Habang nasa NLRC, binabasa ko naman ang isang nobela na bigay sa akin ng writer mismo ng libro na si Randy Valiente, kung mahilig kayo sa komiks alam kong kilala nyo siya bukod sa madalas nyo siguro siyang makasalubong sa Luneta pagala-gala, nagsusulat din po sya ng mga nobela at kuwentong prosa. Dahil nandito sya sa Cebu para magcrash sa pamamahay ko dahil sa sinulog, binigyan niya ako ng kopya ng libro niyang PIGILAN NATIN ANG GABI, ang kuwetong ito ay nanalo bilang honorable mention na iginawad ng AIDS Society of the Philippines at Ford Foundation.
Kaya ng matapos kong basahin ang libro at matapos ang hearing na pinuntahan ko, dagli akong nagpasyang magpunta sa isang
Unang tanong, ang bata mo pa ilang taon ka na ba?
Beinte Otso na po ako dok, at may dalawang anak.
Ganun ba? Nagpipills ka ba iha? Nagsimula nang maglintanya si Dok tungkol sa pagamit ng pills at magandang epekto nito. Etc…etc… masyadong mahaba, maging ang kanyang pamangkin daw na dalaga ay pinagpipills niya. At halos lahat ng kanyang mga anak na babae ay nagpipills din daw etc. etc.
Pumasok ang assistant, tuloy pa rin si dok sa litanya tungkol sa pills. Pinapasok ako ng assistant sa CR at ang utos hubarin ko raw lahat ng saplot ko sa katawan!
Huh? Ganun? Sige sanay naman po ako sa hubaran, akala ko maghuhubad lang talaga ako, may pinasuot naming dress na open ang buong harapan. Tapos pinahiga ako sa isang bed, ito yung bed na ginagamit din ng mga manganganak. As in bubukaka ka at isasampa mo ang dalawang paa sa magkabilang dulo ng higaan. So ang lahat ng mga pinakatago-tago mo ay para mong ibibilad sa kanila, wala naman akong kiyeme, syempre dalawa na anak ko aarte pa ba ako?
Lumapit si Dok, tiningnan ang magkabilang dibdib ko hinimas himas, pinisil-pisil ayos naman mukhang walang diprensya (bukod sa hindi kalakihan) Habang patuloy pa rin sa litanya ng pagamit ng pills (Oo na dok, mamya lang paglabas ko dito iinom na agad ako!)
Lipat naman si Dok sa bandang harapan ko… dun sa alam nyo na. May pinasok na hindi ko maintindihang bagay parang clamp ata kung saan iaadjust nito ang buka ng ano mo (alam nyo na) kakaloka hirap naman ng ganito! Tapos may kung anong hinigop sa loob ng ano (ganun daw talaga ang papsmear, kukuha ang doctor ng mga sample tissue sa loob ng ano mo at idadaan ito sa mga laboratory test para malaman kung anong bacteria o nilalang mayroon sa loob ng ano na maaring maging sanhi ng sakit). Tapos sinuri ulit ang loob labas, gilid at maging ang kasulok-sulukang bahagi ng singit ko. Ok naman daw….buti nalang, nakahinga ako ng maluwag.
Sa wakas natapos din! Pinagbihis naman agad ako, pagbalik ko sa lamesa ni dok nakahanda na ang
4 (na) komento:
Yeah,maganda talaga ang pills at highly-recommended ng doctors and midwives. Effective naman kasi talaga against conception.
I had been into pills for 6 years, I just stopped 2 years ago when my mom died. Di kasi talaga siya recommended for those women with history of cancer within the family.
I don't say that it causes cancer, but there are studies that say contraceptive pills triggers growth of cancer cells, if you already have some.Not also good for those with heart problems.
Condom?
Mas masarap yung wala eh.
Kaya BBT (Basal Body temperature), Mucus and Rythmic Method ang preferred ko. Not to be used singly as basis. Di kasi reliable kung isang method lang.
Well, it works for me.
Kaya nga saludo ako sa mga
kababaihan. :-)
Misconception na ang lalaki ang
Tigas dahil sa totoo lang eh ang
kababaihan ang talagang Tigas.
Eh just look the many things that
women have to undergo like giving birth and monthly visit plus
this checkups Wow ang dami nyong
dapat asikasuhin. So talagang
iba kayo, Tigas.
Heard ko rin na parang kino correlate nga ang taking pills with
eventually ending up with cancer
sa ovary so its best na you check
with another doctor and third for
more opinions on this.
Sa aming mga lalake ok lang, basta
alam na safe ang girls eh sabak na ng sabak sariling sarap lang ang iniintindi sobrang makasarili, hehehe)
Not realizing the great efforts and
gamble that women sometimes takes.
Salamat sa mga kababaihan at may sarap ang daigdig naming mga kalalakihan.
Mabuhay kayo !!!
Wag lang kayong mangungulit eh ayos na ayos kayo (hahaha humirit
sa bandang huli, :-) )
haha, pasaway talaga tong si william kahit kelan. Pero korak ka dyan!
She, Oo nga eh mas masarap ang wala, pero about pills sige il ask other professional opinion. Tamad din akong pills kasi makakalimutin ako.
Malilimutin ka pala eh!
Eh di wala na lang, wag ka
na lang gumamit kahit ano,
masarap pa, ikaw ang may sabi
ha - Nyahahahahahaha :-)
Mag-post ng isang Komento