Katatapos ko lang ibahagi ang kwento ng pagiging isang single mom..at tila ata umaayon ang tadhana sa akin sa naganap na pagtatagpo..
Kasama ang anak at ate ko, maaga kaming pumunta sa mall. Dumiretso muna kami sa childrens section. Siyempre tuwang tuwa ang anak ko na makakita ng mga makukulay at cute na mga damit. Habol dito habol doon kami sa kanya. Naglalakad na kasi at sobrang kulit. Sa paghahabol namin sa kanya, hindi sinasadya na may nabungo kaming tao. Super shock talaga ako nang makita ko ang taong nabungo namin..siyempre walang iba kundi ang..tan tana nan...ang kanyang amang walang b_y_g!. Nakakaloka, of all places?? Bakit dito pa sa mall?? Iyon ang nasa isip ko. Ok na sana eh, kaya lang may kasama siya. (Haler! dapat pa bang magtaka diba?) Hindi naman sa mapang lait ako eh, di hamak na mas maganda at bata naman ako sa babaeng kasama nya. As in gusto ko sanang itanong sa babae na "inday hindi naman Sunday ngayon bakit nag off ka??". hehe. Kapwa kami hindi nakakibo ng makita namin ang isa't isa. Dug dug dug lakas ng kaba ng puso ko (naks parang eksena sa isang pelikula). Pero siyempre hindi naman ako bitter at i already move on kaya nag sorry ako as if hindi kami magkakilala samantalang siya ay titig na titig sa akin at sa anak ko. "ang cute naman ng baby" iyon ang narinig ko sa babaeng kasama niya. "anak mo?? foreginer ba ang ama?" tahasang tanong nung babaeng kasama nya. Haler! obvious ba? Close ba tayo? eh kung dukutin ko kaya mga mata mo?? sabi ko na lang iyon sa sarili ko. Buti na lang at nakapagpigil ako at sabi ko na may lungkot kunwari pero may halong tapang ang boses at sumbat, "oo, but her father died in an accident", (talagang ingles para maintindihan ng ex ko, hindi naman masyadong mataray diba?). Pagkasabi ay umalis na kami. Nakita ko pa ang huling reaksiyon ng ex ko, mix emotions, malungkot, naiinis dahil siguro sa nakita kami at sa sinabi ko (kasi ba naman buhay pa siya pinatay ko na), nanghihinayang (kasi super gandara ng anak namin noh) o baka natatae lang siya? hehe..
Nagalit ang ate ko nang malaman nya yung kwento ko habang naglalakad kami. Bakit ko daw ginawa yun. Ay ewan ko para sa akin tama lang yun sinabi ko. Lumipat kami sa ladies section ng department store. May pang hihinayang pa din sa puso siyempre pero wala naman akong magawa. Habang tinitingnan ko ang isang damit, may narinig akong boses sa likuran ko at ang sabi "Why did you that? Why did you say that?". Napalingon ako, oh my God, gusto kong himatayin. Anak ng..bakit andito to?? Iyong ex ko at titig na titig sa akin. Hindi ako nakapag salita. Umiwas ako sa tanong at iniwanan siya. Akala ko ay hindi susunod ang pasaway, nakita ko eh nasa likod ko pa din at bigla akong hinawakan sa braso at pilit na pinahinto sa paglakad. Help!!! gusto kong isigaw. "Let go of me" sabi ko sa kanya. "no unless you're going to tell me why you said that?", matapang naman na sagot nya kaya para matahimik siya at makaalis na din ako (dahil pinagtitinginan na kami) sinabi ko na "it's true, her father died in an accident, why??". Siyempre mega sagot din siya na "You think it's not hard for me? Do you think I never think of my daughter every single day? I couldnt sleep at night, It's yout fault. You walked away. You started it". Ay ang taray! sumbatan ba ako. Siyempre ayokong maubusan ng ingles ha sa pakikipag talo sa kanya. Kaya aalis na sana ako nang makita ko ang pamumula ng mukha nya, akala ko galit pero ng makita ko ang luha sa kanyang mata, bigla akong naantig at naawa. parang napakabigat ng saloobin nya at mataga na nya itong dala dala. "I'm sorry, I have to go" Sabi ko kasi ayokong madala at baka kung ano pa mang yari. Paalis na ako ng marinig ko ang sinabi nya "Please.." waaahhh my heart melts..Humarap ulit ako sa kanya, magsasalita na sana ako ng bigla nya akong niyakap. Napakahigpit. (ay talaga naman parang sa pelikula. this is it na ba?) Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Napapikit ako at namalayan ko na lang na niyakap ko din siya at bigla na lang...
Aray!! Sinong kumagat sa akin? ang sakit ha. Idinilat ko ang mga mata ko, ang mukha ng anak ko na nasa muka ko at sabi Mama..Asan ako?? Bakit ako andito sa bahay?? Nakita ko din nanay ko nakatayo at sabi ginigising daw ako ng anak ko dahil umuungol ako. Ay ganon?! Anak ng..kaya pala eh.. Isang panaginip lang pala ang lahat. Akala ko ay totoo na. Andun na eh oh. Andun na. Ssayang! (asa pa ako eh noh). Hindi ko alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng panaginip na yun, pero kung ano man, at least nagkatagpo pa din kami ng ex ko..sa panaginip nga lang.
Contributed by:Athena
1 komento:
punyeta bkla na goodtime mo ako akala ko seryoso na! May this is it ka pang nalalaman hayup! ilusyunada! he,he
Mag-post ng isang Komento