Enero 25, 2008

Proud to be SINGLE..SINGLE MOM!

Buwan ng Marso taong 2006, nalaman kong 2 mos na pala akong buntis (may matris pala ako, sa isip ko pa). Halo Halong emosyon ang nararamdaman ko, masaya, excitement, kaba at takot. Masaya dahil siguradong magiging maganda anak ko hehe (dahil siya ay half Filipina and half kiwi - taga NZ ang ama), excited dahil magiging isang ina na ako unexpectedly, kaba at takot dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba ang isang responsibilidad, hindi lang panandalian kung hindi habang buhay. Kaba at takot dahil mag isa ko lamang bubuhayin ang nag iisa kong anak. Oo tama mga kaibigan, isang single parent ako at kung anong dahilan bakit kami nagkahiwalay ng ama ng anak ko eh mahabang kwentuhan ito at baka abutin pa tayo ng 48 yrs. Isa lang ang masasabi ko, ang kwentong iyon ay isang makulay at kahit papano eh masayang yugto ng buhay ko. Sabihin na rin nating isa akong ma-pride na tao at impulsive din, siguro ay dahil ayokong may masabi ang ibang tao o may masabi ang ama ng anak ko na habol ko ang kanyang anda (talagang ma pride diba?), eh ano naman kung single mom ako?. Sabi ko nga sa sarili ko, na kaya ko itong paninidigan , just shot the best shot.

Pero ang buhay ay hindi din pala talaga ganon ka-simple. Kahit na ako ay buntis ay kailangang mag trabaho dahil wala naman akong aasahan na iba. Wala akong choice, gusto kong nasa maayos ang panganganak ko. Oct 10, 2006 lumabas ang isang munting anghel mula sa aking tiyan, yes sa tiyan talaga dahil ako ay ceasarian. Naiyak ako. Ganon pala talaga ang feeling, hindi maipaliwanag lalo ng mayakap ko ang anak ko. Nung mga time na yun, hindi ko din maiwasan ang isipin ang ama ng anak ko, kung andun lang siya ng mga time na yun, alam ko masaya siya dahil unang anak nya. Pero sabi ko nga hindi dapat panghinayang ang mga taong tulad nya, dumating man siya o hindi wala naman akong pakialam.

Pero siyempre, hindi dumating, asa pa ako diba? Halos lahat ng mga kasama ko sa room eh tuwang tuwa dahil napakaganda, napakaputi at sobrang tangos ng ilong ng anak ko (ehem, mana ata sa akin hehe). At dahil doon, hindi maiwasan ng mga tsimosang palaka na magtanong kung san ko pinag lihi at kung maputi ba ang tatay or foreigner ba? Sabi ko na lang oo at nag tratrabaho sa ibang bansa. Pag labas ko sa hospital siyempre kailangang fill out ko ang birth certifcate. Walang ka abog abog na isinunod ko siya sa pangalan ko. Nagtaka ang nanay ko at gusto nyang isunod ko sa pangalan ng ama. Kelangan pa ba?? Sa isip isip ko, eh wala nga siyang *@yag para magpakita sa akin tapos isusunod ko pa sa pangalan nya?

Habang lumilipas ang mga araw at sa pag laki ng anak ko, unti unti ko nang naramadaman at maranasan ang pagiging single parent. Kelangan mag puyat, matimpla ng gatas, mag palit ng diapers, minu-minuto dapat tingnan ang likod dahil baka basa sa pawis at magkasakit, konting ubo at sipon ay nag aalala na ako, dadalhin agad sa pedia para pa check up. Ang iniisip ko ay ang kumita ng pera dahil para sa anak, pambili ng gatas at kung ano pa ang pangangailangan. Mahirap pero masaya lalo na ng marinig ko ang unang salita na nabigkas nya ang MAMA.

Hindi na katulad ng dati, nung wala pa akong anak, lahat ay mabibili ko, bibilhin ko para sa sarili ko, pero ngayon, tipid tipiran, budgeted ang pera at instead na ibibili ko para sa sarili ay bibili ko na lang para sa anak ko. Marami ang nagsasabi mahirap ang single mom, marami ang kontra at humuhusga, katulad na lang ganitong mga katanungan:

- Pano na ako makakakita ng boyfriend o makakapag asawa pa dahil may anak na ako, siyempre package na ang mangyayari at dapat matangap ang anak ko, nasan ako dapat kasama anak ko?

Sagot ko: haler! kelangan ba talaga nating mga babae ng lalaki?? tayong mga babae kaya nating mabuhay kahit walang sex kasi may dildo naman diba?? Kung single mom ako eh di hahanap ako ng single dad hehe..ayos ba?

- Hindi na daw ako pwedeng lumabas labas o umuwi ng late dahil may anak na ako.

Sagot ko: Bakit hindi? Umuuwi nga ako minsan late kasama anak ko, nakikijamming din hehe

Isa rin kayang ganda points ang magkaron ng anak at maging isang single mom. Una, kapag nalaman nilang single mom ka, they'll admire you, yung tipong ikaw against the world ang drama tapos hero ka pa. Pangalawa, supportive ang mga tao sayo, pangatlo, ang pera mo ay para lang sa yo at anak mo, hindi mo na kailangang mag isip ng ibang tao o asawa dahil kapag may asawa ka obligado ka din mag share sa kanya, pang-apat, kung may asawa ka nga wala naman silbi, may bisyo or may trabaho nga mahilig naman sa babae, o diba doble sakit ng ulo mo, kung single parent ka, ang anak mo lang ang sakit sa ulo hehe at pang-lima, makikinig ang anak mo sayo hindi katulad ng may asawa na madalas ang pagtatalo at pang-anim, kapag maganda ang anak mo pwede mong pag artistahin (gaya ng anak ko hehe).

Siyempre may bawas points din, una, hindi ganon kadaling humanap ng ka partner ulit, pangalawa, takot manligaw ang mga binata dahil takot buhayin pati ang anak nating mga single mom, pangatlo, wla kang katulong financial para sa pagpapalaki ng anak, pang-apat, hahanap hanapin din ng anak ang pagmamahal ng isang ama at panglima, eto ang hindi kaaya aya, ang mga mapanghusgang tao. Yun nga din ang tanong ko sa sarili ko, bakit kaya may mga emoterang palaka sa mundo na kung makapang husga sa mga single mom eh kala mo sila ay perpektong tao? Gaya na din sa sitwasyon ko, minsang napunta kami ng anak ko sa mall at ng ate ko, hindi maiwasan na mapansin ang anak ko dahil nga sa maputi at halatang half ang blood nya. Mantakin mo ba namang sabi sa anak ko na super cute at sabay tanong ng "asan mother nya?" Haler! emoterang palaka talaga, wla ba kaming resemblance ng anak ko?? Pero deep inside im proud and happy kahit na nasaktan ang pagkatao ko (naks drama to the bone).

Pero anuman ang mangyari, ang mga single mom ay kahanga hanga, hindi dahil im one of them, kung hindi 101% ang ibinibigay na love at efforts para lang magkaron ng magandang kinabukasan ang anak. Isa lang talaga masasabi ko - Single mom rocks!!!


Contributed by: athena

4 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Ang taray mo bakla! hahahaha dont wori ihahanap kita ng single Dad na maligaw dito sa blog ko. Malay mo mabsa ng p_t_nginang ama ng anak mo ang post at bigla siyang magkaroon ng B-y-g na akuin ang responsibilidad niya sa inyo. Hmmm makakarma din sya yun na lang!
Be strong palagi!Love you bkla!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hehe bakla korek, wish ko lang, hanapan mo ako ng may b_y_g ha hahaha

Randy P. Valiente ayon kay ...

Wanted May Bayag!

babastos nyo talaga

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha kaw randy ha kung ano ano nasa isip mo..baka gusto mo din akong hanapan ng may b_y_g?? hehe