu ba malalaman na malibog ang isang tao...??ako??
malibog ba ako...?? o nauudyukan lang...??
sinadya ko ba...?? o sadyang in born lang...?? ahehehe...dami ko tanong noh...?? kasi until now...
nasa s0ul searching stage pa rin ako...although nalaman ko na agnostic ako...nung l.u days ko pa...pero hanggang ngayon dami ko pa rin tanong sa sarili ko...
hindi ko masagot...ahehehe

Randy P. Valiente ayon kay ...

malibog ka rin,ano ka ba? nagtaka pa pa, bwahahahahah....char!

William Buenafe ayon kay ...

Libog na libog na ako sa inyong lahat (may dugong bisaya ako, OK):0

hahahahahahahahha

pero wag nating guluhin, ang pagiging lustful ng tao is simply lust, wag nating haluan pa ng ibang issue.

kung gusto mong maging malibog, then just be malibog. Hahahahahaha

enjoy life in uncomplicated state
william