Pebrero 13, 2008

KuLaNg (bakit? ewan!)

kahapon pa lang makikita mo na ang sangkatutak na rosas na pula at ibat-ibang klase ng mga bulaklak na nakahandusay sa gilid ng kalsada. Pasyalan mo ang Dangwa,Blumentritt, Manila (papuntang north cemetery ba iyon? nakalimutan ko na...tagal ko na ring hindi nakakadalaw sa Maynila)sa Carbon Market, Cebu City naman ganun din ang eksena maging sa Rizal Avenue, Davao City...ewan ko lang sa Paris, France kung anong raket doon kapag Valentines Day.

naging record holder nga pala ang 'pinas nang magtala ito ng 5,300 noong 2005 sa dami ng mga ngusong at labi na nagdikit sa isang bansa sa parehong oras at sa parehong mga lugar na pakulo ng isang sikat na brand ng Colgate, este, toothpaste sa tinagurian nilang lovapalooza sa category ng Guiness Book of World Records. kahapon nangyari ulit ang halikan na iyon sa ibat-ibang sentro-panlungsod sa bansa.

teka, ngayong valentines day ano kaya ang kakaibang pwedeng gawin?

alam nyo kung convenor lang ako ng isang malawakang demonstrasyong katulad ng mangyayari bukas (Biyernes ika-15 ng Pebrero) ng mga gustong magresign o mapatalsik and kasalukuyang administrasyon sa Malacanang na gaganapin sa Makati Business District... naku... etoh ang mga suggestions ko;

))))))))))((((((((((
(((((((((())))))))))

}}}}}}}}}}{{{{{{{{{{
{{{{{{{{{{}}}}}}}}}}

]]]]]]]]]][[[[[[[[[[
[[[[[[[[[[]]]]]]]]]]

>>>>>>>>>><<<<<<<<<<
<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>





bitin?




kulang?




bakit?




ewan...


HAPPY VALENTINES DAY!!!
(bakit isang araw lang?)








contributed by: walking contradiction

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hanep sa article ha, parang bob ong. pero seryoso may punto ka walking contradiction marami tayong ipinagdiriwang na kung iisipin ay gastos lang at parang nababalewala ang tunay na diwa ng mga okasyon na ito naturingnang araw ng mga puso, araw ng pagmamahalan subalit heto ang mga lider ng ating bansa nag aaway-away.
daan-daang giyera-sibil (civil war) ang nagaganap ngayon sa buong daigdig.
nandyaan ang sa Afghanistan, Iraq, Nigeria, Zaire at ang walang katapusang giyera ng mga bansang Palestine - Israel
mga negosyante lang ang kumikita sa tuwing may mga okasyon. hindi kaya gawa gawa lang nila ang mga ito upang lalong magkamal sila ng salapi na bunga ng mga seasonal products na ito.
sa halip na gumastos at gawing marangya ang mga okasyong tulad ng Pasko, Bagong Taon, Valentines Day, Mahal na Araw etc. gawing simple at makabuluhan ang mga ito sa pamamagitan ng matahimik na obserbasyon sa diwa at selebrasyon